Chapter 2

1038 Words
Hinatid muna nina Boyong at Delsin si Nanay Ising kina Tiyang Teresa bago tuluyang sumakay ng bus papunta sa Maynila.   "Nay, babalik po ako. Pangako ko po 'yan sa inyo ha? Mag-iingat po kayo ni Tiyang Teresa dito. Magpapadala po ako tuwing katapusan ng buwan. Tatawag din po ako pa-minsan," sabi ni Delsin sa kanyang ina.   Hindi naman sumagot si Nanay Ising dahil alam niyang iiyak lamang siya kapag ginawa niya iyon. Kahit na gusto nitong tumingin sa anak ay hindi niya magawa dahil konti na lang talaga ay tutulo na ang luha niya.   Dahil hindi sumagot si Nanay Ising ay nalungkot si Delsin. Tiningnan niya ang kanyang ina nang halos isang minuto. Hinihintay na baka magpaalam sa kanya ito pero hindi.   Habang naghihintay ng bus sina Boyong at Delsin ay napag-usapan nila si Nanay Ising. Si Boyong kasi, panay ang tanong tungkol doon.   "May punto din naman si Tiyang Ising sa sinasabi niya. Syempre, hindi na bumalik si Ate Diana kaya talagang mag-aalala na 'yon na pati ikaw ay pupunta sa Maynila," sabi ni Boyong.   "Alam ko, pero kaya nga ako pupunta sa Maynila eh dahil na rin sa kagustuhan kong makita si Ate Diana. Baka sakali, mapapayag ko siya na umuwi na sa Bicol," may lungkot naman sa boses ni Delsin noong sinabi niya iyon.   "Nasaan na kaya talaga ang Ate Diana mo? Ang sabi ng iba, baka may anak na daw 'yon at asawa. Pinilit ko naman siyang hanapin sa Maynila noon pero hindi ko talaga makita eh."   "Salamat sa paghahanap, Boyong. Hayaan mo, tayong dalawa na ang maghahanap kay Ate Diana sa Maynila."   Pagkatapos noong pag-uusap na 'yon, eh sumakay na sila ng bus papunta sa Maynila. Halos labing dalawa rin na oras ang byahe nila.   Alam naman na ni Boyong 'yon, si Delsin ay nahilo lang dahil sa mahaba na byahe. Naiintindihan naman niya dahil ngayon lang siya nakapunta sa Maynila.   Nakarating din sila sa wakas sa bahay ng kaibigan ni Boyong. Dito muna sila manunuluyan habang inaasikaso pa ni Delsin ang kanyang trabaho.   Kumatok si Boyong sa pintuan. Pinagbuksan naman siya ni Alexis.   "Oh, mga pare! Nandyan na pala kayo. Bakit naman hindi kayo nagpasabi na papunta na kayo dito? Sana man lang eh nasundo ko kayo," sabi ni Alexis.   "Naku pare, ayos lang naman. Abala pa kung nagsabi kami. Alam ko naman na busy ka sa anak mo," sagot ni Boyong at umupo na.   Umupo na rin sa tabi niya si Delsin, tinitingnan ang kabuuan ng bahay. Kitang-kita na sakto lang para sa isang pamilya ang bahay nila pero pinili pa rin nilang tulungan sina Delsin at Boyong.   Busy naman ang asawa ni Alexis na si Oryang sa pagluluto ng hapunan nila kaya hindi agad nabati sina Delsin at Boyong.   "Pasensya ka na, pare ha? Dito muna kami manunuluyan hanggang inaayos pa ni Delsin ang mga kailangan niya sa trabaho," sabi ni Boyong.   "Wala 'yon pare, ayos na ayos lang sa akin. Para namang hindi tayo magkaibigan niyan, e. Sa Bicol pa lang, kilala na kita. Para na kitang kapatid," nakangiting sagot ni Alexis.   "Salamat, eh ayos lang ba talaga kay Oryang, pare? Mukhang seryoso na naman ang mukha eh. Galit na naman ba dahil nandito kami?" sagot ni Boyong.   "Naku, ayos lang kay Oryang 'yan. Napag-usapan na namin, ako ang bahala sa inyo hanggang nandito kayo sa poder ko," sagot ni Alexis.   "Salamat. Babayaran din namin lahat ang magagastos niyo kapag naka-sweldo na kami," sabi naman ni Delsin.   "Delsin, tama? Pare, ayos lang naman kahit kailan ninyo 'yan bayaran. Nandito lang naman ako bilang kaibigan. Kung hindi nga lang makulit si Boyong eh hindi ko talaga papabayaran kung ano man ang magastos niyo rito," nakangiting sagot ni Alexis.   "Ang bait mo talaga pare. Kaya ako sayo lumapit eh, alam kong tutulungan mo talaga ako," sabi ni Boyong.   "Oo naman. Sige, hintayin na lang natin na matapos sa pagluluto ng hapunan si Oryang tapos sabay-sabay na tayong kumain," sagot naman ni Alexis habang nilalaro ang anak sa kanyang kandungan.   Inayos naman ni Delsin at Boyong ang  gamit nila. May isang kwarto doon na walang nagamit. May isang double-deck na higaan kaya kasya naman sila Delsin at Boyong.   "Pinsan, ako na lang sa taas ah? Dito kasi ako nasanay eh. Salamat," sabi ni Boyong at inayos na ang gamit niya sa taas.   Ngumiti lang si Delsin kahit na gusto niya na siya ang nasa itaas. Inayos na lang niya ang gamit sa baba ng doble-deck at umupo na doon.   Wala naman nang nagawa si Delsin dahil bago lang naman siya doon. Alam niya sa sariling wala siyang karapatan na magsalita dahil wala pa siyang alam. Sa ngayon, susunod lang siya sa pinsan niyang si Boyong.   Humiga muna si Delsin, bigla niyang naisip si Nanay Ising. Iniisip pa rin niya kung galit pa rin ba ito sa kanya o hindi na.   Nang kakain na sila ng hapunan ay tinawag na silang dalawa ni Alexis sa kwarto. Hiyang-hiya pa si Delsin na lumabas doon. Umupo sila kasabay ni Alexis at Oryang.   "Nasaan ang anak ninyo, pare? Tapos na kumain?" tanong ni Boyong.   "Oo, pinakain na kanina ni Oryang. Nasa kwarto, naglalaro sa cellphone," sagot ni Alexis.   "Ah." Tumango-tango si Boyong.   Nang marinig ni Delsin ang sinabi ni Alexis ay naalala niya na kailangan pala niya ng cellphone para ma-contact si Nanay Ising.   Pinangako tuloy niya sa sarili na kailangan niya talagang mag-trabaho para makabili ng cellphone. Yung kahit pantawag lang at hindi mamahalin.   Pagkatapos nila kumain ay nag-presinta si Delsin na siya na ang maghuhugas ng pinggan.   "Ayos lang 'yan,magpahinga na lang kayo ni Alexis, Oryang. Sanay naman ako sa ganitong gawain dahil isa ito sa mga inuutos sakin ni Nanay Ising."   "Sigurado ka ba dyan?" tanong ni Oryang.   "Oo naman. Ako na rin ang magpapatay ng mga ilaw ninyo mamaya pagkatapos kong maghugas. Good night," sabi ni Delsin pagkatapos ay ngumiti.   "Sige. Salamat, Delsin ah?" sabi ni Oryang.   "Walang ano man."   Habang abala si Delsin sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila ay tulog na tulog naman si Boyong sa kwarto.   Natapos si Delsin sa paghuhugas bandang alas-nuebe na ng gabi. Nang pumasok siya sa kwarto kung saan matutulog na sila ni Boyong ay binagsak na niya ang katawan sa higaan sa sobrang pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD