Chapter 27

1730 Words
CHASE KARSON MANJARES' POV __ "I thought your mommy's helping you with your homework?" malumanay na tanong ko habang nakatingin sa assignment notebook niya na maraming maling sagot. I mean... hindi naman sobrang dami pero unsual lang na higit sa dalawa ang mali niya. "Mommy said it's okay to make mistakes. I answered that again in our last quiz, daddy. I didn't forget all my mistakes, and I perfected the quiz." "Really?" "Daddy..." mahinang sambit nito at tumayo sa harapan ko. "I think Mommy's not feeling well." Marahan kong hinawi ang ilang hibla ng buhok niya. "Don't worry about her. She's fine." I just told her na baka stressed lang ito sa bakeshop dahil malapit na namana ng peak season. Nilinis ko ang opisina ni Tim. Hindi ako sigurado sa dahilan, pero sa tingin ko alam ko na kung bakit. Hindi siya nakatulog kagabi. She was worried about her mom. Hindi rin siya sinundo nito sa school. I wanted to stay in the house pero kailangan kong pumasok sa bar dahil pinag-iinitan na ako ni boss sa mga abecences ko. Pumapasok na lang ako nang maaga para makabawi sa mga hindi ko naipasok at para na rin payagan ako nitong umuwi nang maaga kapag may emergency. Pinagluto ko sila bago ako nag-prepare sa trabaho. Sinara ko ang glass door sa balcony dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. "After doing your homework, go to bed, okay?" "Okay, daddy. I'll drink my milk." "That's good. I love you." "I love you daddy!" anito at pinuno ng halik ang mga labi ko at ang mukha ko. Bago ako lumabas ng bahay, nakita ko pa si Lia na nakaupo sa isa sa mga silya sa garden habang nakatingin sa kawalan. I knew she wasn't feeling fine. Hunugot na lang ako ng malalim na hininga. LIA ELIZA ALFARO's POV __ "Mommy, I turned on the lights. It's already dark here. Won't you eat dinner?" Hindi ako nag-abalang sagutin ito. She stayed quiet for a while bago siya muling magsalita. "Mommy, I'll do my homework. I'll try my best to answer it." Tumakbo ito papasok sa loob ng bahay. I was too preoccupied na noon ko lang napansin na madilim na ang paligid at malakas pa rin ang ulan. I stood up para sundan siya sa living room. Nakaupo na siya sa carpet hawak ang lapis niya. Tumingala ito sa akin na may malapad na ngiti sa mga labi. "Mommy, look. I'm drawing a pig!" Sinulyapan ko lang iyon. Umupo ako sa carpet para tingnan ang homework niya. I wanted to act normal like nothing happened. Just like the other days, hinayaan kong gawin niyang mag-isa ang homework niya. Habang nagdo-drawing ay nagku-kwento ito. "Mommy, we went to a food stall earlier. We ate pares and sisig and then we went to an ice cream shop. Mommy, I missed eating there with daddy, Xeri, and Ms. Reni. I had fun!" Kinuha ko ang d-in-rawing niya. Hindi ko pinansin ang sinabi nito, but she didn't stop talking. "And look!" Pinakita niya sa akin ang buhok niya na may bagong hairpin. Unang tingin pa lang I knew it wasn't ordinary. I knew it was expensive. "Ms. Reni braided my hair ang gave me her hairpin," nakangiting anito. "Mommy, you should meet her or be friends with her too. She's so kind and thoughtful. She always cooks merienda for Xeri and me. I know you'll like her too, like how daddy and I like her so mu—" "I don't wanna hear anything about anyone," malamig na sambit ko na agad ikinatigil nito. "Do you understand?" Tumingin lang ito sa akin na may iba't-ibang emosyon sa mga mata. Hindi na ito umimik pa at hindi rin pinagpatuloy ang ginagawa. She just looked at me. Lumapit ako nang bahagya sa kanya para ilapit ang notebook niya pero umusog ito palayo sa akin like she was scared. My jaw clenched at sinalubong ang mga mata niya. Sandali kaming kinain ng katahimikan. "Come here," malamig na utos ko. Hindi ito lumapit sa akin. Nanatili itong nakatingin habang napupuno ng takot at pangamba ang mga mata niya. "I won't... say anything about anyone anymore, mo—" "I said come here," muling malamig na sambit ko. Bahagya itong napapitlag sa tono ko at unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya na pilit niyang pinigilan pero bumagsak ang mga iyon. She cried out loud. "Sorry, Mommy," she immediately apologized. "Please don't get mad. I'm scared." "Stop crying," I ordered authoritatively. Sa halip na tumahan ay lalo pa itong umiyak na lalong bumuhay ng apoy sa dibdib ko. I didn't like the sound of her cry at wala akong nakikitang dahilan para umiyak siya. "I told you to stop crying." She really didn't stop. Parang sirang plaka ang iyak nito na paulit-ulit sa isip ko. "I said stop crying!" I shouted. Kinuha ko ang braso niya patayo at sinimulan siyang hilahin. "Mommy!" She cried. "Mommy, you're holding me tight. It hurts!" Pakiramdam ko ay nagbabaga ang didbib ko sa mga sandaling iyon. I couldn't find myself again. Hindi ko pinakinggan ang pakiusap niya at ang iyak niya. Mahigpit ko pa ring hawak ang braso niya habang hinihila siya papunta sa pinto sa likuran. Binuksan ko iyon at marahas siyang binitiwan sa labas. I didn't mind kung malakas ang ulan. Sinara ko agad ang pintuan na mabilis niyang kinalampag. "Mommy, it's cold here!" she again cried. I still tried to control my breathing habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko. She kept banging the door and calling me to let her in. I couldn't control my mind. Paulit-ulit ang nakaraan sa isip ko. I lost myself. I knew I lost myself from the day he died. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Nakalimutan 'yung sarili ko. Bumalik ulit sa akin ang mga alaalang kasama ko pa ito. I hated myself na hindi ko man lang nalaman. Hindi ko man lang naramdaman. I trusted him so much because I thought he became a good husband to me. That was he made me see. Eveything didn't make sense again anymore. Pakiramdam ko mas lalo akong nawalan ng dahilan para magpatuloy. It was just too painful na nakalimutan ko na rin kung paano maging masaya. Pakiramdam ko hindi na ako 'yung ako. The old Lia was already gone. "Mommy, please open the door!" I heard her voice again on my head. Narinig ko ang malakas na ulan sa labas, ang malakas na kulog at kidlat. Pakiramdam ko may kung anong bumasag sa lahat ng kabaliwan ko. Tiningnan ko ang pintuan kasabay ng pag-agos ng likido sa pisngi ko. Patuloy pa rin iyon sa paggaw habang sumisigaw ito sa labas. Kusang gumalaw ang mga paa ko at ang mga kamay ko para buksan ang pinto. "Mommy!" she cried. Mabilis siyang yumakap sa akin nang umupo ako para magpantay kami. "Mommy, sorry. Sorry, Mommy," paulit-ulit na sambit niya habang malakas pa rin ang paghikbi. Tuluyan nang bumuhos ang luha ko habang nararamdam ko ang basang katawan niyang bumasa na rin sa damit ko... habang nararamdam ko kung paano manginig ang buong katawan niya sa lamig. I didn't hold back my tears. Sinabayan ko siya sa paghikbi habang mahigpit na nakayakap sa kanya at nakahawak sa ulunan niyang basang-basa. "I'm sorry..." I tried to say between my sob. "I'm sorry." "Sorry, Mommy. Sorry, Mommy," paulit-ulit pa ring sambit nito habang nakayap rin nang mahigpit sa akin at malakas na umiiyak. Nagpatuloy din ako sa paghikbi sa iba't-ibang dahilan. Sa iba't-ibang pakiramdam. It was so hard... hard that I couldn't even understand myself. Pakiramdam ko durog na durog na ang puso ko and I could never fix that again. CHASE KARSON MANJARES' POV __ Agad akong tumakbo nang makababa ako sa jeep para sumilong sandali. Malakas pa rin ang ulan at nasira ang dala kong payong papasok sa bar kanina. I just breathe. Nilagay ko rin ang bag sa ulunan ko panangga bago ako muling tumakbo sa gitna ng ulan. Malayo pa ang bahay. Kailangan ko pang pumasok sa village pero tinakbo ko pa rin iyon dahil wala na akong masasakyang trycicle. Alas dos na kasi ng madaling araw. Basang-basa pa rin ako pagpasok ko sa loob ng bahay. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga habang sinusubukang tuyuin ang sarili ko. I was expecting to see Eli pag pasok ko ng silid pero hindi ko ito nakita roon. I immediately panicked dahil tulog na ito sa ganoong oras at kapag hinihintay naman niya ako, nasa living room lang siya. Agad akong nagtungo sa kusina. Hindi ko rin ito nakita roon kaya naman lalo pang kumabog ang dibdib ko. Hinanap ko siya sa buong bahay, but I still didn't see her. Huminto ako sa harap ng isang pinto. Ang silid na lang nito ang hindi ko napupuntahan. I already taught Eli not to enter her room dahil ikinagagalit niya iyon. Iyon ang huling parte ng bahay na hahanapin ko siya. I was already worried. Wala na akong pakialam kung ma-invade ko ang privacy niya o kung magalit pa siya. Pumasok agad ako sa loob. Napahinto rin ako agad nang... makita ko si Eli sa ibabaw ng kama niya. Nakaunan ito sa dibdib niya habang nakayakap sa kanya. Naramdaman ko ang unti-unting paghupa ng kabog sa dibdib ko. Ilang sandali bago ako marahang lumapit sa mga ito. Tila parehas nang mahimbing ang tulog nilang dalawa. Matagal rin noong huling beses na nakita ko silang magkatabing natutulog nang mahimbing. Bata pa si Eli no'n. Hindi niya pa naiintindihan ang maraming bagay at ilang salita pa lang ang kaya niyang intindihin. And then she grew up. Habang nakatingin sa kanila, I realized na wala talaga itong nakuha sa akin. She looked exactly like her mom. Hindi ko na maitatanggi pa. Hindi ko alam kung ano ang kakaibang kislot sa didbib ko. Hindi ko man lang namalayan na may katagalan na akong nakatayo roon. Marahan kong inayos ang kumot nilang dalawa before I gently kissed my daughter on the top of her head. Napatingin din ako sa babaeng nasa tabi nito. I could only be that close sa dalawang dahilan. Either tulog siya o... nag-aaway kaming dalawa. I didn't want to say anything more dahil alam ko... at matagal ko nang natanggap na wala nang magbabago. Bago pa magising ang mga ito sa pagtitig ko, lumabas na ako ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD