Chapter 1

1856 Words
CHASE KARSON MANJARES' POV) ___ "Daddy, it's done!" Napangiti ako habang nakatingin sa isang kahong cookies na katatapos lang nitong itali nang mabuti. "Do you think mommy will like this?" Marahan kong hinaplos ang pisngi niya. "Of course." "Let's go, daddy! I'm going to dress up. Let's go to mommy!" Hinayaan ko siyang magtatakbo palabas ng kusina at hinintay ko na lang siyang bumaba ng hagdan. She was very excited. I told her na hintayin na lang naming umuwi ang mommy niya, but she didn't want to. Gusto niya pa itong puntahan sa bakeshop na pagmamay-ari nito. Nakiusap siya kaya naman hindi ko rin siya nagawang tiisin. I've always wanted to give everything to her. Kinailangan pa naming lumabas ng village para sumakay ng jeep. Hindi naman iyon naging problema sa kanya dahil kapag wala akong nahihiram na sasakyan sa talyer kung saan ako nagtatrabaho, wala kaming ibang pagpipilian kung hindi ang sumakay ng tricycle, jeep, o bus para maihatid ko siya sa eskwelahan. My daughter never complained. Basta kasama niya ako, masaya na siya roon. "Manong, bayad po! Isang poging daddy at tsaka isang bata." I chuckled habang inaabot nito ang bayad kay manong driver. Sa madalas naming pagsakay ng jeep ay nakabisado na nito ang gagawin. She was just 5 years old pero parang mas matanda pa siya sa akin. Bumaba kami sa mismong tapat ng bakeshop. Libreza's Bakeshop. Iyon ang pangalang nakaukit sa harapan ng shop. "Daddy, let's go!" Hinila ako ng anak ko papasok sa loob. Maganda ang loob ng shop. Maaliwalas tingnan, magaganda ang ilaw at mesa at ang mga gamit sa loob. Cakes and other pastries were quite expensive. Hindi sapat ang isang araw kong kita sa talyer para bumili ng cake doon. Nabitawan ko ang kamay ni Eli dahil bigla na lang itong tumakbo habang tinatawag ang mommy niya. "Mommy!" Tinignan ko ang direksyon nito and I saw Lia turned her back to look at her. Nabakas ko agad sa mukha nito na hindi niya inaasahang makita si Eli. Napansin ko rin ang mga tao sa paligid na tumingin sa direksyon nila kaya naman lumapit agad ako kay Eli. Her mom hated so much attention. Hindi niya na dapat pa ito tinawag. "Mommy, look, I made some cookies for you." Inabot nito ang kahon kay Lia. "Daddy helped me make all of it." Nanatili lang nakatingin si Lia sa kanya and didn't even bother to look at the box na inabot nito sa kanya. "I told you not to go here, right?" she said coldly. "But mommy, I just--" "I don't want it. Leave now." Bumaling ito sa akin nang may matalim na tingin. "Take her." Pinanuod ko itong humakbang palayo. Humugot ako ng malalim na hininga. I knew she would do that. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko gustong pagbigyan na lang si Eli na puntahan siya. Binuhat ko na si Eli palabas ng shop. Mabuti na lang at nakasakay rin kami agad ng jeep. Tahimik itong umiiyak sa didbib ko habang nakaupo sa kandungan ko. Hindi niya pa rin naitago ang lungkot kahit pa nakahiga na siya sa ibabaw ng kama niya. "Daddy... why is mommy always upset with me? Did I do something wrong to make her mad?" Nagpatuloy ako sa paghaplos sa buhok niya bago ako marahang umiling. "Nothing... Don't mind it. Maybe mommy's just tired of work." Nagsimulang muling mamuo ang luha sa mga mata nito. "Hindi niya ba po ba ako gustong makita?" I shook my head. "Of course, she wants to see you." "Why is she always pushing me away?" Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga tanong niya whenever she would ask questions like that. "Bumili ako ng bagong fairytale book... do you want daddy to read it for you?" At wala akong ibang magawa kung hindi ang palitan ang sagot sa tanong na hindi ko masagot. My heart was hurting while looking at her. It hurts me that I couldn't do anything to make her feel complete. Kahit papaano ay napatawa ko ito sa pagkukwento ng fairy tale na hindi naman talaga bagong bili. I just again tried to make up stories just to make her feel better. Hinintay ko itong nakatulog bago ko hintaying umuwi si Lia sa ibaba. Usually 7:30 or 8:00 pm nasa bahay na ito. Tumayo agad ako mula sa couch nang makita ko siyang pumasok ng living room. "Lia..." I called her bago pa siya tuluyang makaakyat ng hagdan. Huminto ito at bumaling sa akin. Just like before, hindi ko nakitaan ng kahit anong emosyon ang mga mata nito. Humugot ako ng malalim na hininga. "About earlier, I'm sorry that I didn't tell you we were coming." Hindi ito sumagot o nagsalita man lang kaya naman nagpatuloy ako. "Can you... can you not treat her that way? Can you at least show her that you care for her?" "Are you teaching me how to be a mother to her?" malamig na tanong nito. "It's not like that. She felt bad that--" "She felt bad dahil alam mo kung anong ayaw ko, but you're still letting her do such things. Now, don't blame it on me. Other people's feelings are not my responsibility." Muli akong humugot ng malalim na hininga. "Then can you at least attend her school activity? It's Mother's Day on Friday. She needs a mother with her." "I can't. I have a lot of things to do." Tumalikod na ito sa akin at akmang magpapatuloy sa pag-akyat sa hagdan pero marahan kong kinuha ang braso niya. "Lia... please, she really--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil marahas nitong binawi ang braso mula sa akin at matalim akong tiningnan. I just realised that I was being so demanding again para sa oras na alam kong imposible kong makuha mula sa kanya. "I'm sorry..." I apologized Sandali pa itong tumingin sa mga mata ko bago nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan. I shouldn't have asked her from the very first place pero gusto ko pa ring subukan hindi para sa akin kung hindi para sa anak ko. Again, wala akong magawa. Lia was not the type of person you could please and force to do something she didn't want to do. I woke up early just to make breakfast for Eli. She told me to make an extra food para may kakainin ang mommy niya for breakfast pag gising nito bago pumasok sa bakeshop. She had always been so caring and loving. She was the sweetest. "I love you, daddy! See you later!" anito pagkatapos kong isukbit ng backpack sa likuran niya. Binigyan din nito nang maraming halik ang mukha ko na siyang ikina-tawa ko nang mahina. Pinanuod ko itong tumakbo papasok sa gate ng school niya. Ilang buwan pa lang siyang pumapasok sa eskwela. Isang buwan pa lang sinabi na niya sa akin na huwag ko na siyang ihatid sa classroom niya dahil big girl na siya kaya naman simula no'n ay sa gate na lang ng school ko siya hinahatid. Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko. Dumiretso na ako sa pagpasok sa talyer. "Pre, ayos ah, late ka na naman," ani Tonik nang makarating ako. "Traffic," tipid na sagot ko. "Bumili ka na kasi ng sarili mong sasakyan," sambit naman ni Jest na noon ay nakasilip sa ilalim ng sasakyang minimekaniko niya. "Walang pambili," sagot ko at binaba ang backpack ko sa bench. "Kahit mutor lang? Para hindi ka mahihirapan maghatid sundo sa anak mo." "Mekanikohin mo na lang 'yung mga bebot na pabalik-bakik dito na kunyari nasiraan ng sasakyan masilayan lang ang kagwapuhan mo. Siguradong mas malaki ang kita do'n, nag-enjoy ka pa." Natatawang ani Zed. I chuckled, "Gago." Sinimulan ko nang ituloy ang trabaho ko kahapon. Hinintay kong matapos ang sasakyan ginagawa ni Kaloy para makausap ito. "Pre..." "Oh, pre? Wala akong pera ngayon, huh?" Mahina akong napatawa. "I will just ask a favor from you." "Ano ba 'yon?" Kumamot ako sa batok ko. "May school activity kasi si Eli, Mother's Day na sa isang araw. Baka naman p'wedeng ikaw na muna ang tumapos sa dalawang sasakayan? Kukuhanin na kasi iyon sa biyernes. I think I can't finish them, marami pa kasi akong kailangang tapusin ngayon. I'm just worried na baka hindi ko matapos... ipatawag na naman ako ni boss." "Mother's Day, 'di ba? Bakit ikaw ang kasama niya? Bakit hindi 'yung asawa mo?" Humugot ako ng malalim na hiningan. "She's busy." "Busy o walang pakialam? Ang tagal na niyang gan'yan. Bakit hindi mo pa hiwalayan? Daming magagandang babaeng nagpapagawa ng sasakyan dito na halos lahat tipo ka at gustong-gusto ka. Hindi ko alam kung bakit pinagtitiyagaan mo ang babaeng wala namang pakialam sa'yo." Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko when I shouldn't even be feeling that way. "Eli needs her. She loves her." "Sus, baka ikaw ang may kailangan sa kanya. Baka ikaw ang may mahal." I again heaved a deep sigh. "Sige na, pre... sa'yo ko na ibibigay ang kita ko ro'n. Gusto ko lang talagang makasali pa rin si Eli sa activity." Marahas din itong humugot ng malalim na hininga. "Hindi na, pre. Sige na. Pumunta ka na sa school ni Eli sa biyernes. Ako nang bahala at sa'yo na rin ang kita. Aam ko kailangan mo ng pera para sa inaanak ko." "Salamat talaga, pre. 'Wag kang mag-alala, babawi rin ako sa'yo..." Tinapik nito ang balikat ko. "'Wag mo nang isipin. Parang hindi naman tayo magtropa niyan." 4:30 tinawagan ako ni Gigi, ang yaya ng kapitbahay namin na madalas kong pakisuyuan na isabay sa pag-uwi si Eli sa tuwing hindi ko ito masusundo sa dami kong trabaho. "Daddy!" Kumaway pa ito sa screen. "I'm here at Xeri's house!" Si Xeri ang kaibigan niya na nakatira sa kabilang bahay. Ang alaga ni Gigi. "That's good. Stay there for a while, okay? Malapit nang matapos si daddy rito." "Okay, daddy. See you!" Humalik pa ito sa screen na lalo kong ikinangiti. "Napaka-sweet talagang bata." Komento ni Zed. "She is," I proudly said. Hinugasan ko ang kamay kong puno ng langis at nagpalit na rin ako ng damit nang matapos ako sa isang sasakyan. Mabuti na lang at nagawa pang maghintay ng kliyente matapos ko lang iyon. Bumaba ako sa kanto kung saan ang sakayan ng tricycle. Naisipan kong magpunta sa bakeshop. Huminto ako sa katapat na puno. Tiningnan ko ang loob at sinag sa partikular na parte kung saan nakaupo si Lia... she was looking at some papers in front of her habang may sinusulat doon. "Hindi ko alam kung bakit mo pinagtitiyagaan ang babaeng wala namang pakialam sa'yo," I heard Kaloy on my head. And I felt a slight pinch in my chest while looking at her. She looked so gorgeous. She was so beautiful, sophisticated, intelligent... she was perfect to me. All I could do was stare at her. Because I knew... even how much I tried, she wouldn't love me the way I wanted her to love me back. Hindi ko nga alam kung bakit paulit-ulit pa rin akong bumabalik doon para lang tingnan siya mula sa malayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD