Nang makaligo na si Delsin at nakapagbihis na rin ay nag-ayos na siya para hindi sila mahuli ni Alexis sa kanilang pupuntahan. Agad na nagpaalam si Alexis sa kanyang nanay. ‘’Nay, sasamahan ko lang po si Delsin ah? Babalik din po agad ako. Ingat po kayo ni May rito,’’ sabi ni Alexis. ‘’Oo naman anak. Ingat kayo ni Delsin sa byahe niyo,’’ nakangiting sabi noong nanay ni Alexis sa kanya. Masama naman ang tingin nito kay Delsin pero hindi niya na lang pinahalata sa kanyang anak iyon. ‘’Sige po, alis na po kami,’’ paalam naman ni Delsin, tumango lang ang nanay ni Alexis at hindi na nagsalita. Pumasok na lang ulit ito sa bahay. Karga niya si May, ang anak ni Alexis. Nang makaalis na sila ay tahimik ang dalawa sa byahe papunta sa motel ni Maám Selena. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nandoon

