Chapter 44

1072 Words

Kinagabihan ay pagod na pagod si Delsin sa buong araw, unang araw pa lang niya iyon pero sobrang stressed na siya dahil sa mga anak ng amo niya. Habang nakahiga ay bigla namang tumawag si Tonyo sa kanya. Sinagot naman niya ito dahil gusto niyang may mapag-kwentuhan na ng mga bagay na nangyari sa kanya ngayong araw. Huminga muna siya bago tuluyang sagutin ang tawag na iyon. “Tonyo, kumusta ka na? Haynaku, ang hirap pala rito,” sabi niya agad. “Oh, bakit? Gusto mo bang kausapin ko si Cynthia tungkol dyan?” sagot naman ni Tonyo at agad na na-alerto si Delsin. Ayaw naman kasi niya ng gulo agad sa unang araw niya sa trabaho. “Hindi naman, nakakapagod lang dahil kahit hindi ko naman dapat gawin ay ginagawa ko pa rin. Siguro, ganoon talaga kapag namasukan ka bilang kasambahay,” sabi ni Delsi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD