Chapter 36

1721 Words
CHASE KARSON MANJARES' POV __ Sinimulan ko nang isa-isang kuhanin ang mga gamit namin papunta sa garage. Nagkataon namang nakita ko ang sasakyan ni Riel na huminto sa harap ng bahay. Pinagbuksan ko ito ng gate kahit na may sarili naman siyang keys. "Hi," she greeted with a smile. Napahinto rin ito agad nang makapasok at makita ang gamit namin ni Eli. "A-alis na kayo?" Hindi ako sumagot agad. "You should have told me. Gagastos pa kayo kapag umupa kayo ng sasakyan. Ihahatid ko na kayo." "Salamat, Riel..." Ngumiti ito nang mapakla sa akin. "Come on, let's put your things in my car." Tinulungan niya akong ilagay ang mga iyon sa loob ng sasakyan niya. Kinuha ko pa ang ibang gamit namin ni Eli sa kwarto. Tahimik lang itong nakaupo sa gilid ng bed habang umiiyak. Hindi ko na muna ito pinansin. I didn't want to make her more emotional. Nilabas ko na lahat ng gamit namin mula sa kwarto. "Kumusta si Eli?" she asked nang bumalik ako. "She's crying." Humugot ito ng malalim na hininga. "I think you should talk to her first. Ako nang bahalang mag-ayos dito." I went back to her room. Kanina pa siya nakabihis at aalis na lang kami. Umupo ako sa harap niya at pinunasan ang luha niya. She cried more. "We have to leave now. Say goodbye to her." Alam ko mahirap iyon para sa kanya. It was also hard for me. Aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili kong mabigat din ang didbib ko. That house was full of her mom's and her husband's memories pero puno rin ang bahay na iyon ng memories naming dalawa. She grew up there and I knew she wouldn't forget living there. Pinunasan ko ang mga luha niya. "Come on... we have to leave now." "I c-can't say goodbye to her..." Kahit ilang beses kong punasan ay tila hindi nauubos ang luha nito. I nodded. "I understand..." Hinaplos ko ang kamay niya bago ko iyon marahang kinuha. Dinala ko siya sa sasakyan ni Riel. She immediately hugged her and cried more nang makita ang Ninang niya. Hindi ko pa ito naririnig na umiiyak nang ganoon and it really broke my heart. "Shhh, hush now, baby. You'll still see mommy. Malapit lang naman 'yung house na lilipatan niyo ni daddy, right?" Malumanay na sambit nito. "But I won't be able to see her every day." "You can always call her and ask how her day went. You can still video call her and tell her everything about your day." "But... I don't want it. I want to see her." Riel kept on making her feel better. I really understood her emotion. I knew it was hard for her. "Riel... I'll just... talk to Lia." Marahan itong tumango. "Go ahead. Ako nang bahala kay Eli." Binaba ko lang ang bag ni Eli sa backseat pagkatapos ay bumalik na ako sa bahay. Ilang beses akong kumatok sa silid nito bago ako nagdesisyong pumasok doon. Ang bed niya lang na hindi pa naliligpit ang nakita ko roon. Wala siya sa loob ng silid kaya naisip ko agad na nasa kusina o nasa garden ito. I went to the kitchen first. Hindi ko alam kung bakit lalong bumigat ang didbib ko nang makita ko itong nakatayo sa harap sink. Nakatalikod ito sa akin. Hindi pa siya nakikita ni Eli since she woke up. Hindi kasi ito lumalabas ng silid nang magising siya. Alam niya ring aalis na kami ni Eli ng bata. She deserved to know. Nakita kong naglalagay siya ng spread sa white bread gamit ang maliit na kutsilyo. I just wanted to tell her na aalis na kami just to give her respect. After all, hinayaan niya pa rin kaming tumuloy sa bahay niya. Aside from that, I don't think may kailangan pa akong sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula pero nagpatuloy ako sa paghakbang palapit sa kanya. Napatigil lang ako nang may matapakang kung ano ang paa ko. Nadurog agad iyon sa paanan ko. Sinilip ko iyon doon. It was a capsule. Wala sa loob na tiningnan ko ang sahig. May ilan pang nakakalat doon. May kung ano agad pumasok sa isip ko. Tiningnan ko ang basurahan na nasa isang gilid lang. I saw her medicine bottle there. Kinuha ko iyon mula roon just to make sure. Ako mismo ang bumili no'n noong nakaraan. Alam ko kung gaano iyon karami at alam ko kung hanggang kailan niya dapat iyon ubusin. Wala na iyong laman. Humigpit ang kapit ko roon at nagtatangis ang mga bagang na lumapit sa kanya. "Why is this empty?" malamig na tanong ko. Tila wala itong narinig at binalot ang sandwich sa papel. Bumaling siya sa akin at tinulak iyon palapit sa akin. "Give that to her. She hasn't eaten her breakfast yet." Lalo pang nagtangis ang bagang ko. "Sagutin mo 'yung tanong ko." Marahas kong binagsak ang bote sa gilid niya. "Ininom mo ba lahat ng laman nito ha?" "That's the use of it--" Tumalikod ako sa kanya. Marahas akong kumuha ng baso at ng tubig sa ref. I didn't mind kung halos tumapon na ang kalahati no'n. Ibinaba ko iyon sa sink sa tapat niya at kinuha ang cellphone sa bulsa ko. "Tatawagan ko ang doctor mo." "I've taken almost all of it an hour ago." Hindi ko napigilan ang sarili ko at marahas kong kinuha ang braso niya. "Are you really losing your mind, huh? You planned on killing yourself, and then what? Hindi ka ba talaga nag-iisip or you're just really selfish?" Mas lalo kong nakaramdam ang pag-iinit sa didbib ko seeing na tila wala man lang itong pakialam. "Why are you doing this? Why are you so good at manipulating everything, Lia? I'm so tired of all your shits." "I know." I sighed in disbelief. "Hindi ko na lam kung anong gagawin ko sa'yo." "I thought you no longer care? Why don't you just leave?" "Drink this. Drink this now. Dadalhin kita sa ospital." Hinawi niya ang kamay ko dahilan para mabitiwan ko ang baso at mabasag iyon sa sahig. Muli kong marahas na kinuha ang braso niya. "I'll bring you the hospital." "Get off me." Hindi ko binitiwan ang braso niya at pilit niya iyong nilayo sa akin. I could no longer take it. Madiin kong kinuha ang magkabilang balikat niya habang nagbabaga ang mga mata ko. "What the hell is wrong with you!?" Hindi ko napigilan ang marahas na paghinga and I couldn't help but shout at her. She didn't even blink or even give me any emotion. I hated it. I hated her. "f**k, Lia." I could see her face and her lips getting pale. Her eyes slowly blinked at lalong kumabog ang didbib ko. Mabilis ko siyang sinalo nang tuluyang pumikit ang mga mata niya at bumigay ang katawan niya. "Lia..." I called her name and tried to rub her cheek to wake her up. "Damn..." Mabilis ko siyang kinarga at binilisan ko rin ang hakbang ko palabas ng bahay. Nataranta agad si Riel at si Eli nang makita akong buhat ito. "C-Chase what happened?" she asked at agad binuksan ang pintuan sa backseat. Pinasok ko agad si Lia doon at binuhat ko na si Eli na patuloy pa rin sa pagtatanong. Itinabi ko si Eli sa kanya roon. Agad din namang binaba ni Riel ang ilang gamit namin at umupo sa kabilang side ni Lia. Hindi ako nag-ubos ng oras. Pinatakbo ko agad ang sasakyan nang makaupo ako sa driver's seat. "Mommy, Mommy, wake up," ani Eli rito. "Bes, what happened to you? Chase? What happened?" Naiiyak na tanong ni Riel. I heaved a deep sigh. "She took all her meds." "What? For the nth time?" Lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Narinig ko na ang malakas na pag-iyak ni Eli sa likod. Lalo akong nakaramdam ng paninikip sa dibdib ko. "Why Mommy's not waking up? Daddy, she's not waking up!" she cried. "Shh, calm down. We'll bring mommy to the hospital, okay?" Don't worry. Don't cry..." Riel told her. "Ninang, please tell me she's not dead!" she said, panicking. "No, no... she's not. Please... don't cry, honey." "Mommy, please wakey, wakey," she cried, holding Lia's face. The whole time she was shouting at the back of the car. She was so frustrated na hindi gumigising ang Mommy niya no matter how much she tried to wake her up. Hindi na rin malaman no Riel kung paano siya pakakalmahin. Magulo na rin ang isip ko at hindi ko na alam kung anong dapat kong unang isipin. We were immediately assisted pagdating namin ng ospital. Dinala agad siya sa emergency room. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdam ko habang sinusundan ang stretcher nito. Ilang beses na iyong nangayari, but the feeling was still the same. Wala akong nagawa kung hindi ang huminto sa harap ng pinto nang maipasok ito sa loob. Hinayaan ko na lang na kumabog ang dibdib ko at hinayaan ko ang sarili kong magpakawala nang marahas na hininga. Pakiramdam ko ay nakalutang pa rin ang isip ko and I couldn't even comfort Eli. Hinayaan ko na si Riel ang magpatahan at yumakap rito. "She's okay... Mommy's fine. We'll still see her." "I wanna see mommy again. I don't want her to die, Ninang." "She won't die. She'll stay with you. I know." Hindi ko namalayan na kinuha na muna siya ni Riel at nilayo sa emergency room. Nanatili lang ako sa labas ng ng silid nito. Hinintay kong lumabas ang doctor. Hindi ako mapakali roon. Kanina pa ako pabalik-balik. Hindi ko na rin mabilang kung ilang marahas na hininga ang pinakawalan ko. Mabilis akong tumayo nang lumabas na ang doctor. "Kaano-ano ho kayo ng pasyente?" "I'm her... husband." He nodded. "You are right on time, mister. We are able to save her. Kung nahuli kayo ng dating baka hindi na namin kinayang iligtas siya." Muli akong napahugot ng malalim na hininga. Kahit papaano, it made me feel better knowing that she was safe. "Thank you..." "She may feel weak when she wakes up. We will continue to monitor her condition." Napalamukos ako sa mukha ko nang makaalis ang doctor. Tiningnan ko lang ang pintuan ng silid kung saan ito dinala habang naninikip pa rin ang didbib ko. She never failed... to make me hate her. "Damn..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD