Chapter 5

1595 Words
CHASE KARSON MANJARES ___ My hands wandered from her cheek down to her soft back. Her skin felt so delicate. Doble ang paningin ko at malabo iyon. I couldn't see her clearly pero ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko sa bawat paggalaw ng mga labi nito sa mga labi ko. The moans coming from her mouth sounded so good in my ears. Para iyong isang magandang tugtugin na lalong nagpapaliyab ng apoy sa dibdib ko. I could feel his sharp nails on my back while I continued to thrust between her legs. I should be thinking straight pero hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko. I was lost that night. Nagising ako sa mabangong amoy ng raspberry with some mix of red fruit. It smelled so sweet. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata habang unti-unti ko ring nararamdam ang pagkirot ng ulo ko. I didn't see anyone beside me... but I remembered what happened last night. Agad akong napabalikwas nang bangon. Tiningnan ko agad ang unan sa tabi ko at ang space sa tabi ko. I didn't see anyone around. Sinuot ko ang boxers ko at sinilip ang bathroom pero hindi ko na rin ito nakita roon. Humugot ako ng malalim na hininga habang nakatingin sa ibabaw ng kama. It was messed up. I was drunk but I knew what happened. Alam ko kung sino ang kasama ko at alam ko kung anong nararamdaman ko kagabi. I also didn't expect that to happen. At... hindi pa rin ako makapaniwala. Nagbihis agad ako para lumabas ng cabin ko. I wanted to see her and talk to her. Tumingin ako sa paligid ko, nagbabaka-sakaling makita ko ito. "Pat..." I called one of the staffs. "Oh, pre?" "N-nakita mo ba... si Lia?" "Lia?" Kunot noong tanong nito. "Ah, si Ms. Alfaro, 'yung bagong dating nu'ng isang araw?" "Yeah..." "Umalis na kanina pang madaling-araw. Pinilit nga niya ang management na hayaan siyang umalis. Kasama niya pa 'yung isang babaeng dumating din noong isang araw, si Ms. Abad." "D-do you know... kung bakit umalis?" "Ewan ko ba. Hinayaan na lang ding umalis ng management. Alam mo na, suicidal. Although normal naman dito 'yon pero mas gusto pa rin ng management na bukal sa loob nila ang pagpunta at pananatili rito sa isla. The island is here to help, hindi para lalong gawing miserable ang buhay ng kliyente namin dito." Hindi ko alam kung bakit humigpit ang dibdib ko. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko kung sakaling makita ko siya, pero... gusto ko lang siyang makita. "Salamat." "Sige, pre. Asikasuhin ko lang 'yung facilities." Hindi ko nagawang matulog. Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Para iyong sirang plaka na nagpapaulit-ulit sa isip ko. I couldn't see her face clearly pero malinaw na malinaw sa dibdib ko ang apoy na naramdaman ko noong mga oras na iyon. Hindi ko makakalimutan ang pakiramdam na mahawakan ang balat nito at kung paano iyon dumikit sa balat ko na para bang pinapaso ako. And her scent... tila bang nanatili na iyon sa sistema ko at hindi ko na makakalimutan pa. "Good morning, Mr. Manjares." Diretso kong tiningnan si Mr. Winston. Katulad dati, suot niya ang magarang suit niya at ang makapal niyang salamin habang nakaupo siya sa harap ng mesa niya. "Good morning," I greeted back. Rinig na rinig ko ang sarili ko sa buong silid kahit pa halos ibulong ko na iyon. The room was enclosed. Kaming dalawa lang ang naroon. Nasa gitna ng silid ang silya ko at nasa harapan ko ang mesa niya ilang dipa ang layo mula sa akin. Bukod sa mesa at silya, wala ng iba pang gamit sa loob. The room looked so neat and clean. "Kumusta ka?" Sandali akong tumitig bago magsalita . "Puwede ba akong magsinungaling?" Mahina itong napatawa. "All right, just tell me how you met her." Anim na buwan na ako sa isla. Iyon ang pang-anim na beses na itinanong niya sa akin ang tanong na iyon. Ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Masakit. Masaya. Excited. Nag-uunahan ang mga iyon sa dibdib ko na tila ba hinahanap ang mga lugar nila roon. "Sa campus..." I whispered. "Binayaran niya 'yung Caldera na binili ko sa canteen dahil kulang 'yung sheet cards ko pangbayad." Ngumiti ako nang bahagya. Masaya, mapakla, hindi na mahalaga. "Parang tumigil ang mundo... lalo noong tumingin siya sa akin. Kumikinang ang mga mata niya. Para iyong isang malawak na lugar na paulit-ulit akong nawawala. Tapos... ngumiti siya sa akin. Tapos na... nahulog ako agad." "It was love, you told me." "Oo..." mahinang bulong ko na may bahagyang ngiti sa mga labi. "Parati ko siyang tinitingnan. Gustong-gusto kong nakikita kung paano siya ngumiti, magseryoso, o bumusangot." "Do you still feel the same way for her?" Nanatili akong nakatingin sa mga mata nito until I found myself laughing a little habang kusang nabubuo ang likido sa gilid ng mga mata ko. "Alam mo ba kung anong nasa isip ko?" "Tell me." "The most-- the hardest to forget and let go are the things that didn't even happen. 'Yung mga bagay na hindi naman talaga naging sa'yo." "You're not healing?" "Sinusubukan ko, but what-ifs are always... haunting me. What if... what if, what if... it's in me, never gone." Marahan itong tumango. "Can't you make your what ifs happen?" Nakaramdam ako ng mas matinding kirot sa dibdib ko. "There are what-ifs you can still fight for and there are some what-ifs that will remain what-ifs because it's too late for you. Someone owns her now." Ngumiti rin ito nang mapakla sa akin. Ilang minuto ang lumipas bago ito muling magsalita. "Hindi man lang ba nabawasan?" "It's growing. It's growing every day." "It's such a shame that our island can't even help you heal... even just a little." "Aalis na ako." Muli akong ngumiti nang bahagya rito. "But I want to tell you that she's... she's my dream. Kung sakaling hindi na ako makabalik, at least I've finally told someone... na naging siya ang mundo ko. At kung sakaling makabalik ako na hindi na masakit, maalala ko na... siya ang bumago ng buhay ko." Pinigilan kong mabuti ang pamamasa ng nga mata ko habang hinayaan kong tumusok ang kirot sa dibdib ko. Matagal na minuto ang lumipas bago ako tumayo mula sa pagkakaupo. "Mr. Manjares..." Humakbang ito palapit sa akin. He stood in front of me. "Gusto kong malaman mo na isa ka sa pinaka-matapang na taong nakilala ko rito sa isla. Congratulations..." Nilahad nito ang kamay sa akin. "Para saan?" Ngumiti ito sa akin. "Dahil sigurado ako, mahahanap mo rin ang taong pipiliing makita na totoong mahalaga ka." Muli akong ngumiti nang mapakla rito. Ganoon pa man, inabot ko pa rin ang kamay nito. I still have almost a month to stay in the island. It was my choice. Every month nagaganap ang interview na iyon. The questions were just the same. Kailangan mong i-kuwento, kailangan mong maalala nang paulit-ulit hanggang sa ma-realize mo na... hindi na pala masakit. I was happy for some na hindi na nararamdaman ang sakit habang kinu-kuwento muli ang mga bagay na nakasakit sa kanila sa mahabang taon. I was proud of them. So proud because that didn't work for me. Every person is different. Hindi lahat kayang makalimot. Hindi lahat kayang sumulong at nagsimula ng bago. Madalas kong pakinggan ang kuwento ng iba. Sometimes I wish... hindi nararamdam ng iba ang nararamdaman ko, but sometimes... it feels good to know you're not alone. Mabuting naalala mo na normal ang pakiramdam at makaramdam. Madalas ko ring tingnan ang mga ulap na minsan makapal, minsan nagtatago, minsan nanatili, minsan naman ay mabilis umalis. Madalas kong panuorin ang ulan, kung paano iyon malaglag mula sa taas papunta sa baba. Kung paano iyon lumakas at humina hanggang sa tuluyang tumila. Madalas kong pagmasdan ang paglubog at paglitaw ng araw pati na rin ang mga bituwin sa kalangitan na minsan maliwanag, minsan hindi, minsan hindi matanaw. Pati na rin ang alon na minsan ay malakas, minsan mahina, minsan payapa. Gusto kong makita na maluwag ang mundo pero gusto ko ring tanungin ang sarili ko kung bakit ganoon? Bakit minsan tila nakakulong ka sa isang masikip na mundo... na walang ulan, walang araw, walang ulap, walang alon... walang tumitila, walang maliwanag, walang umaalis, walang payapa. Ngumiti ako nang bahagya pagkatapos kong tingnan ang buong isla. They congratulated me dahil akala nila magaling na ang puso ko kaya pinili ko nang umalis. Hindi nila alam na hindi naman talaga ako gumaling. Hindi naman talaga nawala, hindi naman nabawasan. The island still became special to me. Marami akong natutunan. Marami akong nasaksihan at marami akong babaunin sa pag-alis. Hindi ko alam kung anong susunod kong magiging hakbang pero baka tuluyan ko pa ring subukang hanapin 'yung lawak ng mundo. Nakasakay na ako nang bus nang makatanggap ako ng tawag mula sa unknown number. After six months, iyon ang magiging unang tawag na matatanggap ko. Tiningnan ko muna iyon bago ko itutok ang cellphone sa tainga ko. "Hello?" Narinig kong tinig ng babae sa kabilang linya. "Is this Chase Karson Manjares?" Kumunot ang noo ko. "Yeah..." "I'm sorry to call you, I got your number from Island Sole. They told me na umalis ka na raw doon ngayong araw." "Who is this?" "This is Riel Abad... I'm Lia Alfaro's best friend... can you still remember?" Natigilan ako. Hindi ko inaasahang tatawag ito pagkatapos ng halos isang buwan. "May gusto lang sana akong sabihin sa'yo..." "What is that?" Ilang sandali itong tumahimik sa kabilang linya bago muling magsalita. "My... my friend is... p-pregnant."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD