Chapter 39

1040 Words

Pagkatapos nilang kumain ay tinawagan na nga ni Tonyo ang kaibigan niya para ipasok si Delsin sa trabaho. Agad siyang pumasok sa kwarto para doon tawagan ang kaibigan habang busy na magligpit si Delsin at si Ysmael naman ay nanunuod ng TV sa kanilang sala. “Cynthia, may nakuha ka na ba na magta-trabaho para doon sa sinasabi mo sa akin?” tanong ni Tonyo. “Wala pa naman, bakit? May mairere-komenda ka ba sa akin?” sagot naman ni Cynthia. “Ah, ito kasing kaibigan ko eh nawalan ng trabaho noong nakaraan. Baka pwedeng subukan mo muna dyan sa inyo at naghahanap nga ng trabaho. Buti na lang at naalala kita,” sabi ni Tonyo. “Oh sige ba, papuntahin mo siya rito at para makilala ko na. Matagal na rin akong naghahanap ng kasambahay, eh,” sabi ni Cynthia sa kabilang linya. “Ah, sige, i-text mo na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD