Paggising ni Delsin ay nag-ayos na agad siya at sinundo niya sa kwarto ang kanyang Sir Albert. Pagbaba nila, nakita ni Delsin na gising na pala si Ma’am Cynthia. Kasama nitong nakain ang mga anak na sina Mikael at Zsa Zsa. Inalalayan ni Delsin si Albert sa kanyang upuan pagkatapos ay inayos na ang pagkain nito. Ilang minuto lang ay tumayo na si Mikael dahil tapos na siyang kumain. Bago pumunta sa taas ay tiningnan naman ni Mikael si Delsin nang masama. Napansin iyon ni Cynthia pero hindi niya pinahalata. Sa loob-loob ni Delsin ay takot na takot siya. Noong wala na si Mikael ay nilipat ni Cynthia ang focus niya kay Delsin para kausapin ito. “Hmm, Delsin. Kumusta naman ang araw mo kahapon? Ayos naman ba?” tanong ni Cynthia pero alam naman na niya ang sagot. Nagulat naman si Delsin dahil

