Chapter 4

1044 Words
Nagulat si Oryang nang makita ang asawa na si Alexis at si Delsin na nakabalik agad sa bahay. Agad niyang tinanong kung ano ang nangyari, alam kasi niya na papasok dapat si Delsin sa trabaho. “Oh, mahal ko. Anong nangyari? Akala ko ba, papasok na si Delsin sa trabaho?” tanong niya noong binuksan niya ang pinto. Malungkot na umupo ang dalawa bago sumagot si Alexis sa kanyang asawa. “Paano naman kasi mahal, itong si Delsin pala ay na-scam ng ng papasukan dapat niya. Kawawa nga eh,” malungkot na sagot ni Alexis. “Eh paano ka niyan, Delsin? Ano na ang gagawin mo ngayon?” tanong ni Oryang, nag-aalala rin naman sa kanya. “Ewan ko pa, mag-uusap naman kami ni Boyong mamaya. Iisipin namin kung paano ang gagawin. Pasensya na talaga kayo sa akin, hindi ko naman kasi alam na scam pala iyong papasukan ko. Kung alam ko lang, hindi ko na pinilit pa ito,” sagot ni Delsin, lungkot na lungkot. “Hayaan mo na ‘yong nang-scam sa iyo, pare. Makakarma din naman siya sa darating na panahon. Sabi ko naman sa iyo kanina, talamak na talaga ang manloloko ngayon. Lalo na dito sa Maynila dahil alam nilang madaming may kailangan ng trabaho,” sagot ni Alexis. “Kapag wala talaga, wala na akong magagawa. Kailangan ko na talagang umuwi sa Bicol. Ang iniisip ko lang, ‘yong Nanay Ising ko. Nag-away pa kasi kami dahil ayaw niya akong pumunta dito pagkatapos ito naman pala ang mangyayari sa akin, nakakahiya kay Nanay Ising,” malungkot na sabi ni Delsin. “Alam mo, pare. Wala ka namang kasalanan kung naloko ka ng taong ‘yon. Siya ang may kasalanan kasi pinaasa ka niya. Hayaan mo, ihahanap kita ng trabaho. Darating rin naman ang araw na makakahanap ka ng trabaho dito, ang kailangan mo lang ay maghintay talaga.” Dahil sa sinabi ni Alexis ay nabigyan ng pag-asa si Delsin. Naisip niya na baka hindi nga talaga iyon para sa kanya. Wala naman na siyang magagawa eh, kahit umiyak pa siya ngayon o ma-mroblema dahil doon ay hindi na niya mababago pa ang sitwasyon. “Sige, pare. Maghahanap na nga lang talaga ako ng bagong trabaho. Baka meron pa sa kompanya niyo, sabihan mo lang ako ha? Maraming salamat talaga,” nakangiting sabi ni Delsin. “Oo naman, ihahanap kita sa kompanya ko. Kapag meron, sasabihan agad kita. Si Oryang, marami rin namang kakilala iyan na pwede kang tulungan,” sagot ni Alexis. “A-Ah, oo nga. May mga kakilala naman ako na naghahanap rin ng trabaho nila. Kapag naka-usap ko ‘yon, pasasamahan kita sa kanila para naman makahanap ka rin ha?” nakangiting sagot naman ni Oryang. Pero sa totoo lang ay ayaw talaga ni Oryang na tulungan si Delsin dahil alam niya sa kanyang sarili na hirap na nga sila sa buhay ng asawa na si Alexis, pagkatapos ay tutulong pa sila sa taong hindi naman nil aka-ano ano at hindi rin naman nila kilala talaga? Si Alexis kasi, may ugali talagang matulungin sa kanyang kapwa. Iyon lagi ang pinag-aawayan nilang mag-asawa. Hindi naman sa madamot na tao si Oryang, sadyang binu-budget niya lang talaga ang pera nila dahil kulang na kulang ito para sa kanilang tatlo. Housewife kasi si Oryang, gusto man niya na mag-trabaho eh ayaw naman siyang payagan ni Alexis. Isa pa, wala rin namang mag-aalaga sa anak nila kaya hindi rin siya makakalabas. Kapag day off naman ni Alexis, tumatanggap siya ng labada mula sa mga kapitbahay. Kaya lang, hindi naman na sapat iyon para sa kanila. Tanging si Alexis lang talaga ang pag=asa nila. Dahil sa inasal ng kanyang asawa, agad na kinausap ni Oryang si Alexis nang makapasok na sila sa loob ng kwarto. Habang si Delsin ay pumasok na rin sa loob ng kwarto nila ni Boyong. Iniisip pa rin niya kung paano siya makakakuha ng trabaho. “Nasa katinuan ka pa ba, Alexis? Alam mo nan gang hirap na hirap na tayo sa buhay natin dito. Idadagdag mo pa silang dalawa sa gastusin natin? Naiisip mo pa ba ‘yang mga desisyon mo?” galit na panimula ni Oryang sa kanyang asawa. “Oh, akala ko ba ay ayos lang sa iyo na tulungan si Delsin? Eh bakit ganyan ka kung magsalita sa akin ngayon?” nagtatakang tanong ni Alexis sa kanyang asawa. “Aba syrempre, nahiya na lang talaga ako sa kanya. Pero kung ako lang ang masusunod, hindi ko naman talaga siya tutulungan. Sino ba siya? Tandaan mo, hindi mo pa kilaala ang Delsin na iyan. Mamaya baka magnanakaw pala iyan o edi kaya ay mamamatay-tao. Ang hirap kasi sa iyo, nagtitiwala ka agad eh,” inis na sagot ni Oryang. “Grabe ka naman sa kanya. Hindi naman siguro siya ganoon. Gusto ko lang naman silang tulungan. Iyon lang,” sabi naman ni Alexis, medyo hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang asawa. “Alam mo sa sobrang pagtulong mo sa tao, mapapahamak ka na sa ginagawa mo. Kami nga ng anak mo, hindi na kami magkandaugaga sa buhay naming dito eh dadagdag pa iyan? Diyos ko naman, Alexis!” galit na sabi ni Oryang. Ang hindi nila alam na da;awa ay tahimik na nakikinig si Delsin sa kabilang kwarto. Sobrang sakit para sa kanya ang narinig niya dahil alam naman niyang hindi ganoon ang intensyon niya sa mag-asawa. “Haynaku, kung ako sa iyo ay matutulog na lang ako. Hayaan mo, ako na ang tutulong kay Delsin. Huwag ka na mag-abala pa. Nakakahiya ka, Oryang aba,” inis na sagot ni Alexis sa kanyang asawa. “Aba, at ako pa nga ang nakakahiya! Itanong mo sa mga kaibigan mo kung sino ang mas nakakahiya sa amin! Lagi ka na lang ganyan, Alexis!” sigaw pa ni Oryang. Tahimik lang na nakikinig si Delsin, gusto na lang niya na maka-usap si Boyong dahil ang siya lang naman ang kakilala ni Delsin dito. Nawalan na rin siya ng pag-asa na tutulungan pa siya noong mag-asawa dahil sa kanyang narinig kanina lang. Gusto niyang umiyak, saan na siya pupulutin ngayon kung pati ang may ari ng bahay kung saan siya nakikitira ay ayaw rin sa kanya? Isa pa niyang iniisip,kung babalik man siya sa Bicol eh tiyak na lalong magagalit si Nanay Ising sa kanya. Baka sabihin pa noon, nagisinungaling siya bilang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD