They were all shock, and I was smiling faintly as I look at Luis who was also having a hard time. Sumakit tuloy ang tiyan ko at nagulat ang lahat. Unang tumayo si Andie at inalalayan ako. Si Luis nga ay puno ng pag-alala.
Tawang-tawa naman ako lalo na noong nahimasmasan na ang lahat at dali-daling inalalayan din ako.
“I’m okay. Kinabahan lang ako.” Sabi ko sa mga ito. At sabay-sabay pa nilang tinitigan ang tiyan kong may baby bump.
Napalunok si Momay at tinitigan din si Luis na seryoso pa rin sa nangyayari. Tinuro ko ang sofa at doon nagpaupo. Si Luis nga agad na kumuha ng tubig at ipinainom sa akin. Ang buong barkada ay nasa sala na. Nakatitig sa akin na para bang aparesyon ako roon. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matawa o mainis. Hindi naman kasi biro iyong sinabi kong buntis ako. At totoong buntis ako. The bump isn’t just visible yet.
“I-ilang months ulit?” Tanong ni Andie na para bang babasagin ako roon at takot na dumikit sa akin.
Ngumisi ako at ipinakita ang limang daliri. Halos mamutla si Gretta at obvious na ayaw pa ring maniwala ng lahat.
“P-pano—“ napabuntong hininga si Angelique. Waring iniisip kung paano nga. We just met Luis 5 months ago. We barely know each other. Tapos sa isang iglap...
“We had sex.”
Napasinghap sila. Si Andie napatakip ng mukha. Hiyang-hiya yata. Pare-pareho silang namumula ang pisngi. Kinutungan nga ako ni Momay saka niyakap ng mahigpit. At panay ang salita sa mahinang boses na parang nananaginip daw siya at hindi makapaniwala.
Eventually they gave me congratulations after that chaos. Tinuloy namin ang party ngunit hindi na ako nakasali. Nakaupo lang ako sa lounge at katabi ni Luis habang pinapanood ang mga kaibigan kong nag-eenjoy sa pool. Maya’t maya rin ang check ng mga ‘to sa akin.
Inakbayan naman ako ni Luis. I looked at him and then wryly smiled.
“You sure you’re gonna stop schooling?” Maya’y tanong nito sa gitna ng ingay ng mga kaibigan ko at sa katahimikan ko.
“Oo, mahihirapan yata ako kapag ipinagpatuloy ko. Saka isang sem lang naman.”
Tumango ito waring iniintindi ang desisyon ko. Tumango rin ako at hinawakan siya sa braso na ikinalaglag ng mga mata niya. He smiled wearing that grin.
“Akyat tayo?”
Puzzled na tinitigan ko ito saka kumunot ang noo. Mabilis pa sa alas kwatro na inilingan ko siya. Natawa lang ito at gigil na pinisil ang braso ko.
“Ilang buwan pa kaya?” Bulong nito ngunit abot ng pandinig ko.
“Ha?” All along pinipigilan niya pala ang sarili? Kaya ganoon? But I admire him for that. Di naman kasi biro at lalong alam na alam ko kung gaano kataas ang needs nito. Wari ko nga kung hindi pa ako buntis baka hindi ako papahingahin nito. I just remembered those nights, noong nagsine kami, noong umuwi siya... blur na sa akin iyong nasa bathroom. Para kasing lutang ako noon at hindi klaro sa alaala ko ang pinaggagawa namin. Though, doon nabuo ang baby.
“Check up natin bukas,” paalala nito ng mag-alas diez na ng gabi.
Nagpaalam ako sa mga kaibigan na habang tumatagal ay nag-eenjoy sa pool. Hinayaan naman kami at mukhang naiintindihan ang sitwasyon. Hindi na kasi tulad ng dati na pwede pang magpaumaga.
We woke up early in the morning. Nakapaghanda na rin si Luis at sinabing pagkatapos ng check up ay dadaanan namin iyong bagong hire na katulong. Ayaw akong iwanan ng mag-isa na Luis. Dahil siguro sinabi niyang maliban sa Zoom at kailangan niya ring bisitahin ang tattoo shop sa BGC.
And speaking of that, naisip ko iyong plano ko noon.
“After you give birth, Jens. Baka mapa’no ka.”
Ngumuso ako at tinitigan ang naninigas niyang braso sa tuwing nagkakaroon siya ng force doon kapag lumiliko. I understand though. Priority namin ang baby.
At wala pang isang buwan simula ng nalaman ng lahat iyong pagbubuntis ko ay para bang mahikang lumaki iyon.
I was dumbfounded as soon as I noticed the size. Kinulit ko nga ng kinulit si Luis na tawang-tawa dahilan kung bakit tinupak ako at sinapak siya.
“You look prettier.” Ngisi niya. Tuwang-tuwa sa paghaplos sa lumubo kong tiyan. Ngumuso ako at tinitigan ang labasan.
Minsan na ring bumisita si Mommy dito. At nagulat pa kami ng kasama niya si Daddy na no’ng una ay naiilang dahil sa kasama ko. But eventually, they became friends. At sa loob ng limang araw na bakasyon ay naging kainuman nito si Luis.
Mabilis din kasing pakisamahan si Luis. At habang tumatagal nagugustuhan ko iyong ugali niya. Taliwas sa kung anong meron sa katawan nito ang tunay na kulay nito. Madaling pakisamahan. At sobrang maalaga.
Alas dos ng hapon ng niyaya ako nitong maupo sa sa bamboo cottage na nandoon sa gilid. Pinapanood namin ang tahimik na Subdivision. May dumadaan naman kaya lang dahil nasa dulong bahagi kami ay sadyang madamot iyon sa mga residente.
Kaya di ko maiwasang mabored. Hindi rin lingid sa kaalaman iyon ni Luis. He would say, papasyal daw kami sa kung saan ko raw gusto. Pero kasi tamad na tamad ako. At gusto ko na lang humilata. Kasama si Luis. Na mukhang nagiging mabait at ayaw man lang ako hawakan. Ay sinabi kong wag na lang.
Namula tuloy ako sa iniisip at ikinailing iyon. Wala akong intensyon na iba. At lalong ayaw ko na ring gawin iyon. Ngayon na ang laki-laki na ng tiyan ko. At lalo naman kapag nanganak na ako. Ayaw ko ngang sundan iyong magiging anak namin.
Kailangan ko kasing isipin ng mabuti kung magwowork out ba talaga kami ni Luis. I know I don’t love him romantically. For sure, ganoon din ito. Kaya mabuti pang wag na muna... mabuti pang isipin na lang namin ang magiging kalagayan ng anak namin.
“It’s a girl, Luis.” Bulong ko rito at tawang-tawa.
Napailing ito saka napahalakhak. Di ko mawari kung natutuwa ba ito o kung ano. Kanina pa niya hinihiling na sana ay lalaki. Nahuli na nga itong gender reveal namin kasi naging abala ito sa trabaho lalo na at ilang buwan na siyang hindi nakakauwi ng Brazil.
“Better luck next time,” ngisi nito sa akin.
Nawala iyong tawa ko at parang latang natutupi. Iniisip ko kasi, gagawin ba namin ulit? Hindi pwede.
Ilang araw na lang bago ang panganganak. Kaya umuwi si Daddy at kasama nito si Mommy na nakitira muna sa amin. They were so extra careful. Ganoon din si Luis na konting daing ko lang ay nagigising na kaagad.
I know they were all excited. Kaya lang kinakabahan ako ng sobra-sobra. Hindi ako mapakalai. Hindi ako makatulog. Na iistress ako. At ganoon din ang mga tao sa bahay. Siguro dahil hinahawaan ko kaya ganoon.
At hindi na rin kami nagtaka kung bakit nanganak ako na wala sa schedule ng dapat kung kailan talaga ako manganganak. Kabadong-kabado ako habang papasok. Kasama ko si Luis na hinarangan ng nurse na nagbabantay sa entrance. Kinausap iyon ni Luis at may tinuro siya sa malayo. Pumikit na lang ako dahil nahihilo ako sa nangyayari.
Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang mag-aassist sa akin na nagsusuot ng gloves. Saka ko nakitang pumasok si Luis. At kahit nakatakip mula ulo hanggang talampakan ay alam kong siya iyon. Sa laki ba namang tao niya e talagang makikilala na kaagad.
Nanginginig ako noong inabot ang kamay niya. At doon na nag-umpisa lahat ng kalbaryo ko sa bahay. Para akong mamamatay. Gusto ko na lang pumikit. Kaya lang sinasabi ng lahat na bawal akong matulog hangga’t hindi nailalabas ang bata.
I endured the pain.
I embrace all the strenght.
And then I gave birth to Farina Chastine Ribeiro. She’ll have his father’s surname. Dahil yon ang dapat.
Nauna kaming nauwi. Naiwan ang baby dahil kailangan nga raw. I got scared, I thought she’s sick. E hindi naman pala. May tiningnan lang daw, kasi akala ng mga doctor may nakita silang sakit. Gusto ko silang pagbabatukan isa-isa. Para akong aatakehin sa puso.
“She’s beautiful.” Natutuwang haplos ng daliri ni Luis sa batang karga ko.
Indeed. She’s very beautiful. Ang ganda-ganda niya. Walang pagsidlan ng tuwa iyong puso ko habang tinititigan namin ang anak kong mahimbing na natutulog sa bisig ko. Ganoon din si Luis. He really loves watching my baby taking her time for sleep. Naiiyak nga ako sa sobrang tuwa.
“Ang ganda ng combination niyo Girl.” Tuwang-tuwa rin si Jasper na kahit puyat dahil sa thesis e nagawa pa kaming daanan dito sa bahay.
Excited ang lahat. Maraming regalo. Maraming bumisita. My baby was showered with praise. Totoo talagang ang ganda-ganda niya. Matangos na ang ilong kahit infant pa lang. Maputi... sobrang puti actually. Na ipinagtataka ko kasi kahit maputi naman ako hindi nga lang ganoon na parang gatas na. And then Luis smirked...
“I was fair.”
Sumingkit ang mga mata ko. Gusto niya yatang lahat e mamanahin sa kanya. Niloloko yata ako nito.
Dahil ayaw kong maniwala e ipinakita niya iyong picture noong bata pa siya. At totoo nga! Napatanong tuloy ako...
“I love being tan, Sweet. Pagkatapos pinuno ko pa ‘to ng tattoo.”
Umiling ako. Hindi makatawa ng wagas. Paano naman kasi masakit pa rin ang pagkakatahi noong sa ibaba kaya kahit konting galaw ko lang eh napapadaing ako sa sakit.
Napakamaalaga ni Luis pagdating kay Farina. Halos nga hindi ako nahirapan dahil talagang nandoon lang si Luis... hindi ako iniiwan. Hanggang sa nagdalawang buwan si Farina. She really loves watching her sorroundings kahit na hindi pa naman siya ganoong na nakakakita.
Kabado si Luis habang pinagdadrive ako papunta ng school. Hindi ito mapakali. Kaya di ko maiwasang mapatawa. Nagbabakasakali lang ako na baka pwedeng mag-enroll ng ilang unit at para sa susunod na sem ay kakaonti na lang ang kailangan kong habulin.
Luckily, there are subjects na pwedeng i-advance. Nag-enroll na kaagad ako at tawang-tawa na tinitigan si Luis na parang mahihimatay yata habang tinitingnan akong nagkakapawis dahil sa pila.
Most of the girl students ay nakatitig ng matagal kay Luis. Paano ba naman kasi... sige na nga... sobrang gwapo nito sa itim na t-shirt at totoong malaki siyang lalaking. Kumbaga punong-puno ng muscles iyong katawan niya at matangkad pa kaya ganoon.
“I’m having heart attacks.” Hinahapong sumbong nito. Napahawak pa sa sariling dibdib na para bang aatakehin kaya hagalpak iyong tawa ko.
Ngumiti siya saka pinunasan iyong noo kong puno ng pawis. Hiyang-hiya ako lalo na nang pinatakan pa niya ng halik iyong labi ko. I saw some stare at us. May kinilig pa nga kaya sinipa ko iyong paa niya sa ibaba.
Umirap nga ako at uminom ng fresh milk. Binili niya kasi nag-aalala raw siya sa akin. Baka daw maubusan daw ako ng gatas. Kawawa si Farina. Nangasim tuloy ako sa hiya. Hindi naman sigurado ano?
Pagkatapos ng enrollment, at mahaba-habang pilahan, na si Luis na ang gumawa para sa akin... dahil ayaw niyang mabinat ako e dumaan na muna kami sa mall para bumili ng pasalubong sa batang katulong namin at para na rin makain namin habang pauwi. Madalas na akong magutom ngayon lalo na dahil breast feed si Farina.
“You sure you’ll be okay? Nag-aalala ako sa’yo, Sweet.” Hindi pa yata ito nakakamove on.
Nasasayangan ako sa panahon na pwede namang bumalik na ako sa pag-aaral. Kailangan ko talagang makapagtapos. At gusto kong magtrabaho. Tulad ng plano ko simula pa no’ng una. At gagawin ko talaga.
Ngumiti ako kay Luis. Kaya ko naman. Kung hindi man kakayanin. Titigil ako.
“Magtatapos ako at saka magtatrabaho, Luis.”
Napatitig siya sa akin. Nagtataka.
“I can provide everything for you and for Farina.”
Umirap nga ako. Alam ko. Alam na alam ko. Sa ilang buwan bang nasa puder niya ako... hindi ko man lang naranasan na pagdamutan. Well provided lahat. Binibigay niya lahat. Kahit ultimong maliit na bagay. But... I have also my pride.
“I want to graduate Luis... saka magtatrabaho.” Ulit ko rito.
Tumagal ang titig niya sa akin. Klarong ayaw niya talaga ngunit sa huli ay napatango ko ito. Ngumiti na lang din ako.