Agad na pumasok si Alexis sa kwarto nilang mag-asawa. Galit na galit ang titig nito kay Oryang kaya hindi na naman mapakali ito sa kanyang kinauupuan. “Ano na naman bang meron? Hindi ka pa rin ba tapos doon sa pera na nakita mo sa cabinet? Di ba, sinabi ko na sa iyo na galing nga lang iyon sa-“ natigil si Oryang sa pagsasalita nang sagutin siya ni Alexis. “Galing iyon sa pera ni Delsin na kinuha mo kay Ma’am Beverly, tama ba ako?” inis ang mukha ni Alexis nang sabihin niya iyon. “H Ha? Iyan ka na naman sa mga iniisip mo ah. Hindi nga-“ natigil na naman ang pagsasalita ni Oryang nang sumagot si Alexis sa kanya. “Sinabi na sa akin lahat ni Boyong. Sinabi mo raw sa kanya noong isang araw na kay Delsin galing ang lahat ng pera mo ngayon. Kaya pala hindi ka na naiinis kay Delsin dahil nakuh

