Chapter 16

2128 Words
CHASE KARSON MANJARES' POV ___ Naghanap kami ng bahay pagkatapos naming sunduin ang mga bata. I told Reni na ihahatid ko na sila ni Xeri sa bahay nila at kami na lang ni Eli ang titingin sa mga bahay, but she and Xeri insisted na sumama. May nakita na ako noong nag-ikot-ikot ako noong nakaraan, pero hindi ko pa napapsok ang loob. Malapit lang sa village at sa talyer ang hinanap ko para isang sakay o pwedeng lakarin ang trabaho ko. Sa harap pa lang, mukhang luma na ang bahay. Ganu'n pa man, hindi naman ako nag-e-expect ng maganda lalo pa at maliit lang ang kaya kong ibayad. Pinapasok kami ng caretaker sa loob. Mahigpit na nakakapit sa kamay ko ang anak ko dahil tila natatakot ito sa dilim ng bahay lalo pa at maraming sapot at alikabok sa loob. "It's a bit scary here," ani Xeri. "Sira ho ang ilaw pero pwede niyo namang palitan kapag lilipat na kayo. 4,500 lang ho ang upa rito. Hali kayo, ipapakita ko sa inyo ang kwarto." Sinundan namin ito sa silid. Hindi pa kami nagtatagal doon, narinig ko na ang malakas na sigaw ni Xeri. "Cockroach!" Next thing I knew ay nag-panic na ang tatlo. Nagtatakbo sa loob ng silid habang iniiwasan ang mga ipis. Kani-kaniyang sigaw ang mga ito at hindi ko na lang mapigilang mapatawa nang mahina sa mga reaksyon nila. Pare-parehas naghabol ng hininga ang mga ito nang makapasok sa loob ng sasakyan. Tiningnan ko ang anak ko sa rear-view-mirror na noon ay umiinom ng tubig sa tumbler niya. "Daddy, let's not go back there, okay?" Hindi pa rin nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Okay." "I can't live in that house, Eli." "Me too, Xeri! Daddy, a small room is fine, but please no cockroaches." "No cockroaches." "I guess you enjoyed watching us lose our poise." Pinaandar ko na ang sasakyan at nagmaneho patungo sa susunod. "It was just funny. I thought it was the end of the world for the three of you." "Well... fine." I again chuckled. Malapit lang doon ang susunod na bahay. Parang ganoon din sa nauna ay maliit lang din iyon at may kadiliman sa loob. "3,500 lang ho ang upa rito. Walang kwarto pero—" "Pero may daga!" sigaw ni Reni. "Ahhh! Rat!" Sigaw din ni Xeri at napasigaw na rin ang anak ko. Nakita ko ang malalaking daga at maliit na nagtakbuhan. Para na namang bulateng inasinan ang mga ito at nakipagpatintero sa mga daga. Mayroon gumapang sa paa ko, but I didn't mind. Sa sobrang taranta din ng anak ko ay nakalimutan niyang sumampa sa akin. I was expecting her na magpabuhat sa akin pero... mas mabigat yata ang lumapit sa akin para magpabuhat. Tila nagawa rin nitong kumalma agad. Binugaw na rin naman ng caretaker ang mga daga. Binuhat ko na lang din ito nang pang-bridal hangga't hindi niya pa gustong bumaba. "Uhm?" Panimula ni Xeri habang nakatingin sa amin. "Ate, I think it should be Eli Uncle chase's carrying." Tila noon niya lang na-realize na buhat ko nga siya. "S-Sorry..." Hindi nawala ang bahagyang ngiti sa mga labi ko at marahan ko rin siyang ibinaba. Dinala ni Xeri ang mga palad sa balakang niya at tinaasan ng kilay ang Ate niya. "Can you behave?" I chuckled. Para itong mas matanda pa sa amin ni Reni. "Shut up." Bumungisngis naman si Eli at nagpabuhat na sa akin. She again apologized to me pagpasok ng sasakyan and I assured her that it was fine. May ilan pa kaming pinuntahan pero mukhang kailangan ko pang mahanap sa susunod na mga araw dahil masyado ng mahal ang mga iyon. Pinasok ko ang sasakyan sa garage nila. Nagmadali akong bumaba para pagbuksan ng pinto si Reni at ang mga bata sa backseat. "Dito na kayo mag-dinner?" "No... masyado na kaming naging abala ni Eli. That would too much." "I thought we're friends na?" I smiled a little at her. "I'll just see you tomorrow." "Fine, sir." Nagpasalamat na lang ako rito at nag-goodbye na siya kay Eli. Mukhang napagod ang anak ko kaya naman maraming nakain sa hapunan. Pumasok ako sa bar pagkatapos ko siyang patulugin. I just woke up in he morning that breakfast was ready on the bed. Halos mapabalikwas ako ng bangon. "Good morning, daddy!" Alas siete na nang tingnan ko ang orasan. Ako dapat ang nauunang gumising rito to prepare breakfast. There were just really instances na mas nauuna ito sa akin. Apat na oras lang ang tulog ko na dire-diretso. Minsan naman ay nagagawa ko pang matulog sa talyer kapag wala pang dumarating na kliyente. "Look, I made sandwiches for the two of us. I sliced an apple too and... get two chocolates." "And we have milk." "Yeah! And milk!" Nakangiting anito. "That's yours. Hindi mo na dapat pinagtimpla si daddy." "Daddy, you need milk too para mas magiging malakas ikaw." "Okay, I'll just brush my teeth and we'll have breakfast." Every time I would look at her, iniisip ko kung ano ang napaka-gandang nagawa ko sa mundo to deserve her. Naglinis pa kami ng bahay bago kami nagpunta kina Xeri. Dinala ko na rin lahat ng tools na kakailanganin ko. Pinagbuksan kami agad ng gate ni Gigi. Yumakap lang ito sa akin hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. "Yaya, please don't harass uncle Chase!" ani Xeri habag papalapit sa amin. She hugged Eli na parang hindi sila nagkita kagabi. "Chase, I prepared breakfast. Let's eat?" said Reni. "It's okay. Kumain na kami ni Eli." "Eat with us, please, Uncle Chase. Ate woke up early just to prepare lots of foods for you—" Reni smiled at me pagkatapos niyang takpan ang bibig ni Xeri. "Oo nga, papa Chase. Kumain ka na dito, sayang naman effort ni Reni," ani Gigi. Alanganing ngumiti si Reni rito. "Gusto mong makakita ng lumilipad na tsinelas?" "Charot lang." Sumunod na rin ako sa mga ito sa kusina and I was really a bit surprised na marami ngang pagkain doon. I just ate some dessert na ginawa nito dahil busog pa ako. Si Eli naman ay sumabay nang kain kay Xeri na pinuri lahat ng pagkaing natikman niya. Naglaro ang mga bata after breakfast. Iginiya naman ako ni Reni sa parte ng bahay nila kung saan may sirang aircon. I told her I could handle it and she can do her business, pero hindi ito umalis sa silid. Kumuha pa ito ng maliit na stool at umupo roon. Ang sabi niya wala naman siyang gagawin. Nakipag-kwentuhan lang ito sa akin about random things and asked me kung paano ko natutunan ang pagkukumpuni ng mga gamit. Nagkuwento rin ito sa akin tungkol sa trabaho niya noon sa Autralia at sa mga plano niya noong bumalik siya ng Pilipinas. I didn't even notice na natapos na ako at ilang oras na rin pala ang lumipas. Tiningnan ko pa ang ilan sa ibang kwarto. Most of it hindi na raw nagagamit kaya nasira na lang. She made me feel at home. Even brought me water and foods to eat. Kahit papaano ay naging komprotable naman ako doon. Naikwento niya na rin ang halos lahat tungkol sa family niya and Xeri. After that, I guess mas nakilala ko siya. Mas nalaman ko kung anong klaseng tao siya o kung ano ang mga gusto niya. And I guess, halos parehas kami ng pananaw sa buhay. That made me feel more comfortable with her. LIA ELIZA ALFARO's POV ___ "Anong tinitingnan mo d'yan?" Tumayo ito sa harap ng glass wall at sinundan ng tingin ang tinitingnan ko. "Ay..." Naghahabulan ang mga ito sa malawak na garden habang patuloy sa pagtawa ang mga ito. "Literal na sumakabilang bahay. So happy to see my baby happy. Ang saya din ng daddy oh. Mukhang mas masaya sa kapitbahay." Naramdaman ko ang pagbaling sa akin ni Riel. "Gusto mo mag-join tayo? Dalhin natin 'yung binili kong pizza—" I turned my back at nagsimula nang humakbang palayo. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Hoy, Lia!" Sumunod ito sa akin sa living room. She sat beside me. Binuksan niya ang TV, tinaas niya ang paa niya sa ibabaw ng mesa at ngumuya ng pizza. "Imagine, ganito ang buhay mo kapag wala na sila. You're back to plain life again. You would like this life, I guess. Ganitong buhay naman talaga ang gusto mo, hindi ba? 'Yung walang nakikialam sa'yo at walang nagdadala ng ibang ingay sa buhay mo." "He can't get her." Bumaling ito sa akin. "Ano na namang pinaplano mong bruha ka? You made a deal with him, panindigan mo." "I'm her mother. I'll take control of everything." "Gosh, Lia Eliza. I don't care kung ano 'yan, but please make sure na hindi masasaktan ang bata sa kahit anong paraan. Your daughter have had enough. Sobra na ang circus na ginagawa niyong mag-asawa at hilong-hilo na ang bata. You can't blame him kung bakit gusto niyang ilayo si Eli. Of course, you hurt the kid. Kung gusto mo naman na mag-stay sa'yo si Eli, why not try to make yourself better first? See your psychiatrist and Psychologist." "I can take care of her." "Then prove it. Be a mother dahil gusto mo hindi dahil may gusto kang patunayan at hindi dahil maapakan ang pride mo sa pag-alis nila. Ang hirap sa'yo you're making everything a competition. Bes, hindi mo kailangang makipagtunggali kay Chase kung sinong mas better o kung sino ang mas kayang alagaan siya. You can give her all material things, but I doubt you can give her the love na kayang ibigay sa kanya ni Chase. Sa halip na patunayang mas kaya mo at mas may otoridad ka bakit hindi mo na lang siya tulungan? Ikaw kasi, alam mo nang nahihirapan sila, ginigipit mo pa. Hindi ko alam kung kailan tumubo 'yang sungay at buntot mo eh." "I'm just tryng to see if he can. Besides 'yon naman ang gusto niyang iparating." "Oh eh, kinaya niya. Iwan ka ngayon?" Mahina itong tumawa. "Ewan ko sa'yo. Oh, kumain ka ng pizza baka ginutom kang panuorin sila." Kinuha ko na lang ang inabot nito dahil kulang na lang ay isubsob niya iyon sa mukha ko. She talked about her family. Almost all about Michael and her son, Mike. She seemed happy and I was also happy for her. Ininit ko lang ang dala nitong mga pagkain pagdating ng dinner. Pabalik pa lang ako sa living room, narinig ko na ang tinig ni Eli. "Ninang!" Huminto ako sa entrance and saw them at the livng room. Umupo ito sa tabi ni Riel na punong-puno ng excitement. "Guess what? Nagdala ulit si Ninang ng foods for you. Oh, jiva? Ninang is keeping her promise na madalas nang bibisita sa'yo." "I'm happy to see you, Ninang. I missed you." "I missed you too," Riel pressed both her cheeks. "So how was your day? How was school?" "Ninang, we tried to find a house yesterday, but we weren't able to find any. There were lots of cockroaches and rats in the first two houses we visited and the rest were very expensive. Daddy and I can't afford them, but don't worry, we'll try to find a house again if daddy has time for it." "Hmm, siguro natakot ka, 'no?" "Yeah!" she giggled. "but it was fun. We were with Xeri and Ms. Reni." "Ah, yung bestfriend mo at tsaka yung kapatibahay niyo?" "Yeah, she's Xeri's sister. She's very nice, Ninang. You should meet her!" "Okay, we'll meet her soon. Saan kayo galing ni daddy now?" "There! In their house! Daddy repaired some of their aircon and I played with Xeri." Tinuloy ko ang pagpasok sa living room to call Riel for dinner. "Good night, Ninang," paalam ni Eli rito. "Huh? You're going to sleep na? Hindi ka sasabay sa amin mag-dinner?" "Daddy and I have eaten already, Ninang." "Hmm, hindi ka na makikipag-bonding kay Ninang? Are you tired na mag-play?" Marahan itong tumango. "Okay then... rest ka na. Sleep well. Love you." Riel kissed her at yumakap naman ito sa kanya bago sumama sa daddy niya. "Good night, Chase. Love you. Char!" natatawang anito. "Good night, Riel. Thank you for the food." "No problem," nakangiting sabi niya rito. Bumaling sa akin si Riel nang makaalis ng mga ito sa living room. "Kita mo? Biglang inantok nung dumating ka? Deadma na sa'yo. Mukhang nakahanap na ng bagong mommy." "Shut up and let's eat now so you can leave." "Ahh... that's sad. Deadman na rin si hubby, mukhang may iba na ring honey." "Riel" "What?" "I said let's eat now," malamig na sabi ko rito. "Ito naman hindi talaga mabiro," anito at kumapit sa braso ko. "Sa ganda mong 'yan ipagpapalit ka ba? Syempere naman." Pang-aasar pa rin nito. "Stop it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD