Napatawa na lang ýong dalawa pagkatapos ay pumunta na sila doon kung saan nakalagay ang lahat ng pagkain at nandoon na rin ang mga bisita ni Delsin. Nagkantahan sila roon. Ilang minuto pa nga ay bigla namang dumating si Maám Selena. Ang daming pagkain na dala. Gulat na gulat naman sina Delsin at Jenny dahil sa biglang pagpunta ng amo nila. ‘’O, parang gulat na gulat yata kayo, Delsin at Jenny? Bakit? Hindi ba ako pwedeng pumunta sa birthday mo, Delsin?’’ sabi bigla ni Maám Selena, nagising naman sa katotohanan ang dalawa dahil doon. ‘’Ah, hindi po. Hindi naman sa ganoon, akala ko po kasi ay hindi na kayo pupunta sa birthday ko dahil sabi niyo po sa akin eh busy po kayo. Pasensya na po kung nagulat ako. Maraming salamat po sa pagpunta, Maám Selena ha? Sige po, upo muna kayo rito. Hala,

