“How about your parents, Luis?”
Mommy was having a coffee conversation with Luis in our veranda. Nasa tabi naman ako pero mas pinili kong makinig kesa makiusisa. Mas gusto kong makinig at tingnan kung mabuti ba ito o hindi.
Hindi naman sa ayaw kong malaman kung ano ang plano ni Luis. Kaya lang hindi ako sigurado kung gusto ko nga ba talaga. Sigurado kasi ako na hindi ko pa naman talagang gusto si Luis. We’d just known each other for just 2 months. Kaya talagang malilito ako.
“They’ll be home by November 2nd week Aunt.”
Tumango si Mommy. They looked like they’re talking about business but actually it’s about the ‘pamamanhikan’ and I’m getting nervous.
Tinitigan ko nga ng masama si Luis nang umalis na si Mommy. Leaving us alone para raw makapag-usap.
“Your Mom is cool.” He was grinning.
Pinaningkitan ko naman siya ng titig saka ito lumapit sa akin. Kinurot ko nga at may initial siyang reaksyon. Iba ang pumapasok sa isipan ko noong sinabi niyang cool si Mommy. Pakiramdam ko ang flirt niya doon.
“Do you like my Mom?”
I’m sure he’s gonna say yes but choose to grin while looking at me.
“You sound like you’re jealous.”
Nanindig ang balahibo ko sa kilabot. Di ako makapaniwalang yon kaagad ang naisip niya. I’m just protecting what’s mine and he really sounded he’s flirting with my Mom.
“Sinasabi ko,” warning ko rito.
Mas lalong lumawak ang ngisi niya at dumikit na talaga sa akin. Hinahaplos-haplos nito iyong hita ko na parang ako na naman ang nilalandi niya. Ngunit hirap akong mahimasmasan.
“You should also watch me flirting with my Mom, then?”
Kinilabutan ako rito. Iyong titig ko sa kanya may kasamang akusasyon. Na ikinatawa niya. Saka ako hinalikan sa leeg. Kaso hindi ako fan ng PDA kaya agad akong lumayo sa kanya.
“Sexy mo Sweet.”
Ang landi talaga. Gigil na gigil iyong pisil niya sa bewang ko. At pinangingilabutan ako roon. Hindi ko maarok ang kalandian ng lalaking ‘to. Ginaganahan yata kasi alam niyang siya ang kumuha ng kainosentihan ko. At una pa lang e nagbalak na kaagad na buntisin ako.
“Akyat tayo?” Bulong nito.
Siniko ko nga siya at tinitigan si Nanay Lydia na lumabas sa kabilang pintuan at bitbit ang mga basurang itatapon.
Tinitigan ko talaga ng matagal si Nanay Lydia habang pinipiga niya ang hita kong hindi naman expose pero dahil malibog siyang tao e talagang nilalandi pa rin nito.
“Umaakyat ka mag-isa mo,” inis na bulong ko rin dito.
Bahagya nga akong lumayo noong humarap si Nanay Lydia para pumasok. Binigyan ko rito ito ng ngiti noong ngumiti sa amin.
“Aral muna ako, and stop pestering me! Okay?!” Iritable talaga ako habang nakatitig kay Luis na nagsalute pa at hinayaan din akong umakyat.
Malapit na naman ang exam kaya kahit nahihirapan ako sa sariling sitwasyon e kailangan ko pa ring mag-aral. Saka ko na poproblemahin kung titigil nga ba muna ako sa 2nd sem at next year na lang tatapusin.
I know how hard it was to be pregnant. Kahit na sabihing hindi na ako menor de edad e umaasa pa rin ako sa sariling mga magulang kaya di malayong dependent pa rin ako sa lahat. And this asshole! Sinwerte at hindi gaanong pineste nina Mommy.
Jasper texted me after I close all my notes. Nagtatanong kung may lakad ba ako mamayang gabi. Outlet ko na yata itong pinsan ni Luis kaya walang pagdadalawang isip na sinabihan ko siyang gusto kong gumala. May pasok naman bukas kaya lang tanghalian na iyon.
“Mom,” tawag ko kay Mommy pagkababa pagkatapos kong maligo.
Nadatnan ko pa nga si Luis na tinutulungan si Nanay Lydia sa paghahanda siguro ng hapunan. Somehow, I appreciated all his efforts. Magaling talaga ito sa bahay. Kanina ngang umaga siya pa itong nagdilig ng mga halaman.
“What are you wearing?” Kunot noong tanong ni Luis ng lumingon pagkakarinig sa boses ko.
Hindi naman ako nakaseksing damit. I just wore what I recently wore. Kaya lang iba yata ang ibig sabihin ni Luis. Tinatanong niya siguro kung bakit nakaayos ako.
“I asked your cousin to accompany me.” Irap ko rito.
Natigilan ito at nilingon si Nanay Lydia. Nanlaki nga ang ulo ko noong nagpaalam siya kung pwedeng iwan niya ito kasi sasamahan niya ako.
“No!” Naiinis na sunod ko rito.
Umakyat nga kami ulit. And he wouldn’t even budge. Talagang pumasok ng bathroom na hinayaan niyang bukas iyon.
Pulang-pula tuloy ang pisngi ko ng nasilipan siyang nakahubad at naliligo sa ilalim ng shower. Gusto ko pa sanang maglitanya, kaso pinili ko na lang ang tumalikod.
I waited for minutes. At ng lumabas siyang nakatuwalya ay ibinuka ko ang labi ngunit itinikom din kaagad at hinayaan itong magbihis. Doon mismo sa harapan ko. Naglawit na naman kaya nahihiyang tumalikod na lang ako.
He’s laughing. Lalo tuloy humigpit iyong muscle sa pisngi ko.
“I know you like what you’re seeing, sweet.”
Pang-iinis pa nito. Hindi ako nagpatinag. Talagang pinanindigan ko ang pagtalikod. Kahit naiinis na ako at gusto siyang awayin.
“I’m done. You can face me now.”
Kagat ko iyong labi at ilang segundo pa bago ako humarap sa kanya kaya lang napaatras ako noong sinungkit niya iyong labi ko.
“You’re becoming prettier each day.” Tukso nito.
Umismid nga ako at inayos ang sout na shirt. Kakabili ko lang nito pero parang sikip na. Hindi na rin siguro nakakapagtaka since I gained weight and for sure it was because the baby bump is making its space.
“Dito na lang kaya tayo?” Tukso nito habang nakahawak sa bewang ko.
Inirapan ko nga siya. Kakauwi nga lang niya kahapon. Nabinyagan na namin ang sarili kong kama. Kaya ano pa ang gusto nito?
“I promised Jasper.” Paalala ko rito.
Nakakaintindi naman saka sumunod ito habang pababa kami. I saw Mom sitting on our bar stool. I think she just finished taking bath.
“Aalis kayo?”
Tumango ako at sinabing makikipagkita kay Jasper. Kaibigan ko at pinsan ni Luis. Nakakaintindi naman yata at hinayaan kaming umalis. Naghanap na lang kami ng taxi sa labas ng subdivision. We supposed to go directly to where is Jasper right now. Kaya lang nakiusap si Luis na kung pwedeng daanan ang sasakyan nitong nakaparking sa condo nito malapit sa BGC. Pinagbigyan ko na dahil convenient din iyon kung sakaling gabihin kami.
“You should set a minimal appointment when you become really pregnant.” Sabi nito habang nagdadrive.
Alam ko. Hindi naman ako abusado at kasi sa lahat ng mga naging kaibigan ko kay Jasper ako mas komportable. Especially not that he knew I am pregnant.
“Ngayon lang naman. Pinagbabawalan mo na kaagad ako.” Hinampo ko.
Na ikinatawa niya lang. Sometimes I wonder if Luis really has a catch on me. Hindi ko nga alam kung bakit binuntis niya ako e dalawang araw pa lang kaming magkakilala noon.
Di kaya may historical unknown destiny at nakilala niya ako roon? But that’s cliche.
We picked up Jasper na nagulat sa kasama ko. Pinuno niya ito ng kung ano-anong tanong na ikinailing ko na lang.
Tinanong ko na rin ang dalawa kung gusto ba nilang kumain na muna. Dahil sa totoo niyan nakakaramdam na ako ng gutom. Mabuti na lang din at nakakaramdam ang dalawa at hinayaan akong pumili ng restaurant.
Pumili talaga ako ng mabuti at nag-order ng marami. Nalaglag nga ang panga ni Jasper at nagulat sa pinagsamang order namin ni Luis. Heavy eater din kasi ang isang ‘to kahit di naman siya gaanong nagkakanin. Siguro kasi malaking tao ito kay ganoon.
“Ubusin niyo yan ah.” Tamang warning lang sa amin si Jasper.
Tumango ako. Pinili ko iyong masabaw na ulam saka nag-umpisa ng kumain. Paminsan-minsan ay nag-uusap kami ng kung ano-ano. At saka itutuloy ang kinakain. Jasper was really curious about our relationship. Tinatanong niya rin kung ano ang plano at nagulat ako sa sinabi ni Luis.
Bahagya akong natigilan sa kinakain. Iginilid ko nga muna at tinitigan si Luis na nagsasalita at walang halo ng pagbibiro sa sinabi.
Alam ko naman una pa lang na doon din ang punta. Sa sinabi pa lang ng pamamanhikan... alam ko na talaga. Iniisip ko lang kasi na baka nga matagal pa. At formalities lang ang pamamanhikan na yon.
“Teka,” pigil ko kay Luis.
Napatitig ang dalawa sa akin. Panay na nga ang lunok ko lalo na ng natapos ang pinag-uusapan. Hindi ko malunok iyong mga plano ni Luis! Honestly, I don’t believe in marriage... hindi sa pinapangunahan ko iyon kaya lang... we barely just know each other.
Di naman ibig sabihin na buntis ako e kelangan na talagang pakasalan. Wala pa naman... hindi pa doon. Kaya pinigilan ko si Luis.
“We’re getting married?” Nakataas kilay na bulong ko kay Luis.
Kunot ang noo nito ng tumango. Kaya di na nakakapagtaka kung namumutla ako ngayon. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihing wala iyon sa isipan ko. Papakasal ako sa taong hindi ko naman sigurado kung gusto ko nga ba talaga? Paano kung pareho kaming magsisi sa huli?
I didn’t dare to ask him again. Hinayaan ko talaga silang mag-usap. Nakikinig lang ako. At kanina pa tumatakbo sa isipan kong kailangan nga naming mag-usap mamaya ni Luis.
“You should sleep.” Utos nito pagkaakyat namin.
Hindi naman ako napagod pero nagmukha akong pagod dahil sa dami ng iniisip.
Tinitigan ko nga si Luis na tumalikod at naghubad saka kumuha ng damit sa maleta niya. Saka nito hinubad ang sout na relo at nilapag sa study table ko.
Napaupo ako sa kama at talagang hinintay siyang matapos sa ritwal nito. Nagulat pa nga ng pagkaharap e nandoon lang ako at nanonood sa kanya.
Lumapit nga siya sa akin at mariin akong hinalikan. Hinayaan ko naman kaya lang naalarma na ako noong humaplos na ang kamay nito sa braso ko.
Bahagya ko siyang tinulak na nagpatianod naman. He was looking at me directly. Basang-basa ko na ang iniisip nito kaya sigurado akong nag-aaya iyan.
Por Dios! Dalawang gabi na magkakasunod? Pwede kaya humiling na magpahinga naman kami? No’ng unang gabi halos mamamatay ako sa nerbyos kasi grabi kung makakayod ang isang ‘to. Kung hindi ko lang sinabi na mapapasama ang baby ay baka nga nag-acrobat na naman.
“You barely talked.” Pansin nito sa wakas.
Napalunok ako at saka siya tinitigan. Natatakot lang talaga akong e-address iyong topic kanina.
But I have to brave. Or I’ll forever regret our decision.
“Y-yong kasal.”
Nasabi ko na rin sa wakas. Hindi naman siya nagulat. Sadyang tinitigan lang ako nito na parang pilit na binabasa.
“Walang divorce sa Pilipinas.” Paalala ko pa rito.
Tumango ito waring iniintindi iyong sinasabi ko.
“At wala rin sa isipan ko.” Nanginginig na sabi ko pa.
Natigilan ito. Naiintindihan niya na siguro kasi pati siya e nagulat do’n. Oo nga naman, nakakagulat na ang isang babae katulad ko e ayaw pumayag sa kasal.
“Y-you,” napabuntong hininga ito. Saka binitawan ang braso kong hinahaplos niya kanina. “I-I thought you’ll like it.” Puno ng pag-aalala iyong boses niya.
Nagpakatotoo na ako, since nandito naman na, at parehong magiging dehado kami sa desisyong ‘to. Sinabi ko ng—
“We’re not getting married.”
Nagulat ko yata ito at hindi nakapagsalita ulit. Kinuha ko iyong pagkakataon na yon para magpaliwanag. Alam kong marami ang magugulat. At marami ang maiinis sa desisyon ko. Kaya lang... hindi ko pa naman talaga gusto si Luis. I know someday, the baby will understand the situation.
“Di kaya mas mabuting kilalanin muna natin ang isa’t isa bago tayo magpakasal? Paano kung hindi pala tayo compatible? Paano iyong hinaharap natin? Our baby will understand. Ipapaliwanag naman natin ng maayos.”
Bumuka ang labi nito ngunit tinikom din nito ulit iyon. Sa huling buka nga ay natanong niya kung paano ang pamilya naming umasa na may kasal na mangyayari.
“I know they’ll get mad. But the wrath will end in time.”
Tumango ito. Waring iniintindi ang sinasabi ko. Totoo naman talaga. Nasa modern world na tayo. Hindi na importante kung ano ang nawala at kung ano ang nabuo... mas pipiliin ko na lang maging single Mom kesa makulong sa isang relasyon na walang kasiguraduhan.
And I’m sure Luis will understand that. Our parents too.
“Maybe you’re right,” ngiti nito.
And that supposed to be an appease sail become chaotic when one cheated and the left one cheated also.