Chapter 2

1631 Words
CHASE KARSON MANJARES' POV ___ "Daddy, where's mommy?" Sumilip ito sa likuran ko bago muling tumingin sa akin. Hinaplos ko naman ang maliit na pisngi niya. "There's an emergency... she can't go." Bumusangot ito at nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata niya. "Shhh..." Agad kong pinunasan ang luha niya. "Nandito naman si daddy eh. Hindi ko hahayaang mag-isa ka. Look..." Pinakita ko sa kanya ang hawak kong wig na hiniram ko pa at pagkatapos at nilagay ko iyon sa ulo ko. "Hmm, do I look like mommy now?" Kahit namumula pa rin ang mga mata ay nagawa na nitong ngumiti at humagikhik. "You look gross, daddy." I chuckled. "Let's go. Let's dress up." Nagsuot din ako ng dress para lalo akong magmukhang mommy. Pinagtitinginan ako ng mga nanay sa paligid, but I didn't give a damn. I was doing that for my child and I would always do anything for her. Sapat na sa akin ang nakita kong masaya siya at maparamdam ko sa kanya na walang kulang sa kanya dahil lagi akong mananatili sa tabi niya para punan lahat ng kulang at ibigay sa kanya ang lahat. She changed my life. She made it meaningful, and I couldn't imagine my life without her. Kanina pa ito humahagikhik ng tawa habang kumekembot ako para hindi malaglag ang hula-hoop sa baywang ko. "Go, Daddy! Go!" She cheered. Maraming naging activity sa school niya. Marami kaming sinalihan at halos lahat ng iyon ay napanalunan naming dalawa. I didn't mind looking stupid. Masaya ako dahil nakita ko kung gaano siya kasaya. Kung gaano niya na-enjoy ang araw even without Lia. Dumaan pa kami sa park para kumain sa mga stalls doon bago ito mag-aya na umuwi ng bahay. Nasa sasakyan pa lang ay excited na nitong buksan ang mga premyong nakuha naming dalawa. Excited na rin daw siyang makita ang mommy niya at batiin ito. Having a sweet tooth, kinakain agad nito ang mga candy. "Just eat few, hmm?" I told her habang nakatingin sa rear-view. "You told me ayaw mong masira mga teeth mo." "Okay, daddy." Binuksan pa namin ang iba pagdating namin sa bahay. Sinubuan pa ako nito ng candy na hindi ko naman hilig. Mostly ay toys at pens pang drawing at pangkulay. "Daddy, that was fun. I had a great day. Thank you for always being there for me." Ngumiti ako. "Of course, hangga't nandito ako, I promise you, you will never be alone." Malambing itong yumakap sa akin bago muling buksan ang ilan pa. Kahit naging mahaba ang araw ay tila hindi pa rin ito napapagod unlike me na halos maubos na ang erergy sa daming laro ang sinalihan naming dalawa. Hindi ko nga namalayan ang oras at mag-a-alas siete na pala ng gabi. Napansin kong pumasok si Lia sa living room. Huminto ito nang makita kami. Hinagod ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. I suddenly felt conscious dahil hindi ko pa rin napapalitan ang suot kong dress. I absentmindedly gulped something down my throat at agad ko ring hinawi ang lipstick sa mga labi ko. Ugh... dapat kanina pa ako nagpalit pagdating namin ng bahay ni Eli. "Mommy!" Agad tumayo si Eli mula sa pagkakaupo sa carpet at mabilis nilapitan si Lia para yakapin ito sa baywang. Hindi ito nag-abalang hawakan man lang siya. "Mommy, I have a card for you." Tiningala siya ni Eli at inabot sa kanya ang isang card na noong isang gabi niya pa sinimulang isulat at hindi niya gustong ipakita sa akin. "Happy Mother's Day, Mommy. I love you!" Kinuha iyon ni Lia mula sa kanya pero hindi niya inabala ang sariling buksan iyon. "I'm tired I want to rest." As she said that ay nagpatuloy na siya sa paghakbang paakyat ng hagdan. Nanatili namang nakatayo ang anak ko sa p'westo nito, nakasunod lang ang tingin kaya Lia. Humugot ako ng malalim na hininga. I felt bad for my daughter dahil kahit ganoon siya rito ay hindi pa rin ito tumitigil na iparamdam sa kanya na mahal siya nito. I guess I should be thankful na kinuha nito ang card. Hindi napunta sa wala ang effort ni Eli para lang gawin iyon. Kinuha ko ang isa sa mga pen na napanalunan namin kanina at lumapit ako sa kanya. Sinulat ko iyon sa pisngi niya na agad niyang pinunasan. "Daddy!" Reklamo nito. Mahina akong tumawa. "Habulin mo ako." Naghabulan kami sa buong living room hanggang sa mapunta pa sa kusina, hanggang sa garden. Marinig ko lang ang tawa nito ay nagiging ayos na ang araw ko kahit gaano pa ako kapagod sa trabaho. Para iyong musika sa tainga ko na nagpapakalma sa akin. "Daddy! You are running too fast! That's unfair!" Sinadya kong bagalan ang takbo ko para abutan ako nito. Agad niyang sinulatan ang mukha ko habang humahagigik. "Ahh, you're mean now, huh?" Ako naman ang humabol rito at abot ang sigaw nito habang tumatawa nang malakas. Nang makabalik ako sa loob ng bahay mula sa garden, nakita ko siyang nakatayo sa malaking litrato na nakasabit sa pader. Sinundan ko iyon ng tingin bago ako muling bumaling sa kanya. Seryoso itong nakatingin roon. Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya. "That is my favorite picture..." anito. Muli ko itong tiningnan. "May I know why?" "Because mommy is happy in that picture. I can see her smile there." Tiningnan ko rin ang magandang ngiti sa mga labi nito roon. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Yeah... she looked so pretty in that picture and she looked so... so happy. Nakikita ko ang kislap sa mga mata niya. "Daddy... sino ba po talaga siya?" tanong ng anak ko. "Is she really Mommy's brother?" Simple akong humugot ng malalim na hininga. Matalino ang anak ko. Lumalaki na siya at marami na siyang nalalamang ibang bagay even I knew na may mga bagay pa rin siyang hindi maiintindihan. Marahan kong kinuha ang braso niya at hinarap siya sa sakin. "I'm sorry if daddy lied to you... I just thought... you wouldn't understand things yet." "I can, daddy... I will try to understand everything. Please don't hide anything from me. I can't sleep at night." Hinaplos ko ang malambot niyang buhok. "The man in that picture is... not Mommy's brother." Nanatili itong nakatingin sa akin na tila gusto pang malaman ang sasabihin ko. "He's... he's mommy's husband." "Mommy's husband?" Kunot noong tanong nito. "Aren't you Mommy's husband?" "I am... but..." Muli akong nagpakawala nang marahas na hininga. "I am not her first husband." "Where is he then?" "He's in... heaven." "Heaven? He's dead, daddy?" I didn't want to use that word pero katulad ng lagi kong sinasabi, matalino ito. Dapat niya nang malaman ang ilang mga bagay na alam kong sinisimulan niya nang itanong sa isip niya. "Hmm-mmm..." "Then if he's dead why Mommy is still keeping that picture? 'Di ba dapat daddy picture niyo na mommy doon?" Turo nito sa picture. "We don't have a picture." "But why?" Pagmamaktol nito. I didn't want to tell her na hindi iyon gusto ni Lia kaya naman sinabi ko na lang sa kaya naman nagmamadali kami noon kaya naman hindi na kami makapagpa-picture ng mommy niya. "Does Mommy still love him? Is he the reason why mommy always cries at night? Kaya ba hindi niya tayo love, daddy?" "No..." Agad sambit ko habang hinahaplos ang buhok nito. "She loves you." Bumusangot ito. "But mommy's not talking to me, daddy... she hates it whenever I would hug her." "We're all that she has now... you're all that she has." Ayokong maramdaman niya na hindi siya mahalaga kay Lia but it was out of my control. Kahit pa nakiusap ako rito na kausapin si Eli kahit sandali lang, she wouldn't do it. Alam kong galit pa rin siya, alam kong nasasaktan pa rin siya but Eli was innocent. Whatever was between us, Eli should be out of it. I still didn't want to invalidate her feelings. Gusto kong maintindihan ang nararamdan niya because I knew even until that moment, mahalaga pa rin sa kanya ang nakaraan niya. I accepted that mula umpisa, and I wouldn't... I wouldn't even try to complain. "Daddy... My friend told me that two people marry each other because they love each other, just like her parents. They look so happy, daddy. Why is mommy not like that with us? Did we do something bad to her?" Nagpatuloy ako sa paghaplos sa pisngi niya. "Remember... always remember that you didn't do anything wrong. Whatever the reason is, it's all my fault. Wala kang kasalanan. Don't think of it, hmm? Someday everything will be okay. I promise you." Marahan ko itong hinila palapit sa akin at kinulong sa mga bisig ko. Yumakap din naman ito nang mahigpit sa akin. "I wish I could also hug mommy this way, daddy..." Unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng nga mata ko dahil ramdam na ramdam ko sa kanya at sa tinig niya ang longing rito. "Don't stop trying... don't stop loving her even in times... that you can no longer understand her." "Daddy, I love you. I love you and Mommy forever." "I love you... you will always be the reason for my life and happiness. Nandito lang ako. I will give you everything." Humarap ito sa akin. "Daddy, will you also love Mommy forever?" Nanatili akong nakatingin sa mga mata nito because I couldn't answer that question. "Even she's always pushing you away from her? Even you're always hurting because of her?" Kinuha ko ang magkabilang pisngi niya. "It's not important with me. You want to stay with her, right?" "Daddy, wag tayong aalis, huh? Mommy's always crying... I don't want her to feel lonely." "Then we will stay with her. We will take care of her. We'll always... try to wipe her tears away."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD