Doon ay naintindihan na ni Selena ang pinupunto ni Delsin sa kanya. Ang pakiramdam ni Delsin ay parang inagawan siya ng pagkakataon ni Maám Selena dahil bumili ito ng singsing para sa nobya niya kahit na wala naman siyang sinasabi rito. Dahil doon, labis na nahiya si Maám Selena hindi lang kina Delsin at Jenny pero pati na rin sa kanyang sarili. Nagsisisi siya na ginawa niya pa iyon. Na-realize niya na hindi nga naman talaga tama na pangunahan niya ang lahat sa buhay ni Delsin. Sumagot si Maám Selena para humingi ng paumanhin kay Delsin sa kanyang nagawa. Hindi naman kasi ganoon ang ibig niyang sabihin eh. Para sa kanya, gusto niya lang naman na tumulong. Iyon lang iyon, wala naman sa plano niya na maliitin si Delsin dahil sa totoo niyan ay labis nga ang paghangga niya rito. ‘’Pasensya k

