Chapter 25

2273 Words
LIA ELIZA ALFARO's POV __ "Eli" Agad itong napalingon sa akin nang tawagin ko ang pangalan niya. "Mommy... what are you doing here?" "We'll eat out." "Can I go?" tanong ng kaibigan nito. "No," diretsang sagot ko na mabilis nitong ikinabusangot. Bumaling din ako kay Eli. "Let's go." Tila hindi nito gustong iwan ang kaibigan, but she had no any other option kung hindi ang sumama sa akin. Lumabas kami ng campus at dinala ko siya sa isang restaurant. "Choose what you want to eat." "Mommy, daddy prepared food for me," anito at sinimulang ilabas ang lunch box mula sa bag niya. May laman iyong fried rice, sliced na boiled egg, fruits, and nuggets. Hinayaan ko na lang ito. "Would you like to eat something else aside from that?" Malamlam ang mga matang tila nag-isip ito. "I just want... fishball, Mommy." I still ordered soup for her dahil wala namang fishball doon. "What's wrong?" I asked nang mapansing matamlay ito. "I'm just sad, Mommy... I didn't want to leave Xeri. She would be sad eating alone." "You won't always be together. She has to get used to it, so do you." Hindi nito naubos ang pagkain niya dahil medyo marami iyon. She said sinadyang damihna iyon ng daddy niya dahil parati silang nagshe-share ng kaibigan niya sa baon nilang pagkain. May nagtitinda ng street foods sa tapat ng campus kaya doon ko na hininto ang sasakyan. She was excited. Alam niya na kung anong gagawin niya. Bumaling ito sa akin nang maglagyan ang cup niya. "Mommy, do you want fishball too? I will treat you!" "You have money?" Ngumiti ito sa akin at naglabas ng pera mula sa bulsa niya. "This!" Buong fifty pesos iyon. It can't even buy a sandwich sa cafeteria. Baka nga bottled water lang ang mabili no'n. Well, I guess, may baon naman siyang merienda. Kumuha ako ng cup at ng stick. Ilang piraso lang ang nilagay ko doon and I let her pay. "Mommy... daddy and I always eat here after class. Xeri and Ms. Reni love this too!" Dahan-dahan kong nginuya ang pagkain sa bibig ko without saying anything. Nanigas ito nang matuluan ng sauce ng hawak niyang stick ang heels ko. "S-Sorry, Mommy..." naginginig ang tinig na sambit nito. I didn't give her any reaction. Mabilis itong bumaba sa paanan ko at akmang pupunasan iyon pero nilayo ko ang paa ko. "Don't touch it with your hand." Kinuha ko ang panyo sa suot kong coat at bumaba para pahirin iyon. "Sorry, Mommy..." may pangamba pa ring anito. "You think I'm mad?" "Are you?" mahinang tanong nito. Hindi ako sumagot. She bowed her head at alangang inabot sa akin ang naginginig niyang palad. "Just hit my hand, Mommy..." Ilang sandali ko siyang tiningnan bago ko kinuha ang nilahad niyang kamay. Hinila ko iyon patayo. Tumingala siya sa akin na may iba't-ibang emosyon sa mga mata. "You still have classes. Go back inside." Marahan kong hinila ang kamay nito para tumawid sa pedestrian lane. Binitiwan ko lang ang kamay niya nang nasa harap na kami ng gate ng campus. Tumayo pa ito sa harapan ko. "Mommy, thank you," she said and tried to give me a smile. "Thank you for what?" "Because you ain't mad. I promise I'll do my best today." She turned her back at pinanuod ko siyang humakbang papaunta sa gate. Nakakailang hakbang pa lang siya nang muli kong tawagin ang pangalan niya. "Eli," Huminto ito at muling bumaling sa akin. I guess it took me a minute bago ako nakapagdesisyon sa sasabihin ko. "We'll go somewhere." She seemed confused pero hinayaan na lang nitong hilahin ko ang kamay niya pabalik sa sasakyan. I didn't know kung saan ko siya dadalhin. May dinaanan kaming zoo. She said hindi pa siya nakakapasok doon kaya nag hanap ako ng parking slot. She was worried of her friend and her classes at first pero naramdaman ko agad ang excietemnt nito nang makapasok kami sa loob. "Eli," tawag ko rito nang magsimula itong magtatakbo sa loob pero tila wala na itong naririnig. Binilisan ko na lang ang hakbang ko para maabutan siya. "Mommy, look! That's an ostrich!" She was so amazed na tila ba noon lang siya nakakita ng iba't-ibang hayop. I wasn't really interested of animals kaya sinundan ko na lang ito kung saan niya gustong pumunta. "Mommy, look, this is Nemo!" anito pagkatapos hulihin ang lumalangoy na isda. "Eli," suway ko sa kanya. "Don't touch it." Kinuha ko ang kamay niya at simpleng tumingin sa paligid dahil may signange na ngang bawal iyong hawakan. Ilang sandali pa lang ay hinihingal na akong sumunod rito. She was running too fast. Palipat-lipat din siya na hindi ko alam kung anong hayop ba talaga ang gusto niyang makita. Bumalik ito sa akin nang mapansing malayo na ang distansya ko sa kanya. She held my hand habang may malawak ang ngiti sa mga labi niya. "Mommy, let's see the elephants." Humugot ako ng malalim na hininga habang hinihila nito ang kamay ko. She was very happy to see it closely pero takot siyang hawakan ang trunk. "Why do elephants have a big nose, Mommy?" "I don't know," I answered nonchalantly. "Are elephants good animals, Mommy?" "What do you think?" "Hmm, yeah? I think they are friendly, but we can't be friends." "Why not?" "They are too big! I can't invite them home! You won't let them in!" Masyado itong maraming tanong habang nag-iikot kami na halos lahat ay hindi ko alam sagutin. Tila hindi ito napapagaod sa pag-ikot at sa pagsasalita. Hindi ko sigurado kung dapat akong matuwang nagiging masyado itong madaldal. "Hipotamus..." "Hippopotamus," I corrected her. "Hitotomus," ulit nito na hindi pa rin mabigkas ng tama. "Hmm, can I just call them piggy, mommy? They look like a pig anyway. They just have a huge mouth." "Whatever you like." "Hiponomus," mahinang bulong nito still trying to practice. Kusang umangat nang bahagya ang sulok ng labi ko hearing her say that. Pagkatapos ng ilang minuto roon, nagtungo naman kami sa ibang parte para makita ang iba't-ibang butterflies. Sa tabi ay ang mga ibon naman. Masaya niyang tiningnan ang mga nasa hawla lalo na iyong mga lumilipad lang sa itaas. She was really happy, not until may bumagsak sa kanyang dumi. Agad niyang tiningnan ang balikat niya pagkatapos ay kinapa ang ulo niya. She looked at her hand na tila ba hindi alam kung anong magiging reaksyon. "Mommy..." she whispered. "W-what's this?" "Birds poop," direstsang sagot ko. Agad nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. "Mommy... eww...." She panicked hanggang sa maiyak na lang siya sa pandidiri sa sarili niya. Kumuha ako ng tissue sa loob ng bag ko at pinunas sa duming nalaglag sa kanya. Hindi basta-basta natanggal ang dumi sa ulo niya lalo pa at basa ang dumi. "Stop crying," suway ko sa kanya. "Mommy, I can feel it on my head." "I know, but you don't have to cry like a baby." Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang likod ng palad ko. She didn't stop crying hanggang sa... Naramdaman kong may bumagsak din sa ulunan ko at may tumalsik pa sa dulo ng ilong ko. Mula sa pag-iyak, napalitan iyon ng malakas na paghagikgik. "You have poop on your head too, Mommy!" I just looked at her, kung paano mawala ang mga mata niya, kung paano umangat ang mga labi niya sa pagtawa. Tiningnan ko lang ang maliliit niyang ngipin at pinakinggan ko ang paghagikgik niya. I remember when she was born. Noong unang beses ko siyang maramdaman sa mga bisig ko. Noong unang beses ko siyang makita nang malapitan. She smiled at me, unexpectedly, na para bang matagal na akong kilala. I wanted to forget, but as I have said, mistakes are part of our history, and she's part of me— my biggest mistake. Kinuha nito ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang dumi sa ulunan ko. Hinayaan ko lang ito hanggang sa matapos siya. She again laughed at me, and I again watched. Palubog na ang araw nang makauwi kami ng bahay. As I expected, may namumula na naman sa galit na sasalubong sa amin. I knew he would take his precious time to argue with me nang papasukin niya ang bata sa kwarto nila. Nagkuwento ito habang papasok sila sa silid so I concluded na alam niya na kung saan kami nanggaling. "Don't teach my daughter to cut classes, Lia," malamig na sambit nito habang matalim na nakatingin sa akin. "She'll just sing, dance, draw at school. Don't make it a big deal na parang malaking bagay ang nawala sa kanya. Now, excuse me." Nilagpasan ko siya at dumiretso na ako sa silid ko to take a bath. Tumayo ako sa harap ng glass wall for a few minutes pagkatapos ng halos dalawang oras. Hinintay ko itong lumabas ng gate at noon lang ako lumabas ng silid. May naiwan pang adobo sa mesa. Alam kong hind iyon galing sa stocks na nasa bahay. Hindi ko na inaasahang kukuha ito ng kahit ano sa mga iyon. He didn't want his ego to get hurt. Baka mas gustuhin niya pang mamatay than get anything from me. "Mommy," I heard her tiny voice again. "That's for you. Daddy cooked it." Kumuha ako ng pinggan, kutsara at tinidor. Kahit kailan hindi ko tinikman ang pagkaing ginagawa nito noon. Hindi kumpleto ang ingredients pero hindi ko na lalaitin pa dahil maayos naman ang lasa. "Why are you still awake?" I asked her na noon ay nakatayo pa rin sa gilid ng mesa. "You said we will bake earlier." I didn't know she still remembered it. Pagkatapos kong kumain ay hinanda ko na ang mag ingredients. She wanted to learn kaya lahat ng nilabas ko ay tinanong niya kung ano ang tawag at kung para saan. She was very inquisitive. Something na hindi ko gusto dahil hindi ko rin gustong sumagot ng mga tanong. I still answered her questions. Hindi ko rin agad napansin na suot na nito ang isa sa mga binili kong pantulog for her. Pinanuod nito ang ginagawa ko and also helped me. Gusto rin nitong gumawa ng cookies kaya inuna ko nang i-prepare iyon at lutuin sa oven. Black forest ang ginawa kong cake. Nilagyan ko na rin ng dedication ang cake ng 'Happy Birthday, Eli.' Halos magtatalon ito sa tuwa. "Yey! It's my birthday again!" Nilagyan ko iyon ng kandila dahil gusto niyang mag-wish ulit. She blew the candle and hugged me after. I didn't move. Agad din itong bumitaw nang ma-realize ang ginawa niya. "Sorry, Mommy..." Hindi ko alam kung kailan pa siya natutong mag-apologize for being clingy. "Get down there now. Let's eat this at the garden." Tinulungan ko itong bumaba mula sa counter top. Iniwan ko na ang mga ginamit namin sa kusina without cleaning them. "Mommy, you're the best!" anito habang punong-puno ng cake at cookies ang bibig. I just let her eat. Sawa na rin ako sa cake kaya kaunti lang ang kinain ko. Nakalahati niya na iyon at tila wala pa siyang planong tumigil. "Stop now." Too much is unhealthy for her. "Okay, Mommy." Nagsimula itong magkwento sa akin about earlier na parang hindi niya ako kasama sa zoo. Walang preno ang bibig nito at tila hindi nauubusan ng hininga. Kung hindi ko lang nakitang lumabas siya mimso sa pagitan ng mga hita ko, I would think that she was Riel's daughter. It was half past one nang dumating ang daddy niya. He called her para pumasok na sa loob ng bahay at matulog. Sandali lang ako nitong tinapunan ng tingin. "Good night, Mommy! I liked your cake and cookies!" I stayed there for a while bago ako pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko itong niilinis ang mga ginamit namin sa kusina. Sandali lang nagkasalubong ang mga mata namin nito. Binaba ko lang ang natirang cake sa mesa at umalis na rin ako. We had nothing to talk about. Hindi ko na alam kung anong oras pumikit ang mga mata ko. "Lia..." she called nang pumasok ako sa kusina. It was a fresh morning. Maganda ang sikat ng araw sa labas. Lumapit siya sa akin para higitin ang magkabilang psingi ko at haplusin iyon. "I love you..." he whispered and kissed my lips. It felt good... it felt warm, not until makarinig ako ng isang malakas na pagbusina. Napabalikwas ako ng bangon. Alam ko katulad lang iyon nang ilang gabi na wala akong makikita kung hindi angs sarili ko sa loob ng silid naming dalawa. Naramdaman ko na lang ang mainit na likidong naglandas sa pisngi ko. It's been years... it's been long years pero napapanaginipan ko pa rin siya. It still hurts. Lumipas lang ang taon pero hindi nabawasan ang sakit. I couldn't stay in that room. Pakiramdam ko nalulunod ako. Kumuha ako ng wine and went to the pool area. At katulad ng dati, hindi ko pa rin makontrol ang mga luha ko. I would still cry, over and over. I would still blame myself. Sana hindi ako nakipagtalo, sana hindi ako tumawag. It was always like that. Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon na nakatingin lang sa kawalan. Naramdman ko na lang ang maliit na kamay na humawak sa balikat ko. Hindi ko na naitago pa ang mga luha sa mata ko. She saw it already. Malamlam rin ang mga mata nito na tila alam kung anong nararamdaman ko. Umangat ang mga palad niya para hawiin ang mga luha ko. Hinahawi ko ang kamay niya sa tuwing gagawin niya iyon, but not at that moment. Nagpatuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko habang nakatingin sa mga mata niya. "Mommy... don't cry."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD