Sa kabilang banda naman ay dumating na si Selna sa coffee shop. Nakaupo na roon si Cynthia, hinihintay siya. Agad siyang umupo sa tabi nito at nagsalita. ‘’Oh, anong problema? Bakit mo ako pinapunta rito? May kailangan ka ba, Cynthia?’’ may pag-aalalang sabi ni Selena kay Cynthia. ‘’Ah, eh tungkol ito kay Delsin. Gusto ko sannag tulungan natin siya sa mga bagay-bagay sa buhay niya. Ikaw na ang amo niya, kaya dapat lang ay alam mo rin ang mga nangyayari sa kanya. Alam kong magagalit siya sa akin kapag nalaman niyang alam mo na, pero wala eh. Kailangan mong malaman ito,’’ sabi naman ni Cynthia. ‘’Oh, anong nangyari sa kanya? Kaya pala tinanong niya ako kung bakit tayo mag-uusap na dalawa. Involved pala siya rito,’’ sabi naman ni Selena. ‘’Oo eh. Alam ko namang marami kang connections, ka

