Habang nakuha si Alexis ng mga damit ay napansin niya ang isang bag. Hindi pa niya nakikita iyon kahit kalian kaya kinuha niya agad. Pagbukas niya, gulat na gulat siya dahil puno ng pera iyon. Lalo siyang nag-isip ng masama kay Oryang dahil sa kanyang nakita. “Oryang, ano ang mga ito?” naguguluhang tanong niya sa kanyang asawa. “Ano ka ba naman?! Bakit mo pinapakialamanan iyan eh akin iyan!” kinuha agad ni Oryang ang bag na naglalaman ng maraming pera. “Sa iyo? Saan naman galing?” pagtatanong ulit ni Alexis sa kanyang asawa. “Sa mga umutang nga sa akin! Ano ba? Paulit-ulit na lang ba tayo? Hindi ka na titigil kakatanong sa akin niyan?!” inis na sagot ni Oryang. “Pwede ba Oryang, sabihin mo na lang sa akin ang totoo para hindi na tayo mahirapan pa. Gusto mo ba na lagi tayong ganito? La

