Chapter 19

2313 Words
CHASE KARSON MANJARE's POV __ "Here," she said. Tiningnan ko ang perang nakalahad sa harap ko. Nakabihis siya at tila handa nang pumasok sa bakeshop. She looked better. Isa pa, hindi ko naman ito pipigilan. "What for?" Muling nagtagpo ang mga mata namin nito. "Payment for all the meds you bought." "It's fine." Hindi nito binaba ang kamay at nanatiling walang emosyon ang mga matang anito. "Take it—" I was a bit stunned nang kuhanin ni Eli ang pera mula sa kanya. Wala itong sinabing kahit ano and Lia just looked at her for a while. Muli rin ako nitong tiningnan bago tumalikod at humakbang palabas ng bahay. Bumaling sa akin si Eli nang tuluyan itong makaalis, pagkatapos ay inabot sa akin ang pera. Umupo ako sa harap niya at marahang kinuha ang magkabilang balikat niya. "Bakit mo kinuha?" She giggled. "She has lots of this!" She looked cute by smiling like that. Hindi ko alam kung matatawa rin ako or what. "And this is your money, daddy. We need lots of this so you could stop working almost all the time, right?" "We don't need lots of it. We just need enough of it." Ngumiti ito nang malapad sa akin. "Take this now, daddy!" Nilagay niya iyon sa bulsa ng polo ko. Sa totoo lang, nag-iipon ako ng pera para sa birthday niya. For the first time, gusto kong mabilhan naman siya ng gusto niyang cake at mabilhan ko siya ng damit at laruan. "Daddy, do you think mommy's feeling better already?" "She's strong. She's okay." Bumusangot ito. "Daddy, I was wondering, who would take care of mommy when we leave?" "She can take care of herself." "Mommy's mean, but I don't want mommy to die forever too. I still wanna see her. Daddy, let's still take care of mommy, okay?" I continued to look at her and caressed her cheeks. "When no one's there for her, let's be there for her, okay?" I tried to smile a little at her. "If that's what you want." Ngumiti din ito nang malapad sa akin at yumakap. Binuhat ko siya palabas ng bahay habang sukbit ang bag niya sa kanang balikat ko. She was very excited to see Xeri again. Ang dami nilang napag-usapan sa backseat habang papunta kami sa school nilang dalawa. "So... she's fine now?" tanong sa akin ni Reni habang nasa byahe na kami pabalik pagkatapos maihatid ang mga bata. "I think so. Pumasok na siya sa bakeshop." Nakita ko sa gilid ng mata ko na marahan itong tumango. Pag hinto namin sa harap ng talyer, nagpakita siya sa akin ng mga litrato ng mga bahay na pasok sa budget namin ni Eli. I really appreciated na sinusubukan niyang tumulong. "Gusto mo puntahan natin later after silang sunduin?" "No... kahit kami na lang ni Eli. Ayoko nang—" "Oh, come on... It's fine," agad sabi nito. "Xeri would like to go, I'm sure." I sighed. "Thank you... thank you so much." She smiled at me. "Small thing." Ayos lang sa akin na ihatid siya sa bahay nila pero tuwing umaga pinapadiretso niya na ako sa talyer para hindi na ako maglakad pabalik doon. I was just so thankful to her. Parehas kaming bumaba ng sasakyan to change seats at pinanuod ko pa palayo ang saskayan nito bago ako tuluyang pumasok sa talyer. "Grabe naman 'yon, ang tagal niyo naman yatang maghalikan," Tonik joked. "Namekananiko mo ba?" tanong ni Zed. "Di mo sana inubusan ng langis, baka hindi na makatakbo." "Gago..." mahinang bulong ko. Hindi tumigil ang mga itong asarain ako lalo pa pagsapit ng hapon na huminto ulit ang sasakyan nito sa harap ng talyer at oras na para sunduin namin ang mga bata. We were talking about random things habang papunta sa waiting area. Napansin ko agad ang taong nakahawak sa braso ng anak ko. Binilisan ko ang paghakbang papalapit sa mga ito at kinuha ko ang braso ni Eli mula sa kanya. "What are you doing here?" malamig na tanong ko rito. "Picking up my daughter," casual na sagot nito. "Do we have to argue about this again? Ako na ang susundo sa kanya." "And do I have to tell you again that I am her mother and you cannot tell me what to do?" I somehow knew kung bakit niya ginagawa iyon. Kahit kailan hindi ko ginustong ipagdamot sa kanya si Eli. I just didn't want the idea na masasaktan na naman si Eli sa mga ginagawa niya. "Let's go." She held Eli's arm. "Mommy..." mahinang sambit nito. "Don't touch her," mariing sambit ko rito at binawi ang braso ng anak ko mula sa kanya. "Give me my daughter," malamig na sambit nito. "Go with your woman. I don't care kung saang lupalop kayo magpunta." "I don't know what you are talking about, Lia. Pwede ba?" "Mommy... we have to go with them. Daddy has to drive their car because we owe Ms. Reni money." Humugot ako ng malalim na hininga. She couldn't really lie, and I didn't want to teach her kung ano lang ang dapat niyang sabihin. She was smart enough. Lia didn't say anything for a while. Ilang sandali pa bago niya hilahin ang braso ni Eli palapit sa kanya. I had no plans to give my daughter to her kaya kinuha ko rin ang kabilang braso nito. Nakita ko agad ang pagtiklop ng ibabang labi ni Eli and tears started flowing down her cheeks. "Hey! You witch!" sigaw ni Xeri at pinaghahampas si Lia. "Xeri, stop it..." agad awat ni Reni rito. "Lia, let go of her," malamig na sambit ko habang matalim na nakatingin rito. "I won't let go of her. Sa akin siya sasama." "Stop this, Lia." "Mommy, daddy, please don't fight here..." Eli cried at hinila ang braso niya mula sa pagkakahawak ko. "Daddy, I'll just go with mommy." "No... You'll—" "You heard her," Lia cut me off. My jaw clenched. Damn it. "Daddy, it's fine..." she said and wiped her tears using her arm. "Let's go." Kinuha ni Lia ang kamay niya at nagsimula itong humakbang palayo. Nanatili namang nakatingin sa akin si Eli na puno pa rin nang pag-alala ang mga mata. I really couldn't let Lia take her kahit pa p'wedeng-p'wede kong sundan ang sasakyan nito. "Reni—" "Go..." she whispered. "I can drive. Please make Eli feel safe." "Yes, yes, uncle Chase, please. Please go with them so Eli won't feel scared." "I'm really sorry..." "It's fine. Come on, follow them now." Binalik ko sa kanya ang susi ng sasakyan niya at binilisan ko ang hakbang ko para sundan ang mga ito sa parking. Kasasakay lang ni Lia sa driver's seat nang sumakay ako sa backseat. I still couldn't control myself kaya naman napalakas ang pagkakasara ko sa pinto. Sinalubong ko ang mga mata nito sa rear-view-mirror habang naramdaman ko ang mabilis na pagsiksik sa akin ni Eli. "Daddy..." I controlled my beathing habang nasa byahe. I didn't let go of my daughter hanggang sa makarating kami ng bahay. Isinukbit ko sa mga balikat niya ang bag niya at binigay sa kanya ang susi sa main door. "Go to your room now." Mabilis naman nitong sinunod ang sinabi ko. Bumaba na rin ng saskayan si Lia. She didn't bother to look at me. Akmang aalis pero marahas kong kinuha ang siko niya dahilan para mapaharap siya sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong bigyan siya ng matalim na tingin. I hated it na wala talaga siyang pinapalagpas at wala talaga siyang pakialam. Ang importante lang sa kanya ay makuha kung ano ang gusto niya. "Are you happy now?" malamig na tanong ko. Nanatili lang itong nakatingin sa mga mata ko na tila ba isa lang iyong laro sa kanya at hindi niya man lang nagawang kumurap. "Happy." Binawi niya ang braso mula sa akin at nagsimualng humakbang paalis ng garage. Pakiramdam ko lalong nag-init ang dibdib ko. She was really unebelievable. Hindi ko alam kung ilang beses akong humugot ng marahas na hininga o kung gaano ko katagal sinubukang kalmahin ang sarili ko roon bago ako pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko si Eli na nakaupo sa gilid ng kama niya na bagsak ang mga balikat. Umupo ako sa harap niya pra magpantay kami. "Did you fight?" malumanay na tanong nito. Umiling ako. "No. Don't worry." "Will mommy do that every day?" "I'll try to talk to her. Were you scared?" "A little..." I tried to smile at her. "Are you hungry? Gusto mong kumain?" "Hmm, yeah..." "What do you want to eat? Daddy will make it for you." "I want... noodles with egg, daddy!" May bahagya nang siglang anito. "Okay, but you have to take a bath first." "Going now!" Agad itong umibis ng kama at tumakbo papasok sa loob ng banyo. "Remove your shoes first." "Got it, daddy." Nagtungo na ako sa kusina para ipagluto ito ng gusto niyang noodles. Ginawan ko na rin siya ng sandwich dahil baka nagutom siya sa paglalaro sa school. I was almost done nang pumasok si Lia sa kusina. Hindi ako nag-aksaya ng panahon na tingnan ito. She looked better at hindi ko na siya kailangang isipin pa. I still hated myself... I admitted, hindi ko pa rin magawang pabayaan na lang siya. I admitted I thought of her. Hindi ko na kailangang ulitin pa. I didn't want to hate myself more. Hinanda ko sa bowl ang noodles, tig-isa kaming dalawa at nilapag iyon sa mesa. She started making her food as well in the kitchen. Gusto ko siyang kausapin about what she had been doing, pero pinili kong hindi na muna dahil nag-iinit pa rin ang dibdib ko. Ayokong maabutan kami ni Eli na nagtatalo. Hindi rin naman ito pinansin ni Eli nang makapasok siya sa kusina. Sinusulyapan niya pa rin ito but she knew that she didn't have to say anything to her kahit pa nang umupo ito sa dulo ng mesa. Pabulong na nagku-kwento sa akin ang anak ko about her day nang marinig naming nagsalita si Lia. "Anong pinapakain mo sa kanya?" she asked. Napatingin kami ni Eli sa direksyon niya. Kasalukuyan niyang hinahalo ang ginawa niyang fruit salad. Muli kong nakita ang mga mata niya nang mag-angat siya ng tingin. "Noodles?" Hindi ako sumagot. I didn't have to explain to her. "Do you think she'll grow healthy na gan'yan ang klase ng pagkain ang kinakain niya? I don't think you can really take care of her." My jaw clenched again. I hated it whenever she would start a conversation. "Mommy... don't say that," mahinang sabi ni Eli. "Daddy doesn't always make this kind of food for me. I just requested this." "She did eat noodles too the other day. 'Yan lang ba ang kaya mong ipakain sa kanya?" "Daddy always cooks delicious foods for me. Please don't be mean to him, mommy..." muling mahinang sambit nito. I didn't feel the need to say anything about it or even defend myself. Wala akong pakialam kung anong iniisip niya. Ang mahalaga sa akin alam kong ginagwa ko lahat para sa anak ko. "Eat this." Tinulak nito ang hinalo niyang fruit salad sa direksyon ni Eli pati na rin ang ginawa niyang carbonara na punong-puno ng gulay. Eli looked at it. Matagal ko rin iyong tiningnan bago ko iyon hilahin palapit kay Eli pero agad itong umiling. "I don't want it, daddy. I just want your noodles." "Just try it." Kinuha ko ang tinidor ko at sinubuan siya. "Hmm... will you still eat your boiled egg, daddy?" tanong nito habang nakatingin sa bowl ko. I chuckled. "You want it? Here..." Kinuha ko iyon gamit ang kutsara at sinalin sa bowl niya. "How about this?" tanong ko habang kinukuha ng tinidor ang salad. Muli itong umiling. "Nope." I sighed. "Sayang naman, ako na lang kakain." Sinimulan kong kainin ang carbonara sumunod ang salad. Eli asked me nang matapos ako. "Does it tastes good, daddy?" Wala sa loob na tumingin ako kay Lia before I answered it. "Hindi." Unti-unti akong tiningnan nang matalim na tingin nito. Eli giggled beside me. Tinanggal ko rin ang tingin sa kanya at tumingin sa anak ko na tumatawa pa rin sa tabi ko. She really ahs that lively smile. Ang sarap pagmasdan ng pantay-pantay at maliliit niyang ngipin. Hindi ko napigilang ngumiti rito. "She's better making breads." Masarap naman talaga iyon. Hindi ko lang maatim na puriin ang luto niya right in front of her pagkatapos niyang sirain ang araw ng anak ko. LIA ELIZA ALAFO's POV ___ Tinambak ko ang pinagkainan ko sa sink habang naghuhugas silang dalawa roon. They acted like they didn't see me kahit pa nang makalabas ako ng kusina. I stayed in my room dahil hindi naman ako sanay umuwi ng maaga. I planned of doing my paperworks inside my room. Matagal na rin ako roon when I decided to open the glass door instead of turning on the aircon. Hindi pa gaanong maayos ang pakiramdam ko and I still had runny nose kaya mas gusto ko ang natural na hangin. As I opened it, narinig ko agad ang malakas na tunog ng nursery song. I heard Eli and his father singing along with it. "Daddy, your dance steps are wrong!" Rinig na rinig ko ang malakas na pagtawa nito. I remained standing on my position na hindi ko namalayang matagal na ako roon. I was about to close the door dahil ayoko ng kahit anong ingay pero tila may sariling isip ang kamay kong huminto sa paghila. I could still hear her laugher na tila ba huling tawa niya na iyon sa mundo. "Daddy, stop! Stop!" tuwang-tuwang sigaw nito. Bumalik ako sa desk ko at muling kinuha ang ballpen ko. I started reviewing our sales again. Napapahinto pa rin ako from time to time. I couldn't believe myself. I let myself hear them. I thought I never liked noise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD