Tuwang-tuwang umuwi sina Oryang at Boyong sa bahay. Dahi hindi pwedeng malaman nina Delsin at Alexis kung ano ang ginawa nila ay nauna muna si Oryang bago si Boyong. May dala-dala siyang mga damit at pagkain ng kanyang anak. Binilhan din naman niya ang kanyang sarili pero hindi niya naisip bilhan si Alexis dahil inis na inis siya rito. Saka, alam naman niya na pagdududahan siya nito kung mangyari iyon. Hindi niya naman kasi binibilhan ng kahit na ano si Alexis simula noong magka-anak na silang dalawa eh. Habang nagkakape ay nakita ni Alexis na sobrang dami nang dala ng kanyang asawa. Sa una ay nagtaka siya pero minabuti na lang niya muna na tulungan ito. “Oh, bakit ang dami mo naman yatang dala? At saka, bakit sobra-sobra yata ang ngiti mo ngayon? Anong nangyari, Oryang?” tanong ni Alex

