Chapter 29

3160 Words
RIEL ABAD's POV __ "Handa ka na bang iwan ang pamilya mo kaya ka nakipagkita sa akin?" I raised an eyebrow at him. "Gunggong." Umangat ang sulok ng labi nito. "Oh, you just like a one-night-stand?" "Hindi ako interesasdo sa'yo. Interesado ako sa kwento mo. I want to know everything." "Ang bilis mo naman. P'wede bang mag-order muna ako ng kape?" Kusang umikot ang eyeballs ko nang magsimula na itong um-order sa waitress na tumagal pa dahil sinamahan niya ng kalandian. Lahat na lang ng may butas tipo niya. "Alam mo bang lalo kang gumaganda kapag nakabusangot ka?" he told me and I just gave him a bored look. I knew it wouldn't be easy to talk to him dahil wala naman siyang kwentang kausap eversince. Hinayaan ko lang magsawa siya sa pambobola niya hanggang sa ma-realize niyang never in my whole existence ko siya papatulan. "Ganito kasi 'yon," panimula nito. Bahagya akong umayos ng upo at diretso pa ring tumingin rito. "Si Chase matagal ko nang kilala. Magkatabi kaming nag-take ng entrace exam niyan. Hindi ko siya nakalimutan dahil siya ang nagpakopya sa akin para makapasok sa mamahaling uniberidad na 'yon. Well, I can say na close kami pero iba kami ng hilig. On our free time nag-aaral siya, ako naman nasa restroom, alam mo na..." nakangising anito. "Sa mga night club ko naman nakilala ang mga kaibigan ni Tim. They like me because I'm a bully like them. Hanngang sa makilala ko na rin si Tim. He's quiet, pero alam ng mga nakapaligid sa kanya kung ano talaga siya," nakangisi pa ring sambit nito. Sumimsim ito sa kape nang magbaba ang waitress ng order sa mesa namin. Sinundan niya pa ng tingin ang babae bago muling bumaling sa akin. "At sa pagkakaalam ko, nagkakilala naman ni Tim si Chase noong masiraan siya ng sasakyan. It was Chase who fixed his car. Siguro nagkwentuhan sila until kuhanin siyang personal tutor ni Tim dahil alam mo naman, may pagka-bobo 'yon. Kaya nga hindi sa kanya gustong ipamana ang kompanya nila. It was a secret from what I know. Hindi alam ng mga kaibigan niya na may tutor siya at hindi siya ang gumagawa ng mga projects niya. So basically, ako lang talaga ang may alam ng lahat," mayabang na sabit nito. "Hinayaan ko na lang na mag yabang siyang magaling at matalino siya dahil wala namang gustong galitin siya. He also didn't want his friends or everyone to know na magkaibigan sila dahil ang mga elitista na katulad nila, allergic sa mahihirap at mukhang mahirap. Well, I was an exception because I can dress up and talk like them. Isa pa, kayang-kaya ko silang paikutin. I benefited from them. At least libre ang ala ko gabi-gabi." Ano pa nga ba? Mukha naman talaga siyang scammer. Sa dami niyang nautong babae, hindi na ako magtataka. It was one of the reasons kung bakit hindi ako komportable sa tuwing isasama ako ni Lia. Alam kong mga matapobre sila at hindi nila kami gusto. Sadyang hindi lang nila makanti si Lia dahil takot sila kay Tim. "'Yang si Chase naman, bobo din 'yan." Tinaasan ko ito ng kilay. I couldn't believe he insulted him like that. "Lahat na lang ng gusto ni Tim sinunod niya. Well, I couldn't blame his kindness. Akala niya kasi pure ang friendship nila since tinutulungan din naman siya ni Tim sa mga kailangan niya. It was just that... he didn't know na unti-unti na siyang minamanipula ni Tim, and that he was building that 'utang na loob' to use against him in the future." "Aren't you just jealous? Hindi ako ang bff niya?" "Well, kaunti," diretsang sagot nito at tumawa. "I never stopped reminding him. Hindi lang talaga siya nakinig. I know even until now he's considering Tim as his best friend. Ito na nga ang pinaka-tangang ginawa niya, gusto mong malaman?" "Say it." He chuckled. "He never stopped talking about Lia noong magkita sila sa cafeteria. Hinanap niya 'yung pangalan niya sa buong campus and then he started knowing everything about her. He was like a stalker." Lalo pa akong naging interesado sa kwento nito at pakiramdam ko nag-iinit na ang puwitan ko sa pagkakaupo. "Lia, Lia, Lia, f*****g everywhere. May times na gusto ko na siyang sapakin dahi gustong-gusto niya pero hindi niya malapitan. Ang daming babeng nagkakagusto sa kanya kahit magkakamukha lang halos damit niya araw-araw. I had to built his confidence. I even arranged a one-night-stand for him. Kaya lang when he was starting to build his confidence... someone was building an evil plan na pala. Do you wanna hear a fun fact?" Muli itong uminom sa kape niya at ngumisi pa rin sa akin. "Hindi naman talaga gusto ni Tim si Lia." Hindi ko alam kung paniniwalan ko pa ito sa parteng iyon. Maybe yes, because he cheated on her, pero sa nakita ko sa kanya the past years noong buhay pa siya, I could say that he really loved her. "He was ill. Sick in the head. Two-faced Moron." "What are you talking about?" "Intersting, right?" he again said smirking at me. Tim is manipulative, narcissistic, selfish son of a b***h. He was a bipolar too. Mabilis magbago ang mood niya. Gusto niya lahat ng bagay sang-ayon sa gusto niya. Gusto niya siya ang bida. Gusto niya siya ang tama, siya ang masusunod, at gusto niyang makuha lahat ng bagay na meron ang iba. In short, nainggit lang siya. Hindi niya gustong makitang mas masaya ang kaibigan niya at mas magaling ang kaibigan niya sa kanya. He had to stand out wala siyang pakialam kung paano. He had to get everything you have para maramdaman niyang mas magaling siya at mataas siya. I couldn't blame Lia too kung nahulog siya. Tim was so good at faking everything. Only his friends know kung anong nagtatago sa maamong mukha niya." "Well, I sensed him. I felt his rotting soul. I doubt that Tim didn't love her at all." "Hmm, possible na minahal na rin siya ni Tim eventually or bago pa siya pakasalan. Ang point ko lang, sinulot niya lang si Lia for the sake of his ego. She's his trophy against Chase dahil insecure siya. And anyway, 'yan ang gusto ko sa'yo eh, magaling kang mangilatis ng tao. Bakit hindi mo ako pakasalan?" "Kaya nga hindi kita gusto." Muli itong napatawa nang mahina. "That's mean." "What else? Bakit hindi pinursue ni Chase si Lia?" "As Ive said, someone made an evil plan. Tim told him na tutulong siya. He would be friends with Lia hanggang sa ayon, nabudol na siya. Sinabi na lang sa kanya ni Tim Lia fell in love with him instead and emphasize na ang tipo niya ang gusto nito at hindi ang tipo ni Chase. Ayun na nga, nag-date na sila. Chase wanted to do something, but Tim told him na maging masaya na lang for them and warned him to stay away from her. Hindi ko alam kung ano pang sinabi niya kay Chase. Nahirapan na akong kausapin siya after that." "So Chase didn't do anything na talaga?" "May ginawa naman siya. Taga-bili ng bulaklak, taga-luto ng pagkaing ibibigay sa kanya ni Tim, taga-bili ng cake, taga compose ng apology letter sa tuwing mag-aaway sila. I told you, bobo siya." I almost groaned in disbelief. "N-Nakaya niya 'yon? Nakaya niyang hanggang ganoon lang siya?" "Insecure din si Chase sa sarili niya kaya nga hindi niya rin malapitan si Lia kasi nakikita niya rin 'yung mga manliligaw. Pakiramdam niya talo na agad siya. And who said kinaya niya? He was so down. Bumaba grades niya at nawalan siya ng scholarship. Hindi na siya sinalo ni Tim dahil threat na ang tingin sa kanya. Hindi na rin siya nakapasok sa ibang university dahil wala na siyang gana. Nagpatuloy lang siyang maging utusan ni Tim dahil si Lia pa rin ang tumatanggap ng lahat ng effort niya. Pakiramdam niya parang siya na rin mismo ang nagbigya kay Lia. He was really that crazy over her. Just imagine noong nagpakasal sila. He really almost lose himself. He was so broken." Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. I couldn't imagine that. "He... really loved her that much kahit never pa silang nag-usap?" "Well, except sa first meeting nila sa cafeteria, yeah... she was part of his life. Araw-araw niyang sinusundan and he knew everything about her. At siguro mas masakit o mas mahirap kalimutan na wala kang nagawa. Hindi mo nasubukan. Walang hi, walang goodbye at all. Maybe he was full of guilt. He was full of what ifs." Inubos nito ang kape niya and pursed his lips. "Nga pala, may balita ka ba sa kanya?" I sighed. "Yeah..." "Alam mo kung saan siya tumutuloy?"' CHASE KARSON MANJARES' POV __ "Nak, 'wag mong hawakan, madumi 'yan." Sambit ko nang hawakan nito ang mga tools na ginagamit ko sa paggawa ng sasakyan. "I wanna play, daddy." "Play with Uncle Tonik. We'll go home in an hour." "Come here, Eli. Subukan natin 'tong kotse kung gumagana na," tawag nito sa kanya. "Coming!" Kukuhanin ko sa sana ang iba pang tools na kailangan ko nang mapansin ko ang taong nakatayo sa harapan ko. I was quite surprised. Unti-unting nabuo ang ngiti at excitement sa mukha nito. "Chase!" humahagikgik itong yumakap sa akin. "Bro, long time no see!" Hinayaan ko lang ito at hindi ko na tinapik ang balikat niya dhil madumi pa ang kamay ko. "Kumusta ka na? Tangina, ang g'wapo mo pa rin! Ilan babae mo, ha?" "Kailan ka pa nakauwi?" malumanay na tanong ko rito. "Nu'ng isang linggo lang. Sa'yo ba 'to?" Tukoy nito sa talyer. "Hindi... trabahador lang ako dito." "Sabi ko naman kasi sa'yo sumama ka na sa akin sa Canada noon. May house and lot na ako at tasaka sasakyan. Ayos ba?" I smiled at him. "I'm happy for you." "Daddy," Naramdamn ko ang batang pumalupot sa hita ko. "Who is he?" Agad itong tiningnan ni Wayne. "Uy, may anak ka na pala?" "Yeah..." "Teka..." he bent down slightly at tinitigan ang anak ko. "May kamukha." "Hi, I'm Eli..." "Short for... Eliza?" Agad umangat si Wayne at hindi makapaniwalang tumingin sa mga mata ko. Nang ma-realize na tama siya ay agad itong humagikgik nang malakas at mabilis akong niyakap. "Akala ko torpe ka, bro! Ibang klase ka pala! Idol!" Mahigpit nitong kinuha ang balikat ko habang nakangisi pa ring nakatingin sa akin. "Walang pera pero may anak kay Lia." Tuwang-tuwa ito at nagpakilala agad sa anak ko. Pinakilala niya rin ang sarili niya sa buong katrabaho ko. Tila hindi siya gusto ng mga ito sa umpisa dahil na rin siguro masaydo siyang maraming sinabi pero nang ayain niyang mag-club at libre niya ay nagsigawan agad ang mga ito at kinamayan siya. "Ano, sama ka?" tanong nito sa akin. "May trabaho pa ako..." "Sumama ka na, Chase. Pahinga mo rin 'yan," ani Kaloy. "Eli's my rest." Mas gusto ko pang samahan o alagaan lang ito kaysa ang lumabas at mag-inom. "I'm fine, daddy. Please go with them and have fun!" "Oh, kitams? May approval na sa bata, tara na, bro. Ngayon lang tayo nagkita, hindi mo pa ako pagbibigyan?" Humugot ako ng malalim na hininga. "Pagkatapos ng work niyo, susunduin ko kayo." "Tatakas muna ako sa asawa ko. Susunod na lang ako," ani Kaloy. "Papatulugin ko muna si Eli," sabi ko rito. He smiled widely at me. "Kumusta kayo ni Lia, huh? Ibang klase ka na ngayon, ha? Siguro inanakan mo ng ng sampu, no?" Hindi na ako umimik pa. Hindi na rin umimik sina Kaloy. Ayokong pag-usapan si Lia roon at sa ganoong pagkakataon. Wala pa rin si Lia sa bahay pag-uwi namin. Napatulog ko na rin si Eli at paalis na rin ako ng bahay pero hindi ko pa rin nakita ang sasakyan nito sa garage. Hindi na ako nagpasundo pa kay Wayne dahil halos mag-aalas nueve na nang mapatulog ko si Eli. Sumunod na lang ako sa club na sinasabi niya. Nakita ko na ang table nila Kaloy pero nakita ko rin sa ibang direksyon si Wayne tila may kausap doon. Sumenyas na muna ko kina Kaloy na susunod ako roon. Nilapitan ko muna si Wayne dahil sa totoo lang ay gusto ko itong makausap. Ilang taon din kaming hindi nagkita. "Look who's here," nakangising sambit nito sa akin at nilahad ang hawak niyang baso sa couch. Wala sa loob na tumingin ako roon at literal na natigilan ako nang... makita ko si Lia. She was with her friends—Tim's friends. Hindi ko nakita si Riel. "Oh, your cousin's here?" sambit ng isa sa mga ito kay Lia. I absentmidely gulped something down my throat. Hindi ko inaasahang makikita ang mga ito roon. "Cousin?" tanong ni Wayne at bumaling sa akin. "He's Lia's cousin living with her sa house nila ni Tim. Right, Lia?" Wayne chuckled at tinapik ang balikat ko. "Cousin, huh? So... ladies, nandoon lang ang table namin sa kabila. You may join us if you please." Inakbayan ako nito at sinimulang hilahin. Sandali ko pang nasulyapan ang mga mata ni Lia na noon ay nakatingin din sa akin. Nag-order ng maraming alak si Wayne sa table namin. Hindi ako sanay uminom pero tumikim pa rin ako. "Lia introduced you as her cousin to everyone?" pabulong na tanong nito sa akin. "f**k, that's mean." Hindi na iyon bago sa akin kaya naman hindi na ako apektado. Nasanay na ako sa kung anong ipinapakita niya sa akin. "Let's talk some other time. Let's just enjoy this night," muling sabi nito. Paulit-ulit ko pa ring tiningnan ang direksyon ng mga ito. I would always look away sa tuwing makasalubong ko ang mata niya. Hindi ko alam kung bakit nagsisikip na naman ang dibdib ko. Marami na ring naiinom ang mga ito at mabilis nilang nakasundo si Wayne lalo na sa kabastusan at sa mga babae. Hindi ko rin namalayan agad ang paglapit sa amin ng mga kaibigna ni Tim. Napatingin ako sa table nila kanina. Naiwan mag-isa doon si Lia habang umiinom lang ng alak sa baso niya. "He's your friend pala, Wayne?" one of them asked. "Oh, Chase? Yeah... why? Type mo?" "Hmm, he's hot, but I don't like his job. Turn off." "Turn off mo mukha mo!" sigaw rito ni Zed. Mabuti na lang at hindi niya ito pinansin. Wayne just smitked at her. "I guess you wouldn't mind naman 'yung isang gabi, hindi ba? Baka magustuhan mo, hindi mo na tigilan. Hindi naman siguro magagalit 'yung PINSAN niya." "Yeah, I don't think Lia would mind. I just also don't like the idea na may anak na siya." "So why are you here?" The woman chuckled. "Just asking." "Come on, if you wanna taste something, taste it before it's too late." Kahit kailan ay puro talaga ito kalokohan. Tumayo ako para magpunta ng rest room dahil hindi irin naman ako sanay na nakikita at nakakasama ang mga ito. Naiintindihan ko rin naman na lasing na ang mga ito. "You don't want him? I'll try him," sambit ng isa pa sa mga kasama nito pagkatapos ay lumapit sa akin. Eveything happened too fast. Nakuha agad nito ang batok ko pagkatapos ay nilapat ang mga labi niya sa mga labi ko. I was so surprised. Hindi na iyon bago sa akin dahil marami naman talagang gumagawa no'n sa bar kung saan ako nagtatrabaho, but I just really didn't expect that. Sinubukan ko itong ilayo sa akin. "You have a soft lips," she whispered at muli akong siniil ng halik. I was still trying to get her off me nang bigla na lang siyang lumayo. I didn't know that someone had grabbed her arm and slapped her. I was more surprised to see that it was Lia. Literal na hindi ako nagalaw nang lapitan niya pa ang dalawa at binigyan din ang mga ito nang malalaks na sampal. "What the heck!?" Hindi makapaniwalang sambit ng isa sa mga ito. "Liars..." she said with her eyes burning in anger. Binigyan pa ako nito ng matalim na tingin bago tuluyang humakabang palayo. Sinundan ko lang ito ng tingin na may kabog pa rin sa dibdib ko. She looked drunk. "Woah..." Wayne whispered. "I guess she has been looking for the right timing to slap the s**t out of them." Natatawang anito. "What the hell is wrong with her?" hindi pa rin mapaniwalang sambit ng isa na nakahawak pa rin sa pisngi niyang sinampal nito. "Well, maybe she knows something you also know," nakangising sagot ni Wayne at sumimsim ng alak sa hawak niyang baso. Humugot ako ng malalim na hininga. "I'll go home, now." "Chase!" Tawag pa sa akin ng mga ito habang palabas ako ng club. Hindi ko na nakita ang sasakyan ni Lia. Naglakad na lang ako hanggnag sa kanto para mag-abang ng jeep. I knew she was drunk. I jut wanted to make sure na nasa bahay rin ako pag-uwi nito dahil baka mapag-initan niya si Eli kung sakaling magising ito. Alam ko kung anong pinagdadaanan niya at ayokong madamay pa ang anak naming dalawa. Binilisan ko ang hakbang ko nang makita ko ang sasakyan niyang pumasok sa gate. May kalayuan pa ako nang makarinig ako ng malakas na kalabog at alarm. Tinakbo ko na ang distansya hanggang sa makarating ako ng bahay. Nakita ko ang saskayan nito na nakabangga sa pader. Tila nasobrahan siya sa pagpa-parking. Agad ko naman siyang sinilip sa loob. Nakadukdok na siya sa manibela. "Damn..." I whispered before opening the door of her car. "Lia..." I almost groaned nang kuhanin ko ang pisngi nito. May galos ang noo niya sa pagkakabangga and she couldn't open her eyes properly sa sobrang kalasingan. "Daddy, what happened?" agad tanong ni Eli na nasa liuran ko na pala. Siguradong nagising siya sa lakas ng kalabog. Binuhat ko si Lia palabas ng sasakyan niya at nagmadali akong ipasok siya sa kwarto niya. Tila alam naman ng anak ko kung anong gagwin at naabutan agad ko ng first aid kit. She was awake, pero siguro ay lalo itong nakaramdam ng hilo nang mabangga siya. Marahan kong dinampian ng gamot ang maliit na sugat sa giliid ng noo nito. "Daddy, please tell me Mommy's not dead." "She's not. This is just a small wound." Agad itong napasinghap. "Alright! I can calm down now!" Kumuha ako ng isa sa mga printed bandage ni Eli at marahan iyong iniligay sa sugat niya. Mabuti na lang at sa garage lang siya bumangga at mabuti na lang ay nagawa niya pang magmaneho pauwi. I was about to move away pero naramdanab ko ang paggapang ng kamay niya sa kamay kong nakasuporta sa ibabaw ng kama. Her eyes was half open. Hindi agad ako nakagalaw and I just looked at her, still that close. Isinalop niya ang mga daliri sa akin bago ko nakitang unti-unting pumikit ang mga mata niya. Wala sa loob na sinundan ko ng tingin ang kamay naming dalawa. Sa pagkakataong iyon, hindi ako sigurado kung anong nararamdamn ng dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD