Makalipas ang ilang taon ay naging maayos na ang buhay ni Delsin, doon pa rin naman siya nagta-trabaho kay Maám Selena pero ngayon ay magkasintahan na sila ni Jenny. Ngayon ay kaarawan ni Delsin, 23 anyos na siya kaya naman naghanda si Jenny at ang mga kaibigan nila ng makakain nila. ‘’Oh, nagdala ako ng spaghetti ha. Alam kong paborito mo iyan, Delsin,’’ sabi ni Roberto, isa sa mga kasama nila sa trabaho. ‘’Salamat, Roberto at nag-abala ka pa talaga. Pwede namang hindi na,’’ nahihiyang sagot ni Jenny sa kaibigan. ‘’Eh ano? Iuuwi ko na lang ba iyan? Sabihin niyo lang sa akin para ma-uwi ko agad ah,’’ biro naman ni Roberto kay Jenny. ‘’Haynaku, Roberto. Maloko ka talaga ano? Pumasok ka na nga sa loob at baka lumamig pa ýong ibang pagkain na nakahanda,’’ sagot naman ni Delsin. Sina Jenn

