Kahit na sinabi na ni Cynthia kay Delsin na hindi niya sasabihin kay Selena ang problema ni Delsin ay hindi niya na nakayanan pang itago iyon sa kaibigan niya. Alam niyang magagalit si Delsin pero kailangan na kasi ng tulong ni Delsin eh. Ngayon ay tinatawagan niya si Selena. Sa pangalawang ring ng cellphone ay sumagot ang kaibigan niya sa kanya. Sa una ay kinakabahan siya pero kinaya naman niya. Huminga siyang malalim bago nagsalita. ‘’Hmm. Selena, pwede ba tayong mag-usap? Kahit sa malapit na coffee shop na lang near you. May gusto lang sana akong i-discuss sa iyo,’’ medyo nahihiyang sabi ni Cynthia kay Selena. ‘’Ah, medyo marami akong meetings ngayon pero I can move them naman this afternoon. Tungkol saan ba ang problema natin?’’ nagtatakang tanong naman ni Selena kay Cynthia. ‘’Ah,

