Chapter 33

2176 Words
CHASE KARSON MANJARES' POV __ "Yehey! Mommy and daddy will send me to school!" excited na sambit nito habang nakaupo sa backseat ng sasakyan. It still didn't feel fine to me. Wala na lang akong magawa. But then, I was happy to see her happy. Matagal na noong huling beses ko siyang nakitang ganoon kasaya. Yumakap ito at humalik sa akin ganoon din kay Lia bago tumakbo papalapit sa best friend niyang si Xeri. Sobrang nalungkot ito dahil nasanay na rin siyang kasama ako sa sasakyan. Pinanuod namin ang mga itong tumakbo palayo. Napatingin pa ako sa direksyon ni Reni. She tried to smile at me. Narinig kong sumara ang pinto sa sasakyan sa likod ko kaya naman pumasok na rin ako sa loob. Wala akong dapat sabihin rito kaya naman pinili kong hindi umimik. But then, she broke the silence. "You've been depositing three thousand pesos on my account. What's that for?" Diretso pa rin ang tingin ko sa daan habang nagmamaneho. "For the bills. Hayaan mo kapag dumami ang komisyon, dadagdagan ko." The past few nights, madalas nang gumamit ng aircon si Eli. I couldn't say no to her dahil baka mas nakakatulog siya nang maayos. Sinadya kong alamin ang bank details niya dahil alam kong hindi niya tatanggapin kung iaabot ko iyon ng cash sa kanya. Kahit kailan ay hindi ko gugustuhing maging pabigat kami ni Eli sa kanya. Hindi na rin ito kumibo pa. Pinanuod ko lang siyang pumasok sa loob ng bakeshop bago ako humugot ng malalim na hininga. Tinanong ako agad nina Kaloy nang makita ang sasakyang pinarada ko sa harap ng talyer. Alam nilang kay Lia ang sasakyang iyon. They were very upset again thinking na maayos na kaming dalawa. Dumating din si Wayne na may dalang mga pagkain. Kinwentuhan siya ng mga ito about Lia, and I was glad that he chose not to make any comments. Ayoko na ng mahaba pang usapan tungkol rito. She gave me so much hassle. Kailangan kong umalis nang maaga sa talyer para sunduin pa siya sa bakeshop at dumiretso pa sa school ni Eli. I just acted like I wasn't seeing her at all. Dinala namin si Eli sa park after her class dahil nag-usap pala sila ni Lia na may reward siya sa tuwing makakuha siya ng perfect score sa mga test niya. "She's my mommy! She's my mommy!" she was proudly shouting habang kasama ang mga kalaro niya. Naalala ko, excited niyang kinwento sa akin na nagpakilala si Lia na mommy niya sa isa sa mga kaklase niya. She was so happy about it. She was happy to call her mommy kahit saan sila magpunta. Pinanuod ko pa rin ito at sinundan siya sa slide just to make sure na hindi siya masusugatan. Pupunasan ko lang ang likod niya dahil pawis na pawis na siya pero nakipaghabulan pa ito sa akin. "Eli, be careful. Stop running fast!" Bumubungingis pa rin ito habang papunta sa direksyon ni Lia na noon ay nakaupo sa bench. Nagpatuloy ako sa paghakbang palapit sa kanya. Si Lia na ang nagpunas ng likod niya at ng pawis niya sa mukha. "Mommy, let's play." "I'm not in the mood. Drink water." Wala rin akong nagawa kung hindi sundan ulit ito ng tingin pagkatapos niyang uminom ng tubig. At wala ring nagawa si Lia kung hindi ang sumunod sa kanya dahil hila nito ang kamay niya. Hindi ko nagawang tanggalin ang tingin ko sa kanilang dalawa. Inalalayan siya ni Lia na maupo sa swing pagkatapos ay inugoy siya nito. Naririnig ko ang malakas na tawa niya mula sa direksyon ko. Nang magsawa doon ay hinila niya ulit ito sa slide. I couldn't explain the feeling habang nakatingin sa kanilang dalawa. Siguro dahil iyon ang unang beses na nakita ko sila na nakikipag-bonding sa isa't-isa. Siguro dahil iyon din ang unang beses na makita ko ang anak ko na ginagawa ang isa sa mga bagay na hinihiling niya lang noon. I was happy for her, totoo man ang pinapakita ni Lia o hindi. Dumating ako sa point that I almost begged in front of her just to give my daughter even a single hour o kahit ilang minuto lang ng oras niya. Gusto ko lang makitang masaya ang anak ko o gusto ko lang iparamdam sa kanya na may mommy naman talaga siya. Sinuko ko na 'yon eh. Akala ko imposible. "Daddy!" she called at tinuro ang direksyon ko. "Ice cream!" Tumingin ako sa tindero na nasa likuran ko. Muli ko pa itong sinulyapan na noon dumadausos sa slide. Sa tuwing titingnan ko siya, pakiramdam ko lagi ay lumulutang ang mundo ko. Bumili ako ng dalawang ice cream para sa aming dalawa dahil gusto niya sinasabayan ko siya laging kumain no'n. Inabot ko sa kanya ang cone nang makalapit ako. "Daddy, why didn't you buy mommy ice cream too?" I just heaved a deep sigh at inabot na lang kay lia ang hawak kong cone. "Sa'yo na," casual na sambit ko. "Daddy, just buy another one!" "I don't like to eat ice cream now." "Okay..." anito at sinubo na ang ice cream niya. Tumingin ako kay Lia. Hinihintay kong kuhanin nito ang cone. Sandali rin itong tumingin sa akin bago iyon kuhanin. Magkatabi silang naupo sa dulo ng slides at sabay iyong kinain. Pinigilan kong umangat ang sulok ng labi ko. Parehas na nga sila ng mukha, parehas pa silang kumain ng ice cream. Hinayaan kong si Lia na ang magbantay at humabol sa kanya. Mas marami silang kailangang habuling oras. Mas kailangan nila ng bonding. It was still hard to believe na mahaba ang naging pasensya nito, but I just thought na mas mabuti iyon. Ayokong makipag-away sa kanya sa harap ng maraming tao for hurting my daughter. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Nagsimula nang dumilim pero nandoon pa rin kami. Kumain kami sa nadaanan naming mga food stall. Lia bought all the foods she liked and I just bought my own food. "Daddy, mommy bought a lot of different foods. Are you just gonna eat that one?" tukoy nito sa rice in a bowl na binili ko. "I'm still full." "Eat a lot, daddy, so you won't get sick anymore." I tried to give her a smile. "Don't worry about me." Sanay naman akong kumain na iisa lang ang putahe. Sanay na rin akong panuorin lang siya dahil busog na ako sa tuwing nakikita ko siyang masiglang kumakain. Napatingin naman ako sa bowl ng iba't-ibang pagkain na umusog sa harapan ko. Nag-angat din ako ng tingin para tingnan ang taong naglagay noon doon. She was putting foods on her plate. Napahinto lang ito nang muli kong itulak ang pagkain pabalik sa kanya. "Busog ako." Muli kong nakasalubong ang mga mata nito. Madamot pa rin sa emosyon ang mga iyon at hindi pa rin basta-basat hinahayaang mabasa ko ang nasa isip niya. Tinanggal ko rin ang tignin sa kanya at bumaling sa anak ko. I told myself I would forget about her— hindi man lahat, but at least the feelings I had for her. It was just a dream—a nightmare, at hanggang doon lang iyon. I wanted to accept the fact na hindi talaga siya para sa akin at matagal ko na iyong isinuko. I would see her for Eli, not for myself anymore. "Eat slow, babe..." Gutom na gutom siya sa walang tigil na paglalaro. Gabi na pero ayaw niya pa ring umuwi. Gusto niya pa raw mamasyal sa park at makita 'yung magagandang ilaw sa fountain. May trabaho pa ako sa bar. I was expecting Lia to say no pero pinagbigyan niya agad ito. Halos magtatalon sa tuwa ang anak ko habang nakatingin sa fountain na may mga water tricks at umiilaw pa. "Mommy, daddy, look!" Sigaw nito. "It looks nice!" Nanatili kaming nakatayo ni Lia ilang dipa mula sa kanya at sa isa't-isa. Pinanuod lang namin siya. "Daddy! Can you take photos of me here?" Nilabas ko naman ang cellphone kong di-pindot mula sa bulsa ko. May camera naman iyon at kahit paano ay kita pa rin siya. Nilabas niya agad ang maliliit niyang ngipin nang itutok ko sa kanya ang camera. "Daddy, come here! Let's have a photo!" Lumapit ako sa kanya. Binuhat ko siya at tinutok sa aming dalawa ang cellphone. Bahala na kung hindi masyadong maayos ang view sa likod. I gave her my phone and I bought a second hand para lang pang-text at pang tawag sa kanya. Gusto ko kasi nakikita ko siya kapag hindi niya ako kasama. At least p'wede siyang mag-video call kina Kaloy kapag nasa ibang lugar kami at pwede ko rin siyang ma-locate. "Use this." Napatingin ako sa cellphone na nakalahad sa harapan ko. "Daddy, let's use mommy's phone! Mommy, join us, please?" Eli badly wanted na magkaroon kami ng kuha kaya naman inabot ko na ang cellphone nito. She positioned herself beside me at mas maayos kong nakuha ang litrato dahil may front camera na iyon. I thought one was enough, but Eli requested for more. Kinuhanan ko rin silang dalawa ng litrato katulad ng request ng anak ko. She hugged her mom tight habang buhat siya nito. I was planning to delete the other one dahil blurred ang pagkakuha ko pero napunta ako sa home screen. Hndi ako agad nakabalik sa camera dahil napatitig lang ako roon. Nanibago lang akong... wala na roon ang litrato nilang dalawa ni Tim. It looked plain. "Daddy, are you still gonna take one more shot?" Muli kong tinutok sa kanila ang camera and I absentmedly looked at Lia na noon ay nakatingin rin sa mga mata ko. I looked away at agad pinindot ang capture button. Binalik ko rin agad sa kanya ang cellphone niya at inaya ko nang umuwi ang anak ko. Agad naman nitong kinuha ang kamay ko at ang kamay ni Lia. Nilakad namin kung saan naka-park ang sasakyan nito. "I just drew this!" anito. "Daddy, Eli, and Mommy! Now it's real! Are we gonna do this all the time now?" Hindi ko pa iyon kayang sagutin. Parehas silang nakatulog sa loob ng sasakyan sa kalagitnaan ng byhae. Nai-park ko na ang sasakyan pero tulog na tulog pa rin silang dalawa. They were obviously tired. Nauna ko na munang ibaba ang anak ko. Binuhat ko ito at dinala sa kwarto niya. I thought gising na si Lia pagbalik ko pero tulog pa rin ito sa passenger seat. I was planning to wake her up pero mukhang mahimbing din ang tulog nito. Hindi naman kasi siya sanay sa mga ganoong activity. Sa ilang taon, wala siyang ginawa kung hindi ang magkulong sa silid niya. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko dahan-dahang tinanggal ang seatbelt niya. Matagal ko pang inisip kung hahayan ko na lang siya roon, but I still decided na buhatin na ito at dalhin sa silid niya. She was still fast asleep. Tinanggal ko na lang ang heels niya at binalot sa kanya ang comforter. Napatitig ako sa suot nitong kwintas na may heart-shaped na pendant. I was willing to forget all my feelings for her, but I couldn't deny the fact that... she could still hurt me— for so many reasons. LIA ELIZA ALFARO's POV __ Napabalikwas na naman ako ng bangon sa masamang panaginip. I was still in tears, but it was not just about the pain anymore. Nakakaramdam na rin ako ng poot. I couldn't believe I was still seeing him in my dreams na noon lang ay araw-araw kong hinihiling na sana ay makita ko siya kahit doon lang. Pinunasan ko ang naiwang luha sa mga pisngi ko bago ako bumaba mula sa ibabaw ng kama. Napahinto rin ako nang makita ko ang heels ko sa sahig. Huling naalala ko ay nasa byahe pa kami pauwi. I couldn't remember lying on my bed. Sinulyaan ko ang orasan. It wa almost eleven. Lumabas ako ng silid papunta sa kusina. Tiningnan ko ang cellphone ko habang umiinom ng tubig and watched the footage. I saw him carry Eli papasok ng bahay at bumalik ito para buhatin din ako. Matagal din ako. It wasn't the first time he had done that. I know. Matagal rin akong nakatingin lang kawalan habang tahimik ang buong kusina. Bago ako bumalik sa silid ko, pinuntahan ko muna ang silid ni Eli. Mahimbing na itong natutulog doon. Maingat akong umupo sa gilid ng kama niya at pinagmasdan siya. I could still hear her laughter in my ears. I could still see her smile on my head. I didn't know it would feel good. Marahan kong kinuha ang maliit na kamay niya that I used to hold tight. I gently squeezed my thumb on it. I couldn't imagine the days that I made her feel bad about being alive. Marahan ko ring hinawi ang ilang hibla ng buhok niya bago ko magaang hinalikan ang noo niya. "Mommy..." I heard her whisper at unti-unti itong nagmulat ng mga mata. "It's me..." I whispered back and gently rubbed the back of my hand on her cheek. "Call me Mommy... whenever you please."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD