Chapter 3

1621 Words
Six years ago LIA ELIZA ALFARO's POV ___ "Lia, sige na please... kahit ngayon lang. Please listen to me," said Riel, my best friend. "Riel, ayokong umalis. I just wanna stay here." Inangat nito ang isang kamay sa ere in frustration. "And then what? Magpapakalugmok ka? Day and night you'll think of Timothy? For Pete's sake, Lia, it's been 2 years. You should be moving on." Humugot ako ng malalim na hininga at tinungo ang malaking glass window. Tinanaw ko ang garden at swimming pool sa ibaba. "Mabuhay ka naman. I'm sure 'yun din ang gusto ni Tim para sa'yo. Tim is dead, you should learn to accept--" "Stop," malamig na suway ko sa kanya. Tumingala ako nang bahagya to stop my tears from falling. Rinig ko ang malakas na pagbuntong hininga nito. Maya-maya, naramdaman ko na ang mga kamay niya sa magkabilang braso ko. Muli siyang bumuntong hininga. "Hindi ko gustong saktan ka, bes. Ang gusto ko lang maging masaya ka naman. Gusto ko lang makitang buhay ka. Nag-aalala na ako sa'yo. Hindi naman p'wedeng ganito na lang sa buong buhay mo, hindi ba? Mag-isa ka dito sa bahay niyo ni Tim. Ni ayaw mong makipag-socialize. Ang sa akin lang, please, please, subukan mo naman, subukan mo lang." Yes, its been 2 years pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari. Kung paano nawala sa akin si Tim nang ganu'n kabilis. It was so unexpected. I wasn't even prepared. Sa bawat araw ng buhay ko, naalala ko pa rin ang huling beses na nakausap ko ito. "Can't you tell me the problem, Tim? Kailangan ko na lang bang hulaan lagi kung anong problema? You know what, minsan hindi na kita maintindihan. I'm not sure if you trust me enough to tell me everything," I said over the phone . Naka-ilang missed calls ako sa kanya bago niya sagutin ang tawag ko and it upsets me. "Why do you always have to know? I told you, I can deal with my own problems. Stay out of it." Napapikit ako nang mariin. "Ang sabi ni Justin, kasama ka niya sa club ngayon. Mabuti pa ang kaibigan mo marunong sumagot ng tawag." "You're already talking to me, pag-aawayan pa ba natin 'to, hon?" "Is it still about business, Tim? Bakit hindi mo na lang hayaan si Lorence? Why don't you just be happy for your brother--" "Stop it!" Sigaw nito sa kabilang linya. "Paano ako magiging masaya kung inagaw niya sa akin ang posisyon ko?" "Tim, he worked hard for that position hindi naman basta-basta ibibigay--" "Why are you always defending him, huh? Sa tingin mo ba hindi ko rin pinaghirapan ang posisyong 'yon?" Nabakas ko agad sa tinig nito ang galit. Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagbusina sa kabilang linya. "Tim, are you driving? I told you not to drive when you're drunk." "Pati ikaw pinamumukha mo sa akin na hindi ako magaling!" "No, no, Tim. That's not what I meant." "Damn! Akala mo ba maliit na bagay lang 'yon para sa akin? No! No! I will do whatever it takes para mabawi ko ang posisyon na dapat para sa akin!" "Where are you? Stop driving. I'll pick you up. Malakas ang ulan, Tim. Stop the car now. "You know why I don't always tell you all my shits? Because you always favor other people than me. Para sa'yo ako lagi ang mali!" "No, I'm just trying to open your mind. You know that. You know I will always be at your side." "Bakit? Kasi bobo ako? Ganu'n ba, huh? Damn it!" "No, that is not--" Napatigil ako nang makarinig ako nang malakas na pagbusina at malakas na tunog sa kabilang linya. "T-Tim?" Napapikit ako nang mariin. Naramdaman kong may tumulong luha mula sa mga mata ko. Paano ko makakalimutan? Hindi siya nawala sa isip ko. Tim was my first boyfriend. Siya rin ang lalaking pinili kong pakasalan. God had given us an angel but unfortunately I had a miscarriage. He was always by my side while I was coping up with our loss. Unti-unti nakabawi kaming dalawa, but there was the pain again. Siya naman 'yung nawala sa akin. Hindi tumigil sa pangungulit sa akin si Riel. Kahit sa bakeshop na pinagkakaabalahan ko noon pa man ay hindi niya ako tinitigalan. Hindi ako makapagtrabaho nang maayos because of her. She also kept on coming back hanggang sa hindi ko na matiis kaya pumayag na ako sa 1 week na sinasabi niyang bakasyon sa isang isla sa Visayas. Yes, the place was amazing, white sand, beautiful rock formation, asul na asul na karagatan, may view ng high mountains sa 'di kalayuan, malinis, and very organize ang paligid. Wala akong masasabing pintas about the place bukod sa malayong-malayo iyon sa city at sa mga katabing isla. Hindi ko nga alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba dahil masyadong malayo iyon at masyadong limited ang transportation. What if gustuhin kong umuwi kaagad? Magkahiwalay kami ng room ni Riel dahil bawal raw ang magkasama sa iisang room because according to the receptionist kaya raw tinawag na island sole ang isla ay dahil para lang iyon sa mga taong nag-iisa. I got it. That was why Riel was totally ignoring me and even denied to the staffs na magkakilala kaming dalawa simula noong dumating kami. She was really unsound. Sa dinami-raming isla, hindi ko alam kung bakit iyon pa ang pinili niya. To be honest, pinag-isipan ko rin ang bakasyon. Naisip ko baka sakaling mabawaasan ang sakit na nararamdaman ko so decided to go with her. I thought makakalimot ako kahit sandali but I was wrong. In the middle of the night... nagising na naman ako. I dreamed of him-- my husband. All the good days, all the smiles and waves of laughter. It kept coming back. It kept on haunting me. I found myself running towards the shore. Tumakbo ako hanggang sa maramdaman ko ang tubig sa mga hita ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong sumigaw nang malakas. Malakas na malakas habang hinayaang mabasa ng luha ang mga pisngi ko. "Tim!" I shouted. Napaka-lawak ng karagatan. Napaka-lawak ng mundo. Bakit siya pa? Nagpatuloy ako sa paghikbi. Hindi nakalimot ang puso ko at kahit kailan hindi ko nakalimutan kung gaano kasakit. Walang araw, walang oras na hindi ako nasaktan. I was tired... I was tired of hurting, tired of the feeling. Gusto ko na lang mawala, gusto kong maglaho at hindi na bumalik pa kung hindi ko pa rin siya makikita sa pagdilat ko. I just wanted to end everything... I just wanted to end the pain. Kasabay ng pagmulat ng mga mata ko ang pag-ubo ko. Naglabas ng tubig ang bibig ko. Kahit may kadiliman ang paligid, tanaw ko na may mukha ng lalaki ang nakalapit sa mukha ko. Ilang sandali pa ang nakalipas bago ko naramdaman na nakahawak ito sa pisngi ko. "Miss, ayos ka lang ba?" Nakita ko ang mga mata nito. Sigurado akong hindi ko siya kilala. Tinabig ko ang kamay nito at bumangon mula sa pagkakahiga sa buhangin. "Who are you?" Tumingin ako sa paligid. Ang mga ilaw lang sa mga poste at mga puno lang sa mga gilid ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. No one's around except the two of us. "Isuot mo 'to, nilalamig ka--" I slapped him. Binigyan ko siya nang matalim na tingin habang nagtatangis ang mga bagang ko. Napahawak siya sa pisngi niya. Tumayo ako at humakbang pabalik sa cabin ko. Hindi ko na nagawang makatulog pa. I just cried the whole night at katulad ng dati, pagod na mismo ang nakapag-patulog sa akin. Kinabukasan, kinuha ko ang maleta ko at dinala iyon sa ibabaw ng kama. Pinagkukuha ko ang mga gamit ko at sinilid ang mga iyon sa loob ng maleta. "Bes, saan ka naman pupunta?" Nag-aalalang tanong nito habang nakasunod pa rin kung saaan ako magpunta. "Uuwi." "Bes, naman... napag-usapan na natin 'to, 'di ba? Isang gabi pa lang tayo rito." "One night, a one bad night, Riel." "Bad night ba iyong may nagligtas sa'yo?" Huminto ako sa ginagawa at tumingin sa kanya. "Tapos ampogi pa," she said and bit her lower lip. Hindi ko alam kung saan niya nalaman iyon. "Uuwi na ako," mariing sabi ko. Akmang itutuloy ko ang ginagawa pero kinuha niya ang magkabilang balikat ko that made me face her. "Please, subukan mo pang mag-stay dito. Ang ganda ng lugar, ang ganda ng simoy ng hangin, ng dagat, ng mga puno. Ito naman 'yung gusto mo noon pa, 'di ba? And look around the place, hindi naman crowded, there are few people around hindi mo kailangang makipag-socialize. This is the peace you've been looking for, bes. I think this is the right place for you." "Do you know what I did?" Nagsimula na namang mag-init ang mga mata ko. "I almost drowned. Kung hindi lang dumating 'yung lalaking 'yon and ruined everything sana nakuha ko na 'yung peace na noon ko pa gustong makuha." "Bes..." she said in frustration at hinaplos ang balikat ko. "Hindi mo ba naisip na baka may dahilan pa kung bakit nandito ka pa rin? Na sa ilang suicide attempts, buhay ka pa rin? Na kahit ilang beses kang mapagod, kahit ilang beses kang umiyak nagigising ka pa rin sa umaga para sumubok nang sumubok. Please, tulungan mo naman 'yang sarili mo. Please, stay here, just stay here. Kapag hindi ka pa rin naging okay, kapag hindi pa rin gumaan ang pakiramdam mo, then I promise you, I promise you... wala ka nang maririnig sa akin na kahit ano. Hindi na kita kukulitin. Hindi na kita pipilitin. You can do whatever you want, I swear, just please stay here." Pinigilan kong mabuti ang pamamasa ng mga mata ko. "1 week, just one week, Riel."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD