“Hindi na! Magcocommute na ako!” Iritableng sabi ko noon sa kabilang linya.
Kanina pa ako naghihintay. Kung sana una pa lang sinabi niya ng hindi niya ako masusundo. Di sana kanina pa ako nakarating sa bahay. O kahit text man lang!
He made my day bad. Kaya wala ako sa mood na nakarating ng bahay. At ilang minuto lang pagkatapos kong makarating ng bahay ay ganoon din ang pagdating niya.
Ang sama ng pagkakatitig ko sa kanya. Parang gusto ko siyang tirisin ng buhay. Oo nga’t alam naming pareho na abala ito ngayon sa shop. Kaya lang, sinabi niya kaninang umaga na susunduin niya ako! Sana naman sinabi niyang hindi matutuloy.
Hindi naman ito nakaimik. Basta niya lang ibinalik ang titig sa akin. Waring iniintindi iyong inis ko sa kanya. Na mas lalong sumisidhi dahil nga binabaliwala nito.
Umirap nga ako at padabog na umakyat, nagbihis at muling bumaba saka inabot si Farina na gigil na kinakagat-kagat ang hawak na bagay. Nagpaalam din sandali si Ynes at sinabing magluluto muna para sa hapunan.
“Are you still mad?” Tumabi ito sa akin dahilan kung bakit napalayo ako roon. Bumuntong hininga ito at napahilot sa ilong.
I threw him a glare. Parang kasalanan ko pa tuloy kaya masama ang loob ko sa kanya. Eh sino bang may kasalanan?
“I’m sorry,” mahinahong sabi nito.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tinitigan ang ulo ni Farina. Saka ko muling tinitigan si Luis. Na ngayon nga’y paunti-unti ng tumutubo ang bangas. I eyed him, iyong nakakatunaw.
“You should shave. Magkakarashes niyan si Farina.” Paalala ko sa kanya.
Bahagya itong ngumiti at parang batang tumango. Napabuntong hininga na rin ako at pinadede si Farina. Minsan napapangiwi ako sa sakit, nanggigigil talaga itong anak namin. Siguro kasi tumutubo na iyong front tooth niya.
“My parents will be home a week before Farina’s first birthday. How about your parents?” He asked while I feed Farina.
Ang bilis ng panahon, tatlong Linggo simula ngayon ay binyag at first birthday ng baby ko. Hindi ko nga napansin, dahil siguro kahit kakaonti lang ang naiwang subject ngayon e talagang cramming... minsan nga talagang puyat ako. Mula sa pag-aalaga kay Farina hanggang sa paggawa ng mga paperworks.
At tungkol naman kay Luis, he went to Brazil last month but that was a short trip. Agad itong umuwi. Namimiss si Farina at tumutok na lang talaga sa trabaho nito sa tattoo shop.
“On day iyong trip nina Mommy pauwi rito... wish ko nga lang hindi magkaroon ng aberya para naman makadalo sila si Birthday ni Farina.” Tinitigan ko nga si Farina. Na parang laging gutom kung makadede. Pakiramdam ko nga pati kaluluwa ko e gusto nitong sipsipin. Luckily, Farina’s a healthy child. Magana talaga itong dumede lalo na sa liquid foods.
“She will be 1 yr old, Jens... don’t you think it’s time for us to get married?”
Nanlamig ako sa tanong nito. Para bang tinakasan ako ng dugo noon. Minsan lang naming pag-usapan ito simula nang nanganak ako. At marinig ito muli ngayon, parang... umuurong ang sikmura ko.
“It’s too early...” iling ko.
Natahimik ito saka ako tinitigan at umiling. Napalunok pa nga ako noong tumayo ito at naglakad papunta sa kusina. Akala ko nga nagtampo na kaya lang bumalik din ito kaagad pagkatapos ng ilang minuto. Sakto at tapos ng dumede si Farina, busog at nakatulog. Binuhat ito ni Luis, nakatitig nga sa dibdib ko at saka napalunok, nakakahiya nga iyon kaya mabilis kong ibinaba ang suot na damit.
Si Luis na ang nagbantay sa sala habang tinutulungan ko si Ynes. Mabait talaga ito, swerte nga at masunurin saka hindi pasaway. Maalaga rin ito sa anak ko lalo na kapag wala kaming pareho ni Luis sa bahay.
Binalikan ko si Luis pagkatapos ng ginagawa. Tinabihan ko siya... doon ako nakatitig sa braso niyang punong-puno ng tattoo. May dumagdag sa gilid ng abdomen niya. Larawan ni Farina. Mahal na mahal niya talaga iyong anak namin... at ramdam ko.
“Gagraduate na ako by June, Luis. And I am planning to work in a Corporate Company...” paalam ko rito.
Natigilan ito... kitang-kita iyong gulat sa mukha niya. Napag-usapan na namin iyon dati. Nakalimutan niya siguro. Pero kasi... gustong-gusto kong magtrabaho.
I saw how my friends became so busy these days. Simula ng gumraduate ang mga yon, naging behave at minsan na lang talaga kung lumabas. Kapag pare-pareho ang mga day off nila, ginagawang bondingan itong bahay ni Luis. And also, they really love my daughter. Abunado na kaagad sa mga gamit kahit hindi pa naman niya iyon kailangan.
“Y-you sure?” Kabadong tanong nito.
Tumango na kaagad ako at sinilip si Farina na mahimbing ang tulog. Narinig ko ngang napabuntong hininga si Luis kaya naibalik ko sa kanya iyong mga mata ko. Pinagmamasdang ko lang siya. Pilit na binabasa kung anuman ang nasa isipan niya.
“Kung ayaw mo na, you can stay here just being Farina’s mother.” Sabi nito.
Tumango ako, ayaw ko na lang ding makipagtalo. Dahil sa totoo niyan, kahit hindi niya sabihin, alam kong ayaw niya doon sa ideyang gusto kong magtrabaho.
But what can he do then? E sa gusto kong magkaroon ng trabaho. Iyong kikita ako ng pera dahil sa pagsusumikap ko at hindi dahil galing sa kanya o kina Mommy. I want to earn, and buy things for my lovely daughter.
Isang Linggo bago ang unang kaarawan ni Farina ay naging abala kami ni Luis. We made sure that all things will be planned ahead and well. Pinacheck ko nga kay Luis iyong venue. Kung kakasya ang isang daang tao at kung magiging komportable ba ang lahat.
Hindi ko nga nasasamahan si Luis dahil naging abala ako sa school. Konting-konti na lang talaga. Dalawang buwan na lang gagraduate na ako.
Pareho kaming pagod ni Luis pagkatapos e finalize ang lahat. Kasali na roon ang foods, organizer at venue. Nailatag na rin namin sa lahat iyong invitation card.
Kaya nga tatlong araw bago ang binyag at unang kaarawan ni Farina, ay pareho na kaming nakahinga ng maluwag habang nakahiga sa king size bed. Nasa tabi ng bed iyong crib ni Farina. Luckily she’s asleep. Makakapagpahinga kami ng maayos.
“After Farina’s Birthday, I’m going to Brazil.”
Natigilan ako sa paghinga ng mahinahon saka nilingon si Luis na ang mga mata ay nasa ceiling. I don’t know if he’s worried or what. Ngunit dahil alam ko kung gaano ito naging abala nitong nakaraang buwan, alam kong kailangan niya nga talaga iyon.
“I’ll be fine... and Farina too.” Paalala ko rito. Nandito naman si Ynes, at baka hihilingin ko din kay Luis na dagdagan pa ng isang katulong. Hindi na kasi biro at naghihintay na sa akin ang company kung saan nagtatrabaho si Jasper.
I had an initial interview yesterday, they said that they were interested with my credentials. At kung gusto ko raw, pwede na akong mag-umpisa ora kapag nakagraduate na. And that means I have 2 months only. At walang pahinga na iyon. Diretso trabaho.
“But it will be different, Sweet. I’ll staying there for six months.”
Natigilan ako rito. Six months?! Teka lang, kaya ba namin iyon? Kaya niya ba? Baka naman uuwi-uwi siya pag may pagkakataon.
“Uuwi ka naman yata,” unbothered na sabi ko rito.
Umiling ito saka hinaplos iyong ulo ko dahilan kung bakit kumabog ang puso ko sa kaba. This isn’t joke... walang yatang uwiang mangyayari. Ganoon ba kaseryoso ngayon?
“I have few things to settle there. It will take a long run to finish and put all my business back to normal again. Baka nga humaba pa iyang six months na iyan.” Worried na bulong nito.
Kumabog na talaga ng totoo ang puso ko habang tinititigan ng malalim si Luis. Seryoso ito! With that gloomy he’s wearing right now, walang joke! Totoo nga!
And I had no idea that he had problems with his businesses! Kung pera lang naman ang pag-uusapan, normal ang flow ng perang pumapasok sa account ko. Though nasa iisang bahay lang naman kami, maintained talaga ang allowance na binibigay niya sa akin
Kaya nga mas gusto ko na lang magtrabaho na muna... ayaw kong umasa na lang palagi sa kanya. It gives me burden kahit pa hindi ito nagrereklamo.
“You should stop giving me allowance, Luis. Magkakatrabaho na ako after two months.” Sabi ko rito.
“Still,”
“Luis! Nagiging unfair ka na,” out of the blue na sabi ko rito na ikinatigil niya.
I am not his responsibility! Oo nga’t nagkaanak kami... kaya lang hanggang doon na lang iyon. Kung gusto niyang maging responsable, iyong kay Farina ay tama na. Wala na ako roon... akala niya, hindi ko nararamdaman na habang tumatagal, ang init na ibinigay niya sa noon bago pa man ako nanganak ay unti-unti ng naglalaho?
I am not blind... and it scares me! Ayaw kong mapag-iwanan kaya gumagawa ako ng sariling mga desisyon. Gusto ko sanang sabihin kaya lang... ayaw ko ring maramdaman na naaawa lang siya.
“Let me have my own decisions, Luis. Let me have my work... hindi naman kita pagdadamutan ng responsibilidad kay Farina. She’s your daughter... you made her, kaya pls... pls, hayaan mo naman ako.” I was crying... di ko alam kung paano ako napaiyak ng ganoon. Basta iyong bigat ng nararamdaman ko e parang bombang sumabog.
Nabigla ito at napaupo. He was just staring at me... pinilit ko ang sariling wag nang maiyak. Kakaawaan lang ako nito na hindi naman dapat.
Hindi ako ganito. Matibay akong babae. Kaya alam kong kailangan ko talagang maging matatag.
Kaya nga... habang tumatagal mas lalong tumitibay ang loob kong wag pumayag sa kasal. It will be useless.
Napatahan na ako noong niyakap ako sa higaan ni Luis. He was so nervous, rinig na rinig ko ang t***k ng puso niya. Naguiguilty na naman yata...
Napakabait ni Luis. Sa almost two years naming pagkakakilala, ramdam ko talaga ang pag-aalaga ni Luis. Kabaliktaran ang anyo nitong parang laging laro lang ang hanap... he’s very responsible. Kaya lang—
We were all complete when the day came for Farina’s Christening and First Birthday. Lumiban talaga lahat ng mga kaibigan namin para lang dumalo sa enrandeng party ni Farina. She was showered with love words and Love gifts. Kompleto rin ang mga magulang ni Luis. Ganoon din sa akin. Tuwang-tuwa ang mga ito habang pinagpapasahan si Farina. Prinsesang-prinsesa ito sa araw na yon. Mula sout hanggang ayos ng venue.
“Girl, pwede ka na raw mag-umpisa pagkatapos ng graduation!” Paalala sa akin ni Jasper.
Tumango ako, excited na sa mangyayari though intermediate lang ang mga gagawin dahil baguhan pa lang ako. Doon naman nagsisimula ang lahat. Gagawin ko naman ang best ko para maging mabuti sa trabaho. And besides, I’m planning stay... kung maganda naman ang kompanya.
After 5 days, inihatid namin ni Farina si Luis sa airport. Parang ayaw pa ngang umalis kung hindi lang tinawag ang flight niya. Alam kong nalulungkot ito, lalo na noong pabalik-balik ang mga titig niya sa amin. But, it will be about Farina’s secured future. Kung ako lang naman... baka nga—
“s**t!” Kinakabahang wika ko habang pinupulot isa-isa ang mga nilipad na documents. May nalagyan ng ink at may ilang naisalba.
Napatitig nga sa akin si Arienne, pati yata siya e kinakabahan sa nangyayari. Paano ba naman kasi, gagamitin iyan mamaya para sa presentation... and I ruined everything! I don’t know what to do! Tatlong minuto na lang at dadating na ang mga kameeting ni Ma’am Snow... at saan ako kukuha ng copies?
Naiiyak ako sa inis, o takot... kaya lang, sinabi ko na noon... gagawin ko ang lahat, para maging magaling.
Nahihiyang sinilip ko ang kabilang departamento. And then I saw Gerald, with his geek mode. Nakasout ng glasses habang nakayuko at pindot ng pindot sa keyboard.
I was hesitant at first, kaso umaasa ang magiging kapalaran ko rito sa mangyayari. Kakapalan na lang talaga kahit na ako yong tipo ng taong ayaw makihalubilo sa ibang departamento.
“H-hi,” tawag ko rito.
Natigilan ito sa kakapindot ng keyboard at tumingala sa akin. Napalunok tuloy ako. Kumabog iyong puso ko. Tumilapon sa labas. Habang ang lalim ng titigan naming pareho.
“I need your help,” pikit matang sabi ko rito.
“Okay,”
Napadilat ako noon at parang teenager na namula iyong pisngi ko hanggang taenga.
“Thanks Sir!” Senior ko ito kaya deserve nito ang respeto.
Ngumiti ito, kahit nakayuko nasilip ko pa rin ang pigil ngiting iyon. Nanlaki tuloy ang mga mata ko at nahihiyang napakagat labi. Nanginginig ang mga daliri ko hahang tinititigan ang clean cut niyang buhok. At saka muling namula ang mga pisngi. Lumala pa yata.