Chapter 3

1119 Words
Nagising si Delsin dahil sa ingay sa bahay nina Alexis. Agad siyang napabangon dahil kita na ang araw sa may bintana. Inayos niya ang higaan pagkatapos ay tiningnan ang pinsan na si Boyong habang ito'y tulog na tulog. Nakataas pa ang kamay na tila ba inaamoy ang kanyang kili-kili. "Hoy! Bumangon ka na dyan, male-late tayong dalawa sa trabaho. Unang araw ulit ng pasok mo ngayon ah?" sabi ni Delsin habang nagpapagpag ng hinihigaan. "I-Ikaw na lang ang pumasok. Pagod pa ang katawan ko, parang ayaw pang makisama," sagot ni Boyong na nakapikit pa rin kahit na nagsalita na. "Aba, buti ba kung alam ko ang mga lugar dito. Madali lang sana 'yon. Kaso, hindi eh. Kayo ni Alexis ang magsasabi sa akin ng daan papunta doon," sagot naman ni Delsin na honihintay nang magising si Boyong. "Limang minuto pa. Antok na antok talaga ako eh," sagot ni Boyong. Wala nang nagawa si Delsin kundi ang tumayo at pumunta na sa banyo. Maliligo muna siya, sa daan na lang niya gusto kumain. Habang naglalakad papunta sa banyo ay tinawag siya ni Oryang. "Delsin, kumain ka na oh. Nagluto ako ng pritong isda saka itlog. Sabayan mo na kami ni Alexis," nakangiting   sabi ni Oryang. "Uy, salamat Oryang ha? Pero ayos na ako. Kailangan ko na kasing kumilos at mahuhuli na kami ni Boyong sa trabaho," sagot naman ni Delsin pagkatapos ay ngumiti. "Ah, ganoon ba? Sige, ipagdadala ko na lang kayo ni Boyong ng pagkain niyo," tumayo si Oryang at inayos na iyon. Ayaw man ni Delsin na gawin iyon ni Oryang ay hindi na niya napigilan ito. Isa pa, nagmamadali rin kasi talaga siya kaya hinayaan niya na si Oryang. Pagkaligo ni Delsin ay nakita naman niya ang pinsan na si Boyong na kasabay kumain ang pamilya ni Alexis. Napa-iling na lang siya dahil doon. "Oh pare, kumain ka na muna. Ang sabi sakin ni Oryang, sa daan mo pa raw balak kumain?" yaya ni Alexis. "Ah, oo. Huli na kasi kami doon sa mga trabaho namin," sagot naman ni Delsin na nahihiya. "Kumain muna tayo, medyo malayo ang byahe natin papunta sa address kung saan ka magta-trabaho eh," sagot naman ni Boyong, nainis ng konti si Delsin sa kanyang pinsan. "Ikaw talaga pinsan, di ko na malaman sayo. Sabi mo kanina, ako na lang ang pumasok-" natigil si Delsin dahil sumagot si Boyong sa kanya. "Syempre, joke lang 'yon. Kailangan natin kumayod kaya ito, gising na ako ngayon. Tara, kumain ka muna." Wala nang nagawa si Delsin kundi ang sumabay sa kanila. Binilisan na lang niya ang pag-kain dahil excited na rin siya sa magiging trabaho niya dito sa Maynila kahit na alam niyang construction lang iyon. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na sila kay Oryang. Sumama si Alexis sa kanila dahil siya lang ang may alam sa kung saan-saang lugar dito sa Maynila. "Ingat kayong tatlo," sabi ni Oryang. "Oo, mahal. Alagaan mo ang anak natin. Babalik agad kami mamaya. Mag-ingat kayo rito," sabi naman ni Alexis at sinarado na ang pinto. Nag-jeep silang tatlo pagkatapos ay tricycle. Binaba muna nila si Boyong sa trabaho nito dahil malapit lang naman iyon sa address kung saan magta-trabaho si Delsin. "Balitaan mo na lang ako, pinsan ah. Ingat," sabi ni Boyong. "Oo, Boyong. Ingat ka rin." Kaya naman nakasam si Alexis ay dahil day off niya sa trabaho. Buti na nga lang daw talaga ay nataon iyo  sa pahinga niya, kundi baka mawala si Delsin sa Maynila. "Handa ka na ba? Mahirap dito sa Maynila, hindi katulad sa Bicol na kahit mahirap ang buhay eh tahimik. Dito, mahirap na nga pero panay gulo pa ang dala ng mga tao sa paligid," sabi ni Alexis. Nasa harapan na sila ngayon ng nabigay na address. Bumuntong-hinga si Delsin bago tuluyang sagutin si Alexis. "Para sa pamilya ko, kakayanin ko ang hirap dito sa Maynila. Nangako ako kay Nanay Ising na babalik ako sa kanya at bibigyan ko siya ng masaganang buhay. Gusto kong i-ahon ang pamilya ko sa hirap. Ito na ang umpisa noon," ngumiti si Delsin pero halata ang lungkot sa boses at mukha niya. Tinapik-tapik naman siya sa likod ni Alexis pagkatapos ay ngumiti. Sabay silang naglakad patungo sa pinto at kumatok na si Alexis. Ilang minuto pa ay binuksan iyon ng isang babae. Nasa edad singkwenta na ito. "Anong maitutulong ko sa inyo, hijo?" tanong nito. "Ah, gusto po sana naming maka-usap si Fernando Isla? Iyong may ari po ng construction site? Nandyan po ba siya?" sabi ni Alexis. Nagtaka naman ang mukha ng matanda saka sumagot. "Ha? Sigurado ba kayo na si Perry ang hinahanap ninyo?" tanong niya ulit, halatang hindi makapaniwala sa sinabi ni Alexis. "Opo. Ito po kasi ang address na nakalagay dito sa papel. Sinunod lang po namin," sabi ni Alexis pagkatapos ay binigay ang papel sa matanda para ipakita. "Naku, isa rin pala kayo sa mga naloko. Tsk." Nagulat si Delsin at Alexis sa sinabi ng matanda, pero doon pa lang ay parang tinusok na ng karayom ang puso ni Delsin. "Po? Ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ni Delsin. "Hijo, hindi totoo iyan. Matagal nang hindi si Perry ang may ari ng construction site na iyon. Nasa ibang bansa na nga si Perry at may sarili ng pamilya," may lungkot sa mata noong matanda nang sabihin niya 'yon. "Po? Eh ano po ito? Bakit meron pa pong naghahanap ng mga tauhan kung wala naman na po pala si Fernando Isla?" tanong ni Alexis, lalo lang na naguluhan. "Saan ninyo ba nakita iyan? Sa kompyuter? Internet?" tanong ng matanda. "Opo, nakita po namin sa f******k. May naka-usappa nga po kaming lalaki eh, siya daw po si Fernando Isla," sagot naman ni Delsin. "Eh naku, scammer ang naka-usap niyo at hindi si Perry. Marami na ang naloloko sa internet ngayon. Nakakalungkot na isa kayo sa kanila. Taga-saab ba kayo, hijo?" sagot noong matanda. "Ah eh, bumyahe pa po ako galing sa Bicol para po sana sa trabaho na 'to." "Eh naku, pasensya ka na hijo sa nangyari sayo. Hayaan mo, marami pa namang trabaho dito sa Maynila. Sigurado ako na makakahanap ka ng para sayo," sagot noong matanda sabay ngiti at sara na ng pintuan. Nalungkot si Alexis para kay Delsin. Tinapik-tapik niya ang likod nito bago nagsalita. "Hayaan mo na 'yon. Maghahanap na lang tayo ng bagong trabaho mo. Sasamahan kitang maghanap. At saka, marami naman kaming kakilala ni Oryang. Siguradong meron kang magiging trabaho. Huwag mo na isipin 'yang scammer na 'yan." "Salamat pare. Pasensya na talaga at naabala pa kita sa kalokohan na 'to ah?" may lungkot sa boses na sabi ni Delsin. "Walang problema, pare. Halika na, umuwi na tayo sa bahay. Bukas, maghahanap tayo ng trabaho mo."      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD