Sobrang saya ni Jenny noon. Pumasok na siya sa kwarto nila ni Delsin. Nagulat siya na sa pagbukas niya ng pinto ay makikita niyang gising pa pala si Delsin. Nagulat si Delsin na dala-dala pa rin ni Jenny ang envelope na naglalaman ng pera na binigay ni Maám Cynthia sa kanila. ‘’Oh, bakit dala mo pa rin iyan? Di ba sabi ko, hindi mo tatanggapin iyan? Tinanggap mo na nga ýong singsing eh, pati ba naman ýan? Hindi tayo mukhang pera, Jenny,’’ sabi ni Delsin, may inis sa kanyang boses ng sinabi niya iyon. ‘’Mahal, pasensya ka na, tinanggap ko na lang ýong bigay ni Maám Cynthia. Alam ko kasi na kailangan talaga natin ito eh. Lalo na ngayon na-‘’ natigil ang pagsasalita ni Jenny nang biglang nagsalita si Delsin sa kanya. ‘’Ano ka ba? Hindi natin kailangan niyan, ano. Kaya nating mag-ipon para

