Chapter 4

1652 Words
LIA ELIZA ALFARO ___ "Sit here, Ms. Alfaro," nakangiting sambit ng isang staff habang nakalahad ang kamay sa malapad na kahoy na nakabagsak sa puting buhangin kung saan nakaupo ang ilan pang guests sa isla. Sinadyang tumabi sa akin ni Riel doon. Hindi ako pupunta roon para lang sumama sa circle ng mga ito if staffs didn't tell me na required iyon. Mayroong bonfire sa gitna ng circle. Kahit papaano ay naiibsan no'n ang lamig ng simoy ng hangin. "Guys, we have three newcomers here. Ms. Sanchez, Ms. Abad, and Ms. Alfaro." Sabay-sabay nagsalita ang mga ito. They all welcomed us. Hindi ko inabala ang sarili kong ngitian ang mga ito o batiin man lang. I knew going there was not a good idea. I didn't want people to see how vulnerable I was. "Can you formally introduce yourselves? You first, Ms. Sanchez." "Hi... magandang gabi sa inyong lahat. I'm Jasmine Sanchez, twenty-six years old. It's nice to meet you all." "Why are you here?" Someone asked. "Uh, para sa kaalaman n'yo, we all have to share here. Kailangan naming malaman kung ano ang dahilan ninyo sa pagpunta rito at ibang impormasyon katulad ng pangalan n'yo. Huwag kayong mag-alala, para na rin tayong isang malaking pamilya rito," the staff explained. Bumakas sa mukha ng babae ang lungkot. "My husband died." Sandaling tumahimik ang buong paligid na tanging ang alon lang sa karagatan ang maririnig. By just hearing that certain word, kumikirot na ang dibdib ko. "Two years ago na. I can't... I can't move on. Nahanap ko ang lugar na 'to sa internet. Maraming galing na rito na naka-move forward na sa buhay kaya naisip ko... baka makatulong ang lugar na ito sa akin." "You chose the right place," sambit ng isa sa circle. Pinilit nitong ngumiti. "It's nice to meet everyone here." "What about you, Ms. Abad?" "H-huh?" Maang ni Riel. Alam kong kanina pa nito pinag-iisipan ang sasabihin dahil hindi niya rin inaasahan ang ganoong setup. "My name is Riel Abad. twenty-five years old. Uhm... si Chuchu, 'yung aso ko kasi na... na-chugi kaya... naisipan kong magpunta rito, you know, to move on." I didn't know how she was able to say that gayong buhay na buhay pa si Chuchu na alaga niyang aso. They again welcomed Riel bago ibigay sa akin ang buong atensyon nila. "And you, Ms. Alfaro?" I never liked introducing myself to anyone, but then... nandoon na ako. "My husband died in a car accident two years ago." Kusang humigpit ang kamao ko after saying that. I was never comfortable bringing up anything about that. "Welcome to this island," muling sabi ng mga ito. Isa-isang binanggit ng mga ito ang pangalan at sandali nilang binanggit ang rason kung bakit nasa isla sila. Hindi ako interesadong alamin ang mga pangalan nito ngunit kahit hindi ko gustong pakinggan ay narinig ko ang pangalan ng lalaking 'yon. "I'm Chase Manjares. I'm here because I'm trying to... to forget someone... someone I know I can't have." Naramdaman ko ang simpleng pagsiko sa akin ni Riel at narinig ko ang simpleng pagbulong nito. "Siya 'yung fafa na nagligtas sa'yo, right? Oh my gosh..." Nakita ko ang pagtingin nito sa direksyon ko pagkatapos magsalita. Tinaggal ko rin ang tingin rito. Pagkatapos, pinaliwanag ng mga ito ang pinagmulan ng ganoong concept ideas sa isla. Hanggang sa transpo and rules. Kasama na rin ang mga required activities nila. And everyone started telling their stories, their realizations, what they learned in life. Some of them were broken, some were numb, some were lost. Iba't-iba ang kuwento ng buhay. Iba't-ibang level ng pain, iba't-ibang level ng uncertainty. After that mayroong kantahan ng masasayang tugtugin. May nag gigitara. May kumakanta. Ang karamihan ay sumasabay lang. Napatingin ako sa babaeng kararating lang rin daw noong isang araw kasabay namin ni Riel. How I wished... katulad ko ito na kayang ngumiti at mag-enjoy kahit sa sandaling panahon. How I wished... It was just that easy to do. Pinili ko na ring umalis even Riel obviously liked the noise. Sandali lang akong nakatulog at nagising ako ng madaling araw sa paglitaw ni Tim sa panaginip ko. I just went near the shore as the cold wind again embraced me. I was just there looking at no specific thing, crying. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kailangang maramdaman iyon bago ako tuluyang makalaya. We had island hopping in the morning. May ilang activities sa ibang island but I chose not to join. Riel enjoyed all of the adventure at pagsapit ng gabi pagdating sa cabin ay nagpumilit itong magpunta sa club. "Bes, please... TGIF! Once a week lang daw nagbubukas ang club nila rito! Hindi mo pa nasusubukan mag-clubbing, hindi ba? Subukan mo namang uminom na may kasamang ibang nilalang!" "I'm sleepy... I just want to--" "To dream of him again? And what? Magpapaka-lunod ka naman sa dagat? Oh, please, bes... we're here to move on hindi magmukmok." "You know... I don't like crowds." "Yeah, kaya nga it's better na umalis ka sa comfort zone mo. Baka kulang ka lang pala sa pakikipag-socialize. Baka kulang ka lang sa harot. Malay mo naman, iyon lang ang solusyon para maka-move on ka na." "Riel, I don't want to--" "Shh-- Shh... I know. Ayaw mo siyang palitan..." She heaved a deep sigh. "Aren't you tired of the feeling, bes? Open up yourself. Kahit isang gabi lang subukan mo lang. Malay mo kailangan mo lang pala ng ibang tao sa buhay mo para makalimutan mo na siya. Just try, please... even once, kalimutan mo muna siya. Isipin mo na ang gabing ito, ikaw pa 'yung ikaw noon noong hindi mo pa siya nakikilala. Forget him... let yourself get lost kahit unang beses lang... kahit huling beses lang." Humugot ako ng malalim na hininga. "This will be the first night and last night, Riel." Napangiti ito nang malapad at agad lumapit sa braso ko. "Let's get drunk then!" Maingay sa loob ng club. Maraming tao, maraming iba't-ibang kulay ng ilaw at ibang musika. Obviously some were broken. Umiiyak, nagpapaka-lasing. Ang iba naman, tila hindi naman talaga nabasag, tila hindi naman talaga nasaktan. The bad thing was... people have different ways of coping. No one could say that they finally feel better by just looking at them. Kinuha ni Riel ang kamay ko at hinila ako papunta sa counter. Humingi agad siya ng tatlong shot ng margarita at tatlong shot ng tequila for the two of us. "Cheers..." Nakangiting anito bago paglapitin ang baso naming dalawa. Hindi ako nagdalawang isip na inumin iyon. I was used to... getting drunk simula nang mawala si Tim. Walang araw na hindi ako uminom ng alak kahit pa... kahit kailan ay hindi ako no'n natulungang makalimot. Nakakailang baso na rin kami nito nang humawak siya sa braso ko. "Hmm, look, nandito 'yung guwapong nagligtas sa'yo." Wala sa loob na sinundan ko ng tingin ang tinuro niya. Sakto namang tumingin ito sa direksyon naming dalawa. Binawi ko rin agad ang tingin ko sa direksyon nito. "Don't you think he's hot?" she said with full of excitement in her tone. "Please give me another shot of tequila," utos ko sa bartender, ignoring kung anong sinabi nito. "Oh my god..." Mahinang bulong nito sa tabi ko. "I think he's heading here. Gosh... I think he's really coming here." Inabot ko ang alak na binigay sa akin ng bartender not minding Riel. Iiwan ko na sana ito sa counter pero pagbaling ko sa likuran ko... nakita ko ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako sa kaniya. I was really so upset. "Miss..." sambit nito na tila ba nahirapan pang bigkasin iyon. "I'm sorry about what happened last time. I didn't mean to--" "Next time don't meddle with other people's business," malamig na sambit ko at nilagpasan siya Wala na kaming dapat pang pag-usapan. I didn't even need an apology lalong-lalo na ang tulong mula sa kaniya or anyone except Riel. Hindi niya na dapat pang pakialaman ang buhay ng ibang tao. "Bes..." mahinang tawag sa akin ni Riel na agad akong sinundan. Hinawakan agad nito ang braso ko. "Grabe ka naman du'n sa fafa. Saan ka ba pupunta? Bakit ba ang bilis mong maglakad?" "Let's go back to our cabin." "Huh? Magpapaka-lasing tayo, ano ka ba! Halika!" Hinila ako nito sa couch. Um-order siya ng isang katutak na alak. Naging sunod-sunod ang pagdala ko ng alak sa bibig ko. Nagsisimula nang lumabo ang paningin ko but I didn't care. I was already used to it. Sanay ako sa pakiramdam. "Hmm... shan ka punta?" I heard Riel asked. "I'll go to the restroom." I tried to walk straight and look at myself in the mirror pero halos hindi ko na rin makita ang sarili ko roon. I didn't know what exactly I was doing. Gusto kong bumalik sa couch kaya lang pakiramdam ko... I was trapped in the middle of that noisy place. Maraming tao sa paligid, iba't-iba ang nakikita kong kulay ng ilaw. Pakiramdam ko umiikot ang mundo ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga tinig na naririnig ko. "You have to forget him... You have to move on, Lia." "Aren't you tired of the feeling, bes?" "Open yourself up." "Kahit isang gabi lang subukan mo lang. Malay mo kailangan mo lang pala ng ibang tao sa buhay mo para makalimutan mo na siya." "Just try, please... even once, kalimutan mo muna siya. Isipin mo na ang gabing ito, ikaw pa 'yung ikaw noon noong hindi mo pa siya nakikilala." "Forget him... let yourself get lost kahit unang beses lang... kahit huling beses lang." Kasabay ng pagguhit ng kirot sa dibdib ko ang siya ring pagguhit ng luha sa mga mata ko. "Are you okay?" narinig ko ang tinig na iyon sa harapan ko. Kahit papaano ay unti-unting lumilinaw ang paningin ko. I could see that guy... that guy in front of me. I just found myself... kissing him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD