Dahil ilang araw nang hindi makali si Alexis kung saan nanggaling ang pera ni Oryang ay nangsaliksik siya kay Felicia kung totoo ba na malaki ang utang nito sa asawa niya. Hindi naman sa wala siyang tiwala kay Oryang, kaya lang eh hindi talaga siya makali dahil parang may iba sa mga nangyayari. Bilang asawa ni Oryang, kailangan niyang alamin ang katotohanan. Pumunta si Alexis sa tapat ng bahay ni Felicia. Kumatok siya roon. Nananalangin na sana ay nandoon si Felicia sa kanila dahil importante talaga ang pag-uusapan nilang dalawa. Pinagbuksan ni Nena si Alexis ng pinto. Ito ay ang nag-iisang anak ni Felicia. Ngumiti pa it okay Alexis bago tuluyang sumagot. “Oh Ninong Alexis, bakit po? Ano pong kailangan ninyo?” sabi ni Nena. “Ah, gusto ko sana itanong kung nandyan ang Mama Felicia mo? M

