Chapter 46

1163 Words

Hindi rin nagtagal ay nagkita rin si Boyong at Delsin. Noong mga oras na iyon ay parang gusto nang magpakain ni Delsin sa lupa. Gusto niyang tumakbo dahil sa takot at hiya pero wala na siyang magagawa pa. Nilapitan naman siya ng kanyang pinsan na si Boyong. Ramdam na ramdam ni Delsin na may kaba rin si Boyong na nararamdaman noong nakita niya ang pinsan na si Delsin. Eh sino ba naman kasing hindi kakabahan kapag nakita mo ang isang taong ayaw mong makita dahil may ginawa kang kasalanan sa kanya, hindi ba? “”Oh, Delsin, nandito ka pala. Bakit ka nandito? S-Sinong kasama mo?” nanginginig na tanong ni Boyong kay Delsin. “Ah, kasama ko ‘yong amo ko. Nabili kami ng damit para sa mga anak niya. Ikaw? Bakit ka narito?” kabadong sagot ni Delsin, pero pinilit niyang hindi ipakita kay Boyong iyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD