Chapter 6

1144 Words
Maagang nagising sina Boyong at Delsin dahil maghahanap nga sila ng trabaho. Agad silang nagluto ng umagahan. Nahihiya pa nga si Delsin dahil nangingialam sila sa kusina ng mag-asawa. “Sigurado ka ba, pinsan? Ayos lang itong ginagawa nating dalawa rito?” tanong niya, labis na kinakabahan. “Oo naman, ang tagal ko na rito. Wala naman silang sinasabi sa akin eh. Saka, walang mawawala dito sa kanila. Alam naman natin sa sarili natin na hindi naman tayo mga magnanakaw di ba?” sagot naman ni Boyong sa kanyang pinsan. Tumango si Delsin bilang tugon. Nagluto na rin sila ng pagkain para kina Oryang at Alexis. Sabi kasi ni Delsin ay nararapat lang raw na kahit paano ay pagsilbihan nila ang mag-asawa dahil sila ang nagpapatira sa kanila doon sa bahay. Pumayag naman si Boyong. Pagkaluto nila ng umagahan ay tinawag ni Delsin ang mag-asawa. Male-late rin kasi si Alexis sa trabaho kung hindi nila ito gisingin. “Oh, bakit ang aga niyo yatang magising? Kanina pa ba kayo nagluluto dyan?” sabi ni Alexis nang makita sina Delsin at Boyong. “Oo, kanina pa kaming nagluluto. Ito kasing si Delsin, lagi talagang maagang magising sa probinsya. Kaya pati rito sa Maynila ay nadala niya. Mamaya pa sana ang gising ko kaso gusto niya raw na ipagluto kayo ni Oryang,” nakangiting sabi ni Boyong sa kaibigan, napangiti rin naman si Alexis dahil sa narinig. “Ayo slang naman kung hindi mo na kami ipagluto, Delsin. Sigurado namang kayang-kaya na ni Oryang iyan. Napaaga pa tuloy ang gising mo,” sabi ni Alexis kay Delsin. “Hindi, ayos lang naman. Ganitong oras naman talaga ako nabangon, kahit noong pa na nasa probinsya ako. Kaya walang problema sa akin. Isa na rin ‘to sa naisip kong paraan para makapagpasalamat sa inyong dalawa ni Oryang,” ngumiti siya, pero bigla na naman niyang naalala na nag-away ang mag-asawa dahil sa pagtira niya sa kanila. “Naku, wala iyon. Pare-parehas natin kailangan ngtrabaho, kung ako rin naman ang nasa posisyon niyo ay makikitira rin naman ako sa ibang tao. Kung iyon na lang talaga ang paraan para mabuhay ako rito sa Maynila, gagawin ko naman eh. Ngumiti na lang si Delsin at hindi na muling nagsalita pa. Pagkaraan ng ilang minuto ay tinawag na ni Alexis si Oryang. Lumabas rin naman agad ito mula sa kanilang kwarto, kasama ang anak nila. “Oh, luto na agad ah. Ang galing naman,” sabi ni Oryang, pero alam nina Boyong at Delsin. “Oo nga, ang galing nilang dalawa. Sabi ko nga, huwag na eh. Kaya mo naman kasing magluto, kaso noong lumabas na ako ay luto na ang ulam. Hindi ko na sila napigilan pa,” sabi ni Alexis. Lumapit si Oryang kina Delsin at Boyong, Tiningnan niya ang ulam at umakto na parang gustong-gusto niya ang niluto noong dalawa. Ngunit sa loob-loob naman niya eh hindi niya talaga gusto iyon. “Hmm, mukhang masarap ‘yan ah. Mahilig ka bang magluto sa Bicol, Delsin?” tanong ni Oryang, nakangiti pa. “Oo, kapag wala kaming ginagawa sa amin ay iyon ang ginagawa ko. Sabi ni Nanay Ising, masarap naman daw,” nakangiting sagot ni Delsin. “Malalaman natin iyan mamaya,” nakangiting sagot ni Oryang. Kumain na sila, noong tikman ni Oryang ang pagkain na niluto nina Delsin at Boyong ay nasarapan talaga siya pero iba ang sinabi niya doon sa dalawa. :Hala, bakit ang alat?” tanong ni Oryang, kunwari ay naaalatan siya sa natikmang ulam. “Ha? Pinsan, dinamihan mo ba ng asin ‘yon?” nagtatakang tanong ni Delsin kay Boyong. “Ha? Hindi ah, ayos lang naman ang lasa niyan kanina bago ko i-ahin eh. Anong nangyari?” nagtataka na rin si Boyong, tinikman niya ulit ang kanyang niluto. “Ayos naman ah, hindi naman masama ‘yong lasa. Tamang-tama nga eh,” sagot ni Boyong nang matikman na niya ang adobo na niluto. Tinikman din tuloy ni Alexis ang niluto nila, ayos rin naman sa panlasa niya kaya takang-taka na siya ngayon kung ano ‘yong sinasabi ng kanyang asawa. “Okay naman ah, ang sarap nga. Sa sobrang sarap, parang makakalimutan ko na ang pangalan ko. Anong nangyayari sa panlasa mo? Ayos ka lang ba, Oryang?” sabi ni Alexis. “Ah, baka ako ang may problema. Teka lang ha? Papasok muna ako sa loob ng kwarto dahil masakit ang ulo ko eh,” arte pa ni Oryang. “Pare, baka buntis na ulit ‘yang asawa mo. Congrats sa inyo!” masaya pang sabi ni Boyong pero alam naman niya na hindi totoo ang pinakita ni Oryang. “Pare, saglit lang ah. Aasikasuhin ko muna ang asawa ko,” tumayo si Alexis at sinundan si Oryang. Napatingin naman si Delsin sa kanyang pinsan. Iniisip pa rin niya nab aka may mali nga talaga doon sa niluto nila ni Boyong. “Oh, bakit ganyan ang mukha mo ha? May problem aka sa niluto kong adobo?” tanong ni Boyong. “W-wala naman. Baka may nasobra tayong sangkap kaya ganoon ang reaksyon niya. Naku naman, nakakahiya kaya!” sabi ni Delsin. “Hindi nakakahiya ‘yon, nakakatawa nga eh. Mukha siyang ewan. Huwag mo ngang alalahanin ‘yon, sinabi niya lang iyon para alam mo na hindi maganda ang impresyon niya sa iyo. Pero ang totoo, sarap na sarap naman sa niluto nating adobo iyon,” taas-noo pang sagot ni Boyong. “Paano mo naman nalaman ha?” tanong ni Delsin. “Ganoon naman lagi iyon, sa unang pagluluto ko dito sa bahay nila ay ganoon rin ang sinabi niya sa akin eh. Saka, kapag wala ang asawa niya ay nalabas na talaga ang tunay niyang ugali. Kaya kung ako sa iyo ay i-handa mo na ang sarili mo,” sabi ni Boyong, natatawa pa. Tumayo na ang dalawa at naghugas na ng plato. Hoindi muna nila inalis ang pinggan ng mag-asawa dahil hindi pa naman sila tapos na kumain. Pagpapakita na rin iyon ng respeto sa kanila. Habang naghuhugas ang dalawa ay narinig nila na nag-aaway sina Oryang at Alexis sa loob ng kwarto. “Bakit naman sinabi mong malaat kahit ang totoo ay hindi naman? Oryang, ano bang nasa isip mo?” inis na sabi ni Alexis sa kanyang asawa. “Eh maalat naman talaga iyon! Anong magagawa ko? Ibigsabihin, hindi siya magaling magluto!” sigaw naman ni Oryang. “Iyan ka na naman sa ugali mo, Oryang. Hindi mo ba talaga tatanggapin sa bahay natin? Sumisigaw ka pa, hindi ka ba nahihiya na baka marinig ka nila? Nakakahiya, Oryang!” sigaw rin ni Alexis. “Hinding-hindi ako mahihiya sa kanila kung nasa pamamahay naman natin sila. Kung tutuusin, sila ang dapat mahiya sa atin! Isa pa, hindi ko matatanggap ‘yang mga kaibigan mo dito,” sagot ni Oryang. Doon napagtanto ni Delsin na dapat nga talaga siyang umalis na sa pamamahay na ito. Hindi na niya kaya pa na samahan ang mag-asawa, kahit pa ayaw ni Alexis na umalis siya. Sabi niya sa sarili, kahit anong mangyari ay gagawa siya ng kanyang paraan para makaalis lang sa mala-empyernong bahay na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD