Chapter 30

2294 Words
CHASE KARSON MANJARES' POV __ "May kliyente, magpapagawa daw ng sasakyan!" sigaw ni Kaloy. "May ginagawa ako." "Ako rin!" "'Di pa ako tapos!" Mula sa makina, wala sa loob na tumingin ako sa direksyon ng kliyente. I was a bit surprised when I saw... Lia. Tumingin ito sa direksyon ko. May maliit pa ring bandage ang nakadikit sa gilid ng noo niya pero mukhang napalitan niya na iyon. Tiningnan ko ang mga kasamahan ko, hindi naman talaga lahat sila ay may trabaho. Nagpapanggap lang silang may ginagawa para hindi ito i-assist. "Kung gusto mo balikan mo na lang ang sasakyan mo o doon ka na lang sa kabilang talyer," ani Kaloy rito na walang pag-aalinlangan. "Marami pa kasi kaming ginagawa. Busy rin 'yung PINSAN mo." Simple akong humugot ng hininga. Ibabakik ko sana ang atensyon sa ginagawa pero napansin ko ang pumasok na sasakyan. "Chase!" tawag agad nito sa akin nang makababa. "Hi, Reni!" bati ng mga ito rito. Kumaway siya sa mga ito na may ngiti sa mga labi ngunit huminto nang mapatingin sa direksyon nina Kaloy. "Hi..." Bumaling din siya sa akin at nagsimulang lumapit. She cleared her throat first. "What's wrong?" I asked. "Sorry, I think my car has issues kasi. Pagkatapos mong bumaba dito kanina nagpunta ako ng grocery store and habang pauwi nag-stop siya twice." Marahan kong pinunansan ang kamay ko. "You should have just called me." "No, I didn't want you to travel pa. I really thought na aabot pa ako rito so don't worry about that. Here's the key." Kinuha ko iyon mula sa kanya at parehas naming nilapitan ang sasakyan niya. Chineck ko iyon while she was being detailed sa naging issues at experience niya. Papasok sana ako sa loob ng sasakyan niya pero narinig ko ang tinig ni Lia. "I change my mind." "Buti naman." Narinig ko pang sambit ni Kaloy. Hindi ko ito nilingon. Nakita ko lang na nakaalis na siya nang makapasok ako sa loob ng sasakyan at mapatingin sa side mirror. "May topak talaga!" I heard Tonik say. LIA ELIA ALFARO's POV __ Napahinto at napaiktad ang mga ito nang ibagsak ko ang limang kilo ng harina sa ibabaw ng mesa. It's been a while since the last time I helped them na gumawa ng breads. "O-okay lang po kayo, ma'am?" "No," diretsa at malamig na sagot ko. Hindi ko na narinig pang umimik ang mga ito. Hindi ko nasundo si Eli dahil iniwan ko ang sirang sasakyan sa bahay. I could still use it pero hindi ko iyon gustong gamitin na sira ang bumper. Inubos ko ang oras ko doon kahit lagpas na sa needed quantity ang nagawa ko buong araw. Kararating lang ng mga ito nang makauwi ako ng bahay. "Mommy, are you okay? Are you feeling better now?" sunod-sunod na tanong nito habang nakatingala sa akin. "Go inside." "Okay!" anito at agad din nagtatakbo papasok ng bahay. Binaling ko ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko. Looking at him made me feel so upset. Akmang lalagpasan ako nito pero nagsalita ako. "So you had the time to leave your daughter and mingle in the club?" Napahinto rin ito agad. "I wonder if you always do that." "Always" I looked at him with a clenched jaw. And he dared to say that without blinking. "I believe you shouldn't be giving a damn at all." Pakiramdam ko lalong nag-init ang dibdib ko the way he said it. I had to compose myself before speaking up again. "Repair my car," malamig na sambit ko at inabot sa kanya ang susi. "Don't worry, I'll pay." Ilang sandali pa nitong sinalubong ang mga mata ko bago iyon kuhanin mula sa akin. I turned my back at dumiretso na papasok sa loob ng bahay. "Mommy, look at my scores for today!" Nilapitan ko ito sa living room. Umupo ako sa couch at inabot ang binigay niyang mga papel. Hindi lahat perfect scores, but she did well. Hindi na ako nakadiretso sa silid ko dahil nagtanong ito tungkol sa homework niya and I ended up helping her with it. "Take a bath now. I'll make snacks." "Okay, Mommy," nakangiting anito pagkatapos ay mabilis na tumakbo papunta sa silid niya. Dumiretso naman ako sa kusina apara gawan ito ng pagkain. Hindi pa ako tapos sa ginagawa nang makarinig ako ng doorbell. Hinugasan at pinunasan ko muna ang kamay ko bago ako lumabas ng kusina. Chase was about to open the gate pero nagsalita ako. "I can handle it." It wasn't the 15th or 30th of the month. Hindi nagdo-doorbell si Riel at wala akong expected delivery. It must be someone I know. Lumapit ako sa gate para buksan iyon. I stiffened a moment nang makita ko kung sino ang nandoon. "Lia..." sambit nito sa pangalan ko and leaned closer to me para ibeso ako. "It's nice to see you again, hija." "Mama..." "Can we get inside?" I absentmindedly gulped. "Of course..." Sandali ko lang tiningnan ang kasama nitong driver sa labas pagkatapos ay iginiya ko na ito papasok ng gate. "It's been a while since I last visited you here," anito at napahinto rin nang mapansin si Chase sa garage na kasalukuyang inaayos ang sasakyan ko. Chase looked away from her at tinuon ang atensyon sa ginagawa. Mama didn't say anything at sinabayan ko na ito sa paghakbang papasok sa loob ng bahay. Inikot agad nito ang tingin pagpasok sa loob. I wasn't happy that she came without notice. She should have at least said na bibisita siya. Pero hindi na iyon bago. Noon pa man hilig niya na ang i-invade ang privacy namin ng anak niya. Kaliwa't kanan pa rin ang pagtingin nito sa buong bahay habang papunta kami sa living room. Tinitigan niya ang wedding portrait namin ni Tim na nakasabit pa rin sa dingding. "I'm happy to be back here. Parang nabisita ko na rin ang anak ko." Huminto ito nang masagi ng paa niya ang bag ni Eli na nakababa sa carpet. Napatingin siya roon at sa mga gamit nitong nasa mesa na hindi pa naaayos. "I see... dito pa rin pala nakatira ang kamag-anak mo at ang anak niya. They've been living here for so long. Wala ba silang pangbayad ng upa?" Hindi ako sumagot. It shouldn't matter to her. After all, bahay pa rin namin iyon ni Tim. I have the right to decide kung sino at hindi ko dapat patuluyin sa bahay na iyon. Akmang kukuhanin nito ang mga papel sa ibabaw ng mesa pero inunahan ko na siyang kunin ang mga iyon at isilid lahat sa bag ni Eli. "I should teach the kid to fix her stuff the next time," I said unemotionally. She never met Eli. Wala ito sa bahay noong huli siyang nagpunta. Wala rin akong planong ipaalam sa kanya na nakatira ang mga ito sa bahay, but she accidentally saw Chase noong nag-surprise visit siya. I was left no option. "Well, Alisia told me na nagkita kayo sa supermarket last time. We were expecting you to visit us at home pero hindi ka dumating. I just thought of visiting you here." "There have been many customers the past few months, Mama," casual na sambit ko. "Oh, that's great to hear. May pinagkakaabalahan ka at hindi mo masyadong naiisip si Tim." "Would you like some tea?" "I would love that." Iginiya ko muna siya sa garden habang ginagawa ko ang tsaa niya. Dinala ko iyon sa harap niya at umupo ako sa katapat na silya. Diretso ko itong tiningnan. Sumimsim ito roon pagkatapos ay tumingin rin sa mga mata ko. "How are you? Are you still seeing your psychologist?" "Do you have any news about Tracy... Mama?" I asked instead making sure na wala itong makikitang emosyon sa mga mata ko. "Oh, I visited her before we schedule our flight back here." She giggled softly. "She's fine, doing great with her—" Tumigil ito sa pagkukwento na tila ba masyado lang na-overwhelm pero hindi gustong madulas. Bahagyang umangat ang sulok ng labi ko habang nakatingin pa rin dito. "That's a lot of effort. You really bothered to travel from UK to Canada just to see her." She cleared her throat, and I saw how she composed herself. "You know... she's Tim's best friend. Para ko na rin siyang anak. Why... are you suddenly asking about her?" "I consider her as one of my closest friends too. I was thinking of visiting her. Is there something wrong with that?" Muli itong natigilan at tumawa nang alanganin. "Of course, none. I think she would love that. Anyway, we're planning to visit Tim's grave again on weekend, gusto mo bang sumama?" pag-iiba nito sa usapan. Hindi ako sumagot agad. I just wanted to see how she was able to fool me for so long. Bahagya itong ngumiti sa akin at inabot ang kamay ko. Marahan niya iyong hinaplos. "Hija, I know how much you love my son, and I am very thankful for that. Tim deserved the love you gave him. Napaka-swerte niya sa'yo." I didn't move. I didn't even blink habang nakatingin sa kanya. "I know it's been years at hindi mo pa rin siya nakakalimutan, and I know that no matter what happens, you will never replace him. No one can ever take his place in your heart, and I know you can never find someone better than him." My jaw automatically clenched. Noon ko lang na-realize that she sounded like his son. Always jealous, always controlling, always wanted to get all things just for them. I couldn't look at her the same way. I wasn't stupid para hindi malaman agad ang sagot sa mga tanong ko. I was stupid for believing their lies for very long years, but not anymore. We stayed there for almost an hour, and she was just talking about his son's greatness. I would love to hear that and agree kung hind lang nagbabaga ang dibdib ko sa lahat ng alam ko. I chose not to say anything because she won't like it if I did. Sinundan ko lang siya when she decided to go home. Malapit na kami sa living toom nang makita ko ang tumatakbong bata habang bumubungisngis at mukhang may tinatakbuhan. Hindi niya nakita ang daan niya kaya bumangga siya kay Mama. Naitukod niya ang maitim na kamay sa puting dress na suot nito. Bumakat agad doon ang dumi sa kamay niya. "What... the... heck," mariing sambit ni Mama habang nakatingin sa damit niya. Agad namang sunod-sunod na napalunok si Eli. "S-Sorry.... Grandma—" "'Wag mo akong tatawaging grandma!" agad sigaw nito sa kanya at marahas na kinuha ang braso niya. I was about to get my daughter from her pero naitulak niya na ito. "Eli!" narinig ko agad sigaw ni Chase at lumapit sa direksyon namin. Eli started crying out loud. Kusa namang nabuo sa kamao ang mga palad ko habang tinutulungan itong itayo ni Chase mula sa sahig. "Do you have any idea kung gaano kamahal ang damit na 'to, huh? You careless brat!" "Daddy..." she cried at nagtago sa likuran ni Chase. "I don't care how expensive your dress is. Wala kayong karapatang saktan ang bata," nanlilisik ang mga matang sambit nito. Mama chuckled in disbelief. "Anong karapatan mong pagtaadan ako ng boses, huh!? Baka nakakalimutan mo? Pamamahay 'to ng anak ko at nakikitira lang kayo dito. Ang kapal ng mukha mo!" "I have the right to shout at you because I have the right to react kapag sinasaktan ang anak ko!" he answered with gritted teeth. "Sino ka ba sa akala mo? You're really testing my patience, huh?" Nilapitan siya ni Mama at akmang sasampalin pero agad ko ring pinigilan ang kamay niya. Diretso akong tumingin sa mga mata niya habang nagtatangis ang mga bagang ko. "Enough," I said coldly. "I'll pay for your clothes." Matalim pa rin ang mga matang binawi nito ang kamay mula sa akin. "Palayasin mo ang mga hampas-lupang 'yan dito." She still tried to compose herself nang makasalubong ang mga mata ko. "Aalis na 'ko." Hinayaan ko siyang umalis. Hindi ko na siya hinatid pa sa gate. "Daddy..." "Are you okay? Let's wash your hands, and go to your room." Hinayaan ko lang ding umalis ang mga ito bago ako humakabang papunta sa bintana. Hinawi ko ang kurtina para tingnan ang sasakyan nitong papalayo. Pakiramdam ko ay lalong nagbaga ang dibdib ko. She never changed. I just stayed in the living room, nakaupo sa couch at diretsong nakatingin sa TV na noon ay nakapatay. I was trying to calm myself down. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandoon bago ko pinuntahan si Eli sa silid niya. Tulog na ito sa kaiiyak at bakas pa rin ang mga luha sa pisngi nito. I used to shout at her and push her away from me, but I didn't know that it would feel different seeing other people hurt your own daughter. I thought I would explode. May bakas pa rin ng dumi ang kamay niya. I guess it was the car paint na ginagamit ng daddy niya. She maybe played with it. Marahan kong tiningnan ang braso niya at sinilip iyon. Wala naman itong bruises pero may kaunting galos ang kanang siko niya na tumukod sa pagkakabagsak niya sa sahig. Mukhang nalagyan naman na iyon ng gamot ng daddy niya. Iniwan ko na rin ito at pumunta sa silid ko. I took a bath and dressed up to sleep. Hindi ko alam kung bakit sumilip pa ako sa glass wall para tingnan ang garage. It was almost ten at nandoon pa rin ito. He was still fixing my car. I didn't notice na matagal na akong nakatayo roon until mapansin kong nag-angat ito ng tingin sa direksyon ko. I absentmindedly closed the curtain but remained standing there.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD