Chapter 28

1739 Words
LIA ELIZA ALFARO's POV __ "It's a surprise to see you here, Mrs. Libreza." Umupo ako sa couch. Lumapit naman ito sa akin na may hawak na papel at ballpen pagkatapos ay umupo rin sa tapat ko. "Nice to see you again, doc," ani Riel rito at inabot ang kamay nito. "I'm impressed, Ms. Abad. Mukhang nagtagumpay ka ring pilitin siya." "Ay, hindi ho, doc. Kusang loob niya 'to." Hindi ko na pinansin ang maraming paligoy-ligoy nito. I told her my issues and I just listened to her explanation. "If we are depressed and stressed, we really tend to struggle to manage our emotions. We're impulsive, easily irritated, and upset. In your case, I would have to check up on you again dahil matagal na noong huling na-diagnose kita with severe depression." "I don't need another test. That would be a waste of time." "Well, I guess from that statement, I can conclude na walang nagbago. Well, Mrs. Libreza, or Ms. Alfaro, if I may, depression doesn't just go away over time. You have to help yourself. You need help from professionals and people around you. You need acceptance, and you need to give yourself time. There are a lot of steps to take. Not because you went here means you'll be better tomorrow. You should be committed to getting better if that's what you want. If you are interested, you can have an appointment with me at least twice a month or once a week if you don't have a tight schedule." Riel and I stayed in her office for almost two hours. She said a lot. To be honest, hindi ko alam kung bakit ako nagpunta doon when I knew to myself that I was really losing my mind. I was a bit stupid for wanting a confirmation. "Drop me at Thrown's Restaurant." "Hindi Ako kasama? Eat alone ka, gorl?" tanong nito habang minamaneho ang sasakyan ko. "Fetch Eli at school, if you don't mind." "Why?" she asked. "Are you going to meet someone?" Tumingin ako sa labas ng bintana. "I'll meet him." "Him?" she asked curiously. Tila inisip pa nitong mabuti kung sino ang tinutukoy ko. She groaned when she realized it. "OMG, Wayne? Why?" Muli kong hindi sinagot ang tanong nito. "Don't tell me naghalungkat ka at may nakita ka? I knew you would do that for the sake of your peace of mind." Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko habang nakatingin sa labas ng bintana. I couldn't answer that. "Gosh..." she whispered, considering my silence as a yes. "So it was true? Wayne didn't lie? Tim cheated on you?" Pinikit ko ang mga mata ko as I heard that. She groaned in frustration. "I knew it. Now I know kung bakit never ko siyang nagustuhan para sa'yo. You know that I never trusted him, right? Sinabi ko na nga ba. I should always follow my gut feeling. At 'yung babaeng 'yon? She also acted na para siyang maamong santa na very supportive sa inyong dalawa, iyon pala inaahas na ang asawa mo. Humanda talaga siya sa akin kapag may pamasahe na ako papuntang Canada. Uubusin ko talaga ang buhok niya." She didn't stop talking habang nasa byahe kaming dalawa. She ranted about me being friends with them kahit ilang beses niya na akong binigyan ng warning. She concluded na alam ng mga kaibigan nila from the beginning, but chose not to tell me. "Pwede bang hukayin ko ang puntod niya? Sasampalin ko lang siya." I was still trying to figure out kung anong dapat maramdaman ko. RIEL ABAD's POV __ "Where's mommy, Ninang?" tanong agad nito sa akin pagkatapos akong yakain at tingnan ang paligid niya. "She meets someone. She told me to pick you up." Napansin ko rin naman agad ang pagdating ni Chase kasama ang kapit-bahay nila. Medyo pinroess ko pa ang thought na magkasabay silang nagpunta ng school. "I didn't know you'll pick up Eli, Chase. Inutusan lang ako ni Lia na sunduin siya." "It's okay, Ninang," anito at humawak sa kamay ko. "Let's eat ice cream and meet mommy!" "I wanna go!" agad sabi ni Xeri at kumapit na rin sa kabilang kamay ko. Wala namang probelama kung kumain ako kasabay ang mga ito. I was comfortable naman with Reni. Sa totoo nga ay magka-usap na kami nito lagi dahil sa in-o-offer ko sa kanyang mga properties. She was very kind at magaan kausap. I could feel hoe professional she was. Nalaman ko rin na pinagmamaneho pala siya ni Chase kaya sila magkasama. Dahil iyon sa utang niya ritong pinagbayad sa tuition ni Eli. Tingnan mo nga naman ang kagagahan ng kaibigan ko. Perwisyo ang dulot. Sinundan ko lang ang sasakyan nila dahil parehas lang naman kami ng uuwian pagkatapos naming kumain sa labas. "Eli, hinahatid at sinusundo ka na pala ni mommy sa school, regularly?" "Yes, Ninang," nakangiting sagot nito habang nakatingin sa akin sa rear-view-mirror. Napangisi ako. "Really, huh?" "Ninang, how's mommy? Is she okay?" "I think no. Mukhang ilang linggo na siyang nilalagnat," muling nakangising sagot ko. Pagdating namin ng bahay nila, pinakita niya agad sa akin ang mga laruan niya at si Mommy bear na binili daw nila ni Lia sa mall. Katabi niya raw iyon lagi sa pagtulog. Napangiti na lang ako sa sobrang dami nitong kwento. Ayaw niya pang mag-shower at magbihis ng uniform niya. I also couldn't believe na nagkaroon ng oras ang maldita kong kaibigan para makipag-bonding sa kanya. Kitang-kita ko ang kislap sa mga mata niya habang kinukwento sa akin ang mga bagay ni ginawa niya with her mom. "Uhm, Chase..." sambit ko pagkatapos nitong magpaalam kay Eli na papasok na sa trabaho. Bumaling naman ito sa akin na tila hnihintay ang sasabihin ko. "Are you familiar with... Wayne Flores?" Ilang segundo bago ito tumango. "He's my friend." "Oh... really?" I whispered. "Just asking. Ingat. Ako nang bahala kay Eli." "Thank you so much, Riel." Binigyan ko lang ito nang matamis na ngiti. Humabol pa si Eli sa kanya kahit napuno niya na ito ng halik. I wished talaga na sa susunod na magka-anak ako ay maging ganoon rin kalambing. I wouldn't mind kung masyadong madaldal. Nakipaglaro ako sa kanya habang hinihintay namin si Lia sa living room. Narinig niya pa lang ang sasakyang huminto sa labas, inayos niya na agad ang mga nakakalat niyang laruan pagkatapos ay kinuha ang papel na ibibigay niya sa mommy niya. Sinundan ko ito papunta main door. "Mommy!" she excitedly said nang makita itong pumasok sa pinto. "Look! I draw flowers for you!" Mukhang malalim pa rin ang iniisip nito at tila wala pa rin sa sarili. Tiningnan niya lang ang anak niya pagkatapos ay nilagpasan ito. Hindi naman binaba ni Eli ang kamay sa ere habang bakas na bakas ang lungkot sa mukha nito. Muntik ko nang balibagin ng sapatos ang kaibigan kong bruhilda pero buti na lang at bumalik ito at kinuha ang papel na inabot ni Eli. "Thank you," she said before walking away. Napalitan naman agad ng ngiti ang mga labi ni Eli. Masaya na siyang kinuha nito ang pinaghirapan niya. Masaya naman din ako na marunong na itong magpasalamat sa anak niya at kahit papaano ay natuto nang hindi balewalain ang effort nito. Well, I just hoped it was sincere. Dumiretso siya sa silid niya. Nagluto si Chase bago umalis pero mukhang wala itong planong kumain. Tinulungan ko na muna si Eli sa homework niya pagkatapos ay dinala ko na siya sa bed niya para patulugin. I went to Lia's room after. Hindi pa ito nakakapagpalit ng damit. Nakatayo lang siya sa harap ng glass wall habang may hawak na baso ng wine na noon ay marahan niyang hinahaplos. I guess, hindi nito namalayan ang pagpasok ko at paglapit ko sa kanya dahil tila malayo ang tingin nito at malalim ang iniisip. "Bes... nakapag-usap kayo ni Wayne?" I asked. "What did he tell you?" Bukod sa tsismosa ako, I was really curious. "You know what, kanina ko pa iniisip... I know almost everyone sa batch natin, but I really couldn't remember Chase. It's also a bit weird to think na iisa lang ang circle of friends nila ni Tim at Wayne pero hindi natin siya kilala. I mean... I was bothered sa sinabi niya last time na hindi iyon hinayaang mangyari ni Tim." She didn't say anything kaya naman lalo akong nakaramdam ng curiousity. "And don't you think it's weird na they are best friends, but Tim never introduced him to you? What really happened?" Sumimsim ito sa baso ng wine na hawak at hindi nag-abalang tingnan ako o sagutin ang tanong ko. "Ayaw mong sabihin sa akin, ha?" I told her raising an eyebrow. "P'wes, I'll meet him too. Alang-ala sa tsismis." LIA ELIZA ALFARO's POV __ I could still remember the first time I met him. It was raining. Wala akong ibang panangga sa ulan kung hindi ang dala kong libro. Tumatakbo ako sa field papunta sa silong. Dumating siya pero wala siyang dalang payong. Ang tanging dala niya lang ay iyong coat niya na tinabing niya sa ulo naming dalawa. He wasn't a stranger to me. Nakikita ko na siya noon sa campus because he was quite popular. Isa siya sa may pinaka-mayamang pamilyang nag-aaral sa unibersidad na iyon. What was strange to me ay ang mismong paglapit nito. I couldn't forget that smile he gave me bago kami tumakbo muli hanggang sa makasilong sa tabi ng isang class room. He told me his name and told him mine. Ang sabi niya kilala niya ako. Ako iyong parati niyang nakikita sa isang coffee shop sa labas ng campus na madalas mag-order ng lemon tart. I was surprised because I thought si Riel lang ang may alam. Akala ko ito lang ang may alam na paborito ko ang lugar na iyon because it was my dream to also own that kind of place and sell my own pastries. He started seeing me. We started to make memories with each other. Hindi ko makakalimutan ang bulaklak na papel na parati niyang binibigay sa akin. He amazed me by knowing eveything about me. Alam niya kung anong gusto ko. Alam niya kung ano ang hindi. Dahan-dahan kong pinaikot ang bulaklak na papel sa pagitan ng mga daliri ko habang nakatingin lang doon. I kept them, because they were one of my favorites. One of my memories with him. But it turned out... even it... was a lie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD