Umupo si Maám Cynthia sa isa sa mga upuan ng mga bisita roon pagkatapos ay ngumiti ulit doon sa dalawa. Kinakabahan na ýong dalawa pero umupo rin naman sila sa tabi ni Maám Cynthia. ‘’Maám, bakit po kayo ganyan ngumiti? Saka, ano po ba ýong ibibigay niyo sa amin? Nagpa-iwan pa po talaga kayo para ibigay sa amin ýong regalo. Nakakahiya po tuloy,’’ sabi ni Delsin, pero nakangiti siya sa kanyang dating amo. ‘’Nakangiti ako dahil nakita ko na gusto mo talagang tumayo bilang lalaki para kay Jenny kanina. Maganda iyon, masaya akong malaman na ganoon ang tingin mo sa sitwasyon. Kaya lang, pagpasensyahan mo na talaga ang kaibigan kong si Selena kasi ganoon talaga iyon, ayaw niyang hinihindian ang mga bagay na binibigay niya, kahit na magkano pa iyon o kahit ano pa iyan,’’ sabi ni Maám Cynthia.

