Chapter 31

2297 Words
LIA ELIZA ALFARO's POV __ "My payment." Tiningnan nito ang perang inabot ko sa kanya bago muling tumingin sa mga mata ko. "Idagdag mo na lang sa pangbayad ng kuryente," casual na sambit nito at sinukbit sa balikat niya ang bag ni Eli. Sinundan ko sila ni Eli palabas ng bahay bago ko ilagay ang pera sa bulsa ng coat ko. Inalalayan niya na itong sumakay sa backseat ng sasakyan ko bago nagtungo sa kapit-bahay. Eli was just quiet hanggang sa makarating kami sa waiting area. Tumingala ito sa akin na puno pa rin ng pangamba ang mga mata. "Sorry, Mommy..." "For what?" "For what I did yesterday. You always tell me not to run inside the house because you don't like it, but I didn't follow." Inabot nito ang palad sa akin na may namumuong luha sa mga mata. "Just hit me, mommy." Simpleng akong humugot ng malalim na hininga. Kinuha ko ang maliit na kamay niya sa halip na paluiin iyon. "Ihahatid na kita sa classroom mo." Nagpatuloy ako sa paghakbang habang nakasunod ito sa akin. I just made sure na hindi masyadong mabilis ang hakbang ko. Tinuro niya sa akin ang classroom niya. "Mommy," tawag nito nang huminto na kami sa harap. "Aren't you mad at me?" "What do you think?" She immediately shook her head. "Eli! Eli!" tawag sa kanya ng isang batang babae na dumaan sa gilid namin. "Who is she?" "Uhm..." Tila nag-ipon pa ito ng lakas ng loob na magsinungaling. "She's my... au—" "I'm her mom." Agad itong napatingala sa akin habang namimilog ang mga mata. Umawang naman ang mga labi ng bata sa tapat niya. "I thought you don't have a mother. She's pretty, Eli. She looks like you." Hindi na ito nakaimik pa at nanatili lang nakatingin sa akin hanggang sa pumasok na ng bata sa loob ng classroom. "Get inside now." "Thank you, mommy..." sambit nito at marahang bumitaw sa kamay ko para pumasok sa loob ng classroom niya. I just watched her na pumunta sa upuan niya. Hindi pa siya nakakalapit doon pero huminto siya sandali. She turned her back to see me pagkataos ay tumakbo papalapit muli sa akin. Tumayo ito sa harapan ko at tiningala ako. I sat down para magpantay kaming dalawa. "Did you forget something?" Mabilis itong tumango. "Wha—" Hindi ko pa natatapos ang tanong ko, naramdama ko na ang mahigpit na yakap nito. Hindi agad ko nagalaw. Naramdam ko lang ang kakaibang kislot ng dibdib ko. It felt different. Hindi ako sanay sa pakiramdam na iyon. Kusang umangat ang mga braso ko para yakapin din ito pabalik. "Mommy..." malambing na sambit nito habang mahigpit pa ring nakayap sa akin. "I forgot to say I love you." I couldn't explain that feeling in my chest. It was so new—new to me. Hindi ko alam kung gaano ito katagal na nakayap sa akin bago ko makita muli ang mga mata niya. "What else?" I asked. Ngumiti ito sa akin at dinala ang malilit niyang mga palad sa magkabilang psingi ko to give my lips a quick kiss. "That's all, mommy. I'll see you later." Muli ko siyang pinanuod na pumasok sa loob ng classroom niya. She again looked at me bago pa siya maupo sa silya niya at binigyan ako ng matamis na ngiti. I saw her best friend enter the room, and they hugged each other. Malapit na ako sa sasakyan ko nang mapansin ko ang dalawang taong nag-uusap sa gitna ng parking way. CHASE KARSON MANJARES' POV __ "Do you wanna know now?" nakangiting tanong nito pagkatapos sabihing may good news siya para sa akin. "Governor has agreed to grant Eli a scholarship!" I looked at her in disbelief. Hindi ko alam kung anong una kong dapat maramdaman. All I knew ay nagtatalon ang puso ko sa tuwa. I released a soft laugh at sa sobrang tuwa, hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya nang mahigpit. I also felt her arms na yumakap sa akin pabalik. "Thank you, thank you so mu—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagbusina. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Reni at tiningnan ang sasakyang bumisina. It was familiar, of course, dahil iyon ang sasakyang magdamag kong inayos kagabi. Alam ko kung sino ang nasa loob ng sasakyang iyon. Muli itong sunod-sunod na bumisina nang hindi pa rin kami nakakalis sa daan nito. Tumabi rin kami ni Reni to give way to her. Parehas naming pinanuod ang sasakyan nito papalayo bago ako bumaling s akanya. "Sorry..." She gave me a light smile. "Sorry din..." I didn't mean to embrace her. I thought na masyado akong lumagpas sa boundaries ko. I was just really happy. "Gusto mo ng taho?" She remained smiling at me and nodded. "Please?" Iniwan na muna namin ang sasakyan sa parking para bumili ng taho sa labas ng campus. I wanted to treat her dahil siya ang dahilan kung bakit makakakuha ng scholarship si Eli. Kahit papaano ay matatahimik ang isip ko na sa magandang paaralan ko pa rin ito madadala kahit Hindi na sa mamahaling school. "Fishball, gusto mo?" I asked nang maibigay na ni Manong ang taho sa amin. "Isn't it too much?" "No, basta 'wag mo lang uubsusin 'yung tinda ni Manong." She chuckled at sumunod sa akin para tumawid sa kabilang kalsada. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko habang patawid kami takot kasi siyang tumawid. Kinuhanan ko siya ng cup at hinayaan ko na siyang pumili ng gusto niya. Spicy sauce ang pinili niya na hindi niya pa nasusubukan. Napatawa na lang ako sa mukha nitong namumula at ipinalit ko na lang ang sa akin sa kanya. "Boss, nalilito na ako," ani Manong. "Noong nakaraan 'yung anak mo nandito, ibang babae ang tinatawag na Mommy. Sino ba talaga asawa mo sa dalawa?" "Manong, we're just friends," Ani Reni rito. "Weh?" natatawang anito. "Ayos lng naman ho, hindi ko naman sasabihin. Kung gan'yan din naman ako ka-guwapo eh baka sampu pa ang maging asawa ko." Parehas na lang kaming napangiti at napailing ni Reni. "This man beside me will never cheat, Manong." "Naku, mahirap na hong panindigan 'yan ngayon." "Oh, c'mon. Let's just not talk about that, Manong," natatawang anito. Sa araw-araw na magkasama kami, marami na akong nalaman about her at marami na rin akong naikwento sa kanya kahit pa iyong tungkol sa amin ni Lia since she asked about the wedding portrait na nakita niya sa bahay noong birthday celebration ni Eli. I became more comfortable with her. Pakiramdam ko, I could really trust her. "Are you still worried ba na hinahatid at sinisundo siya ni Lia regularly?" tanong nito habang nasa byahe na kaming dalawa papunta sa talyer. Hindi ako sumagot. "I think Eli's happy na nagiging malapit na sila. I think we should still give her the benefit of the doubt." "I really don't care kung anong nararamdaman ko. I only care about my daughter." "I know that. Anyway, you said babalik ka do'n sa house na rerentahan niyo. I'll go with you. Tututlungan na kitang maglinis para unti-unti niyo nang mailipit na Eli 'yung things niyo." "There you go again." She chuckled. "And there you go again. Kailangan ko pa bang sabihin sayo na okay lang talaga sa akin? Gosh, I'm always bored. Let me help." "Malaki pa ang utang ko sa'yo, baka hindi na ako makabayad." "Isaw lang after or pares, bayad ka na." Wala sa loob na napangiti ako nang bahaya. "If you insist." "See you later after work then, sir." Time flew fast and I didn't even notice na oras na naman para sunduin ang mga bata sa school. Pinuntahan ko si Eli sa sasakyan ng mommy niya dahil baka magtampo ito kapag hindi ako nagpaalam. Naintindihan naman nito na kailangan kong unti-unting linisin ang lilipatan namin. Hindi na rin siya nagpumilit na sumama at tila mas gusto nang sumama sa mommy niya. "I'll see you at home, daddy!" nakangiti pang sambit nito. Sandali lang akong tumingin kay Lia at nag-iwas na rin agad ako ng tingin. Si Xeri naman ang nagpumilit na sumama sa amin, pero hindi rin siya hinayaan ni Reni. I was amazed kung paano niya naha-handle ang tantrums nito. Eli was hard to handle sometimes. Hindi rin basta-basta nagpapatalo sa akin. Malapit lang ang uupahan naming bahay. Halos p'wede namin iyong lakarin sa mahigit na samung minuto pero ginamit pa rin namin ang sasakyan niya dahil nagdala pa siya ng mga panlinis. She looked around the house at alam niya na agad kung anong dapat ayusin at kung saan kami dapat magsimula. She tied her hair and get her gloves ready. Una naming nilinis ang nag-iisang silid. Takot ito sa ilang ipis pero nang magtagal ay nakikihabol na rin ito ng walis tambo para patayin ang mga iyon. "Look, I got it." Hindi ako makaniwalng tumingin sa palad nitong nakaikom kung saan nakalagay ang tinutukoy niya. "B-Bakit mo hinawakan?" Hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito. "I told you, I'm not scared of it." "Tss, madumi 'yan. Pakawalan mo na, akin na." Sinubukan kong kuhanin iyon sa loob ng palad niya pero natatawang inilayo niya iyon sa akin. "I'll cook this for dinner." I still couldn't belive her and I ended up reaching for her hand. She kept lauhing habang pilit iyong nilalayo sa akin. I didn't even notice that we both look like a kid na nagtataguan at nag-aagawan ng laruan. Hindi ko rin namalayan na napalakas ang paghablot ko sa braso niya. Mabuti na lang at nasalo ko rin agad ang baywang niya. Se stopped, but continued to look into my eyes. Hindi rin ako nakagalaw agad dahil pakiramdam ko ay nakapasko lang ang mga mata ko sa mukha nitong malapit lang sa akin. I could even... smell her scent. I gently let go of her waist after few seconds nang ma-realize kong magkadikit na ang katawan naming dalawa. "Sorry..." She tried to smile at me and finally showed me kung anong nasa loob ng kamay niya. Ipis nga iyon. "Plastik lang 'to... I'm just using this to scare Xeri most of the time," muling natatawang sambit nito. Kinuha ko naman iyon sa palad niya at tiningnan. Plastik nga lang iyon. "Issa prank," natatawang anito. "Back to work, sir." Napailing na pinanuod ko ito pabalik ng silid. I was so thankful to her dahil halos natapos na namin ang kwarto. Nag-aya na lang itong maglakad pauwi na tila ba hindi napagod sa ginawa. "Hey, I think malalaglag na 'yung wallet mo." Wala sa loob na kinapa ko iyon sa bulsa sa gawing puwitan ko. "Put it sa ibang pocket kaya." "P'wede bang sa'yo muna? Butas na rin kasi 'yung ibang bulsa ko." She chuckled at kinuha ang cellphone at wallet mula sa akin para ilagay sa suot niyang coat. "You know what, maraming pants and trousers si dad sa house na hindi ginagamit. I think those will fit you. I'll call him." "You've helped a lot already. You don't have to bother him." "It's okay. Dad loves to give away his stuff naman." Huminto kami sa nagtitinda ng mga isaw. Ako na ang nagluto dahil self-service iyon. She was just smiling at me habang pinapanuod ako hanggang sa lumapit na rin siya. Just like was she said, she was always bored. "I need new skills. I think I should help." Pinaypayan ko ang baga at napunta sa kanya lahat ng usok. I chuckled nang sunod-sunod itong napaubo. She enjoyed what she was doing and she enjoyed eating them. Nilabas niya pa ang ipis niya just to prove me na hindi siya bothered. It was good to watch her habang kumakain siya ng paa ng manok. Habang tumatagal sa araw-araw, nagiging makuwento na rin ito. She would always talk about personal things about her and about things na ginagawa niya almost every day. "Should I pay for all of this?" tanong nito habang binubuklat ang wallet ko para kumuha ng pera. "My treat." I just chuckled. Hinayaan ko itong mag-abot ng pera sa staff na galing sa wallet ko. "Thanks to me," sambit pa nito. We were both worried about Eli kaya naglakad na rin kami agad pauwi. We were just talking about our childhood memories. She talked about her being a stubborn kid and I told her more about Nay at kung anong klaseng pamilya ang mayroon ako. Hinayaan ko lang na hunawak siya sa braso ko as long as she was comfortable. Hinayaan ko na rin nang bumaba pa ang kamay nito sa kamay ko. Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad pauwi habang nagkukwento siya about her. Parehas naming hindi namalyan na nasa harap na kami ng bahay nila. Noon niya lang din napansin na matagal na siyang nakahawak sa kamay ko. "I had fun," she said, smiling at me. "Message me when you get home, okay?" "D'yan lang ako tumutuloy." Bahagyang umawang ang mga labi nito realizing na magkapitbahay lang kami. Napatawa siya nang mahina like she couldn't belive heself. "I mean... when you're going to sleep na." "Why?" "Hmm... wala lang," she again chuckled. "Just so I know? Wait, no, forget it. That's too clingy." "I'll do." Unti-unti pang lumawak ang ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa mga mata ko. "Thank you sa isaw and... sa smile. Good night." Muling kusang nabuo ang bahagyang ngiti sa mga labi ko. She again released a soft laugh bago ako ibeso. "Good night... thank you for all the help," casual na sambit. "No worries, sir. See you tom.," nakangiting anito bago tuluyang pumasok sa gate. I just watched her hanggang sa mawala siya sa paningin ko. I simply heaved a deep sigh. I forgot the last time I had fun, but... she reminded me of the feeling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD