14

2138 Words
“What will be the set up, then?” I was expecting for our parents to get really mad. I know my decision is very insane. Kaya lang iniisip ko rin naman kung paano nga hindi talaga kami magkasundo? Pareho kaming magsa-suffer ganoon din ang magiging anak namin. “We decided to live in his place,” tinuro ko si Luis, na nakaupo sa’king tabi. For the whole duration of that ‘pamamanhikan’ he was very silent. He would just agree or not. Ako talaga ang may salita ngayon. Na hinahayaan niya naman. Nagtataka nga sina Mommy kung bakit ganoon ang mga desisyon ko. Nakikita ko rin kung paano nila titigan si Luis na parang inaakusahan. I should explain this later to them. Natapos ang pag-uusap na hindi umaangal si Luis. Tinititigan lang ako nito na parang binabasa. E ‘nong una pa lang alam na niya ng ito ang pag-uusapan. Matiwasay niya namang sinang-ayunan ang mga desisyon ko sa buhay. And then now, para bang nalilito at bahagyang galit pa habang pinapaliwanag ko ang mangyayari. Kahit sabihin pang obvious na ayaw ng mga magulang namin sa desisyon ko. “Jens,” tawag ni Mommy pagkatapos na ihatid namin ang mga bisita sa labas. Nagpaalam din si Luis at sinabi niyang may kukunin lang siya sa BGC at uuwi rin naman kaagad. “Bakit Mom?” Nag-aalalang tanong ko noong nakitang para siyang namomroblema. I get it! Siguro nga dahil sa akin. “Can we talk?” “Sige Mom,” Tinuloy namin ang pinal na desisyon kanina doon sa library ni Daddy. Alam ko naman na hindi sapat iyong mga pag-uusap kanina. At talagang hindi papayag si Mommy. Kaya lang... ayaw ko namang pagsisihan ‘to sa huli. Nakagawa na nga kami ng kasalanan e dadagdagan pa ba ng problema sa hinaharap? Pakiwari ko nga ay bonggang-bonggang sermon ang aabutin ko kapag napag-isa na kami ni Mommy. Kaya lang desidido na ako. Simula pa lang... “Sigurado na ba kayo roon?” Nagulat ako roon sa malambing na boses ni Mommy. Akala ko nga ay bubugahan niya ako ng apoy. Salungat pa ang nangyari. At hindi ko alam kung bakit nanlambot ang puso ko noon. Bigla akong naawa. Hindi sa sarili. Kundi sa pamilyang ‘to. Gagraduate na sana ako eh. Kaya lang mapupurnada pa yata dahil sa kalandian namin ni Luis. “Mom, I know you would get disappointed. But Mom... I do not want to regret things.” Umiling ito. Di sang-ayon sa naging paliwanag ko. Ang gusto ko lang naman ay maintindihan ng lahat na kahit nakagawa ako ng kasalanan, di na ako pwedeng gumawa pa ng isa. Umiiling na idinantay ni Mommy ang daliri sa ibabaw ng desk table ni Daddy saka nagdesisyon na umikot at doon maupo sa madalas na upuan ni Daddy sa tuwing nandito ito sa Pilipinas. Obvious. At kahit siguro anong paliwanag ko e maniniwala talaga si Mommy na mali ang desisyon ko. Kaya lang... hindi na ako bata. “Paano kung takbuhan ka noon?” Ngumuso ako at hindi makapaniwalang tinitigan si Mommy na totoo talagang puno ng pag-aalala ang mukha. Di yata mawawala iyon doon. Hangga’t di nababali ang desisyon ko ay talagang hindi rin mabubura iyang pag-aalala niya. “Do you think Luis will do that?” Hamon ko rito. Di makapaniwalang tinitigan ako nito. Na para bang sinasabi niyang ‘malay niya do’n’. Oo nga naman hindi niya pa gaanong kilala iyong tao. Kahit ako nga. Pero pakiramdam ko at malakas ang loob kong hindi gagawin iyon ni Luis. He’s somehow a man with a word. “Dehado ka Jens,” iling nito. Ayaw pa rin makumbinsi. Napabuntong hininga ako. Paano ko ba ipapaliwanag na ayaw ko nga... at ayaw ko ring pagsisihan sa huli. “Mom, what about—-“ nakagat ko ang pang-ibabang labi, di ko mawari kung bakit naisip ko iyon. Kaya lang, wala namang masama doon. I know in that lifespan I will be able to know Luis more. Saka na siguro, “— Kilalanin ko ho muna si Luis. Saka kami magdedesisyon na magpakasal.” I saw how her face lit. Pakiramdam ko kahit papa’no e naipaliwanag ko ng maayos iyong sa akin. I don’t wanna regret things... at sa tingin ko itong dagdag na desisyon na ‘to ay pwede para makapagdesisyon sa hinaharap kung pwede nga ba o hindi. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mommy ay siya na ring pagbaba namin. Luis texted me that he’ll be late. May nilaro raw siyang session at baka nga matagalan ito. Sinagot ko na lang na okay lang. Walang problema. At saka aayusin ko pa ang mga aralin. Kailangan ko lang talagang pumasa bago tumigil next sem. At kakausapin ko rin si Luis tungkol doon. Maiintindihan din naman siguro nina Mommy. Mahirap na at abutan ako ng panganganak habang nag-aaral. May inihandang panibagong meryenda si Nanay Lydia kaya pareho kaming sabay-sabay na kumain. Ipinagtabi ko nga lang si Luis kung sakaling magbago at napaaga ang uwi. We talked some random things at mostly tungkol naman sa pagbubuntis ko. Na minsan ikinamumula ko kasi wala naman silang alam sa nangyari. “You really got me scared, Jens. Akala ko talaga tatanda kang lesbian. But this is more scary than that conclusion.” Nakangiting sabi ni Mommy. Napangiti na lang din ako. At minsan iniisip ko kung saan mas na-relieve si Mommy. Doon ba sa ideyang hindi naman ako Lesbian at buntis ngayon, o doon sa ideyang sana naging Tomboy na lang ako? Nakakalito rin kasi minsan. Alas tres ng sinabi ko sa kanilang inaantok na ako. At mamayang gabi ay mag-aaral pa ako dahil may quiz bukas. At kailangan ko talagang magpahinga ng mabuti. Kung noon gustong-gusto kong nagpupuyat. Ngayon parang pinagdadamot ko pa ang tulog. Siguro nga kasi kinokondisyon ng utak ko ang sariling katawan dahil buntis ako. Buntis talaga. At si Jasper pa lang ang nakakaalam. Iyong pinsan ko ngang si Andie walang ideya. Kahit ang lakas ko ng kumain at panay ang pabili ko kay Jasper na mukhang nagiging alipin na at hindi naman nagrereklamo, ay talagang walang nakakapansin. Nagulat nga ako habang nagsusukat ng binibiling t-shirt at hindi nagkasya ang madalas kong bilhin na sukat. I got grumpy. Oo sumama ang loob ko at nagtatampo na nagsumbong kay Jasper na tawang-tawa at bitbit ang ilan sa mga binili ko. “Kailangan ko na yatang magdiet.” Hinampo ko habang sumisipsip ng straw. Tinitigan ako ni Jasper na para siyang nakakita ng multo, or let’s say naaburido sa sinabi kong yon at binara ako sa pamamagitan ng, ‘Girl, don’t you dare! Ayaw kong maging kulang-kulang ang utak niyang magiging pamangkin ko.’ Na ikinanguso ko na lang at tinuro ang food stall at sinabi sa kanyang gusto kong kumain ng tunay na squidballs. Tuwang-tuwa ang bakla at hindi talaga nagreklamo kahit ang dami ko ng iniuutos sa kanya. And still, we both wonder why no one noticed that I ate more than what I usually ate. Ayaw ko na lang magsalita at baka kung ano ang masabi ko. At sa totoo niyang lumulubo na rin ang tiyan ko. Hindi man lang namin napapansin na maglilimang buwan na sa susunod na buwan. And the groups were talking about the escapade. Alangan na tuloy ako. Paano ko ba sasabihin na simula ngayon ay hindi na ako pwedeng sumama na lang basta-basta. I am pregnant. Kahit sabihin pang hindi iyong obvious. At talagang buntis ako. Minsan nga sa umaga ay panay ang sipat ko sa sariling tiyan doon mismo sa harap ng salamin. Tinitingnan ko rin kung gaano na kalaki. May baby bump na at nagtataka ako kung bakit ganoon pa rin kaliit taliwas sa kung ano ang nakikita ko sa internet. I sometimes ask Luis kung normal lang ba iyon. And he would say that maybe yes. Sarap nga sungalngalin. At kung makapag-alaga sa akin e para akong babasaging baso. We never had s*x after that night when he got home. Na ipinagtataka ko kasi sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi naman siya ganoon. Madalas nga akong manyakin niyan noon. Ngayon parang nag-aalangan at panay na lang ang yakap sa akin mula sa likod. At minsan kapag tinutupak e panay ang masahe sa dibdib ko. Na kunwari ay inis kong inaalis. Kung noon parang hindi naman siya napipigilan. Ngayon, pakiramdam ko e isang ayaw ko lang talagang sinusunod niya. “What?! Girl? You don’t have to inform me.” Ngiwi ni Jasper habang kinukutkot iyong natirang pulbora ng kinain kong junkfoods kanina. Umirap nga ako at binuksan ang hawak na libro. Ayaw ko na lang magsalita. Hindi na ako hihingi ng payo. E siya lang ang nakakaalam sa’ming magkakaibigan kaya sa kanya ako napapatanong. And one of the question is about Luis s****l needs. “Exam na this week... pagkatapos niyan ay island hopping na naman. Alam mo naman ang barkada. Paano natin sasabihin?” He was quite concerned. Tinapos ko ang kinikopyang notes at sinabi ko sa kanyang sasabihin ko sa lahat pagkatapos ng sem. Doon kami magkikita-kita sa bahay nina Luis. Doon sa pinuntahan namin noon ni Luis. Lilipat na kasi ako at doon na habang nagbubuntis. Saka ko ipapaalam sa lahat. “You don’t want a party?” Nagtatakang tanong ni Luis. Siya na nagtitrim ng halaman namin samantalang ako dinuduyan naman ang sarili sa wooden chair. Kahanga-hanga talaga itong si Luis. Pagod iyan kagabi at telebabad sa trabaho thru zoom. Kinukumusta yata ang negosyo sa Brazil. Naririnig ko habang humahapyaw ang sariling tulog. And then this morning, I just saw him doing the chores. “Ayaw ko,” iling ko habang tinitingnan iyong likod niyang medyo kumikinang sa tama ng araw. “Then, what about I’ll prepare foods for your friends?” Tumango-tango ako na parang bata kaya natawa ito. He’s very matured. Sa ilang buwan na nandito ito, mas lalo ko siyang nakikilala. He’s like a responsible man... lahat gamay niya. Sa paglilinis, pagluluto at paglalaba. Meron kaya itong hindi kayang gawin? “I already packed your things. Pinakialaman ko na... then we’ll leave tomorrow morning.” Tumango ako at inayos ang maiksing pantulog na ikinababa ng mga mata niya. Saka itong ngumisi at umiling. Napaismid ako at naglatag na lang ng plano sa gc. Excited sila at hindi nila alam na sa bahay ni Luis ang mangyayaring party. Nagulat nga si Andie ng sinalubong ko sila sa labas ng bahay nina Luis. Nagtataka nga at inilibot ang mga mata sa malawak na bakuran ng bahay ng pamilya ni Luis. Mabuti na lang marami ng ilaw hindi tulad noong unang araw na natulog kami rito. Konting-konti na lang talaga at pwede ng gawing haunted house itong bahay nilang di naman pala tinatao. “Girl, ako ang naeexcite.” Daklit ni Jasper sa braso ko habang inaayos ko ang ilang foods na nandoon sa long table. Nasa likod kami at nasa gutter lang malapit sa pool. Tinitigan ko nga si Luis na resposable ring nilalagay ang mga gagamitin para sa pagkain mamaya. Inayos ko rin ang sout na long dress. Nakangisi nga si Momay habang tinitigan ang kabuuan ko. Alam ko naman kasi na tinutukso ako niyan dahil babaeng-babae ako ngayong gabi. Naka messy bun ang humahaba ko ng buhok kaya nagmukha talaga akong babae. “Is this a sem end party?” Ngiti pa ni Andie at nauna ng kumuha ng makakain. Pinakain na muna namin bago ibalita iyong pagbubuntis ko. Ganado naman sila. At naghanap kaagad ng maiinom. I eyed Luis who was very accomodating. Grabi ang pagiging responsablecnito kaya nagugulat ako. Ang tumatak kasi sa akin ang iyong mga nangyari 5 months ago. I thought he’s a spoiled brad. Kabaliktaran pala. Ipinainom namin ng kaonti. Inalok din ako ni Gretta ng maiinom kaya lang umiling na kaagad ako lalo na noong nakitang nakatitig ng malalim sa akin si Luis. Para namang iinom talaga ako eh alam ko namang bawal. Kahit nauuhaw ako. “Party pool na,” excited na sabi pa ni Momay. Naghubad kaagad at balak na sanang tumalon sa pool kaya lang pinigilan ko na. I stood in front. Tumabi sa akin si Luis na nakaramdam yata na ngayon ko na sasabihin. Napaiwas nga si Gretta ng naramdaman kong pumulupot kamay ni Luis sa bewang ko. Namula naman ako sa hiya. Kaya lang talagang nilakasan ko ang loob at humugot ng hangin bago ibinuka ang bibig. “A-uh, guys... actually kaya ko kayo inayo kasi—-“ lunok ako ng lunok habang nakatitig kay Andie na nakaawang ang bibig sa pagtataka. “I’m 5 months pregnant. And I am going to be a mom.” Nagsilaglagan ang mga panga ng mga kaibigan ko. Si Jasper lang itong tuwang-tuwa at pumalakpak pa. Iyong mga kaibigan namin ay gulat na gulat at napakurap-kurap pa ang mga mata. Well, who wouldn’t be?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD