Sa kabilang banda naman ay inaalala pa rin ni Cynthia si Delsin. Ilang araw na niyang hinahanap ito pero hindi pa rin niya makita. Ilang beses na rin siyang napunta kay Tonyo para magtanong rito kung dumadaan pa ba si Delsin doon pero hindi naman daw sabi ni Tonyo. Kaya lungkot na lungkot si Cynthia, ilang araw na. ‘’Sigurado ka bang wala pa rin hanggang ngayon? Kahit text man lang sa iyo, wala? Sa akin kasi, hindi naman siya nasagot sa mga text at tawag ko eh,’’ sabi ni Cynthia kay Tonyo. ‘’Wala talaga, mare eh. Kahit na ano nang sabihin ko sa text, wala. Hindi rin naman siya napunta rito. Ang daya niya nga, sabi niya ay bibisitahin niya ako rito pero hindi naman niya ginawa,’’ sabi pa ni Tonyo, ang tono niya ay parang nagtatampo pa kay Delsin. ‘’Ikaw naman kasi, hinayaan mo pang umali

