Chapter 14

1263 Words
Masaya namang pinag-aralan ni Delsin ang cellphone na bigay ni Alexis sa kanya. Sa totoo nga niyan ay naging abala siya sa pagkulikot ng cellphone niya dahil sa sobrang pagtataka sa kung anong meron doon. Kahit paano ay masaya siya dahil sa natanggap mula kay Alexis. Paggising niya ay wala na sa higaan si Boyong, kaya agad siyang napabangon at napapunta sa labas para tingnan kung ano na ang nangyayari. Isa pa, naalala kasi niya na may pasok din nga pala siya sa trabaho ngayon. Napapikit na lang siyang madiin nang makita na nakain na sina Oryang, Boyong at Alexis kasama ang anak noong mag-asawa. Walang anu-ano ay umupo na rin siya sa tabi ng kanyang pinsan para makakain na. Inis na inis naman siya dahil hindi man lang siya naalalang gisingin ng pinsan niya eh alam naman nito na kailangan niyang maging maaga sa trabaho niya. Dahil sa inis ay inapakan niyang konti si Boyong sa paa para hindi rin makahalata ang mag-asawa sa nangyayari. “Huy, ano ba? Bakit ka ba nang-aapak ng paa dyan ha?” inis na bulong ni Boyong sa kanyang pinsan, ayaw niya rin kasing makagulo sa mag-anak na nasa harapan nila ngayon, lalo na nasa hapagkainan sila. “Bakit naman hindi mo ako ginising ha? Alam mo naman na may pasok din ako sa trabaho. Nakakainis ka talaga,” sabi ni Delsin kay Boyong. “Itanong mo iyan sa sarili mo, ilang beses na kitang tinangkang gisingin pero hindi ka naman magising kaya hinayaan na kita. Paano ay napuyat ka naman kasi sa kakakalikot mo dyan sa bago cellphone eh. Tapos ako sisisihin mo kapag tinanghali ka ng gising. Aba, magaling ka rin, ano?” inis na sagot ni Boyong, mahina lang para hindi marinig noong mag-asawa. “Sa susunod, pinsan eh gisingin mo na ako ha? Ang hirap eh, buti na lang at nakita ko ang araw na sumisikat na sa kama ko. Kung hindi pa ay sigurado akong tulog pa ako ngayon,” sabi ni Delsin, nagsisisi na siyang nagpaka-busy siya sa kanyang bagong cellphone kagabi. “Aba pinsan, total ay may cellphone ka na lang rin ay turuan mo na ang sarili mong mag-alarm sa cellphone mo. Hindi naman sa lahat ng oras ay handa akong maging alarm clock mo, ano. May mga kailangan rin naman akong gawin sa buhay ko,” sabi pa ni Boyong. “Alarm clock? Ano iyon? Pasensya na, wala naman kasing ganoon sa probinsya natin. Ang meron doon, manok sa umaga na tumitilaok para magising tayo,” sabi ni Delsin. “Ah, oo nga pala. Hindi mo siguro nakita iyon kagabi sa pagkalikot mo sa cellphone mo ano? Sige, mamaya ay tuturuan kita tungkol doon. Ngayon, kumain muna tayo at tanghali na eh,” sabi naman ni Boyong sa kanyang pinsan. “Sige, turuan mo ako mamaya.” Dahil napansin ni Alexis ang dalawa na nag-uusap ay sumabat na rin siya. Napansin kasi niya na medyo puyat yata si Delsin kaya kinumusta niya ito. “Oh, Delsin. Kumusta ‘yong cellphone na binigay ko sa iyo kagabi? Madali lang naman gamitin hindi ba? Hindi ka naman nahirapan?” tanong ni Alexis. “A-Ah, hindi naman. Hindi lang ako sanay, salamat talaga sa binigay mo kagabi. Hayaan mo, babayaran ko ‘yon sa iyo,” nakangiting sagot ni Delsin, nahihiya siya kay Alexis. “Naku, iyan ka na naman ah. Ano bang sinabi ko sa iyo kagabi? Huwag mo munang isipin iyon ah, saka mo na ako bayaran kapag kaya mo na,” sabi ni Alexis, pero hindi pa rin mapigilan ni Delsin mahiya lalo na kaharap nila si Oryang ngayon. “Kung gusto na niyang bayaran sa iyo, hayaan mo. Ayo slang naman iyon, buti nga at magbabayad na siya eh. Para naman maka-minus sa gastusin dito sa bahay,” pagtataray na naman ni Oryang. “Oryang, ang aga-aga ah, iyan ka na naman. Huwag mo naman sirain ang araw ko, alang-alang na lang rin sa anak nating dalawa. Tumahimik ka muna,” sabi ni Alexis at bumalik kay Delsin at Boyong. “Sana ay magamit mong maigi ang cellphone na bigay ko. Kapag may kailangan ka pa ha, sabihin mo lang sa akin at ako na ang bahala,” sabi ni Alexis kay Delsin habang nakangiti pa. Kaya labis na mainis si Oryang sa kanyang asawa dahil pagdating sa ibang tao ay ang galing nitong tumulong. Samantalang sa kanyang asawa at anak ay sapat lang para sa kanilang pamilya. Eh ang gusto ni Oryang ay ang maibigay niya ang lahat para sa anak niya, ngunit mukhang hindi iyon matutupad kung si Alexis ang kasama niya, dahil inuuna pa nito ang iba kaysa sa sarili niyang pamilya. Hindi na nagsalita pa si Delsin at kumain na lang para makapag-ayos na at makapasok sa trabaho. Alam niya kasi na kapag sinagot pa niya si Alexis ay hindi na ito titigil. Lalo na si Oryang na mainit ang dugo sa kanya kahit na sabihin pa niyang babayaran naman niya ito. Pagkabihis niya ay si Boyong naman ang naligo at nag-ayos ng sarili. Dahil nga mainit ang dugo ni Oryang sa kanila ay hindi na sila nagpaalam kay Alexis na papasok na sila sa trabaho. Ni hindi na nga nila ito hinintay dahil may usapan sila na sabay-sabay silang papasok pero hindi na nangyari dahil sa away nila nitong mga nakaraan. Nahihiya na kasi ‘yong magpinsan at parang gusto na lang din nila na lumayo kay Alexis dahil sa mga gulo na nagagawa nila sa pamilya niya. Noong una pa ay hindi pa iyon pinapansin ni Boyong, pero napagtanto niya na hindi na maganda ang mga ganap nitong mga nakaraang araw doon sa bahay nina Alexis. “Huy, hala. Baka hinahanap na tayo ni Alexis at magtaka kung bakit hindi natin siya sinabay papunta sa trabaho,” sabi ni Delsin sa pinsan niya. “Oh eh mas nakakahiya naman iyong iisipin ni Oryang na binibilog na natin ang asawa niya dahil sa kakasama ni Alexis sa atin. Alam mo, tama ka naman eh. Dapat eh umalis na tayo doon kasi kitang-kita naman nating dalawa kung gaano kagalit si Oryang sa atin,” sabi ni Boyong. “Iyon nga eh, hayaan mo at aalis na rin naman tayo doon. Ang hirap kumilos sa isang lugar na alam mong hindi ka naman tanggap ng mga taong nakapaligid sa iyo,” sabi ni Delsin. “Oo nga, tama ka. Pasensya ka na sa akin pinsan, ha? Pasensya ka na sa akin kung noong una ay hindi pa ako naniniwala sa mga sinasabi mo. Ngayon, nakikita ko na talaga ang problema. Hayaan mo at tutulungan naman kitang makahanap ng bahay na malilipatan kapag lilipat ka na,” sabi ni Boyong. “Oh, bakit naman ako lang ang aalis doon? Hindi ka na naman ba sasama sa akin?” tanong ni Delsin. “Pwede ba akong sumama? Ayos lang ba sa iyo?” tanong naman ni Boyong, nahihiya sa kanyang pinsan. “Oo naman, sino bang nagpasok sa akin dito? Diba ikaw? Eh di kung nasaan ako, dapat nandoon ka rin para mabantayan natin ang isa’t isa. Tiyak naman kasi ako na kapag wala ako, hindi sigurado ang kaligtasan mo sa bahay nina Alexis kaya samahan mo na lang ako,” sabi ni Delsin. “Oo nga, sa ngayon ay mag-trabaho muna tayo para may pangbayad na tayo ng mga utang kay Oryang. Haynaku, sana ay maging maayos talaga ang mga buhay natin dito sa Maynila.” Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay nagpaalam na sila sa isa’t isa dahil magkaiba na ang daan ng papasukan nilang trabaho. Pinahahalanan na lang ni Boyong si Delsin na mag-text siya kung sakaling may problema, para mabilis na mapupuntahan siya ni Boyong kung sakali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD