Agad na pinapasok ni Tonyo si Vanessa sa jwarto para doon kausapin. Alam naman ni Vanessa na iyon ang gagawin ni Tonyo at handa naman siya lagi doon. Ilang beses na siyang pinagsasabihan ni Tonyo pero hindi naman siya nakikinig, e. “Ano ba ‘yong sinabi mo sa kanya? Akala mo, hindi ko rinig? Kung anu-ano na naman nalabas sa bibig mo ah. Mabait naman si Delsin, huwag mo siyang sasabihan ng ganoon simula ngayon,” malinaw na sabi ni Tonyo kay Vanessa. “Bakit mo ba kasi tinutulungan kasi ‘yan? Haynaku, gagawin ko na lang kung ano ang pinapagawa mo sa akin pagkatapos tapos na ha! Ayaw ko na,” sagot ni Vanessa at lumabas na sa kwarto. Nagulat naman si Delsin nang lumabas si Vanessa mula sa kwartong iyon. Napatayo na lang siya. “A-Aalis na ba tayo?” mahinang tanong ni Delsin, natatakot na kay

