Chapter 11

1120 Words
Nagising lang sa katotohanan si Delsin nang tawagin ulit siya ni Beverly. Nakatulala na kasi ito sa kagandahan ng dalaga. “Delsin, ayos ka lang ba? May problem ba?” tanong ni Beverly, naguguluhan sa nangyayari ngayon kay Delsin. “A-Ah, ayos lang naman po. Pasensya na po, Ma’am. Hindi po kasi ako sanay sa ganito. Saka, ang lamig po dito sa opisina ninyo. Pasensya na po ulit, Ma’am Beverly,” pagsisinungaling ni Delsin. “A-Ah, ganoon ba? Oh sige, umupo ka na para mapag-usapan na natin ang trabaho mo,” sabi ni Beverly na nakangiti kay Delsin, umupo naman si Delsin pagkatapos noon. Doon na nga ay napag-usapan nina Delsin at Beverly ang trabaho niya. Masaya naman si Delsin dahil may pagkaka-abalahan na siya. Isa pa, hindi na siya kukutsain pa ni Oryang na walang kwenta. Pinangako talaga niya sa sarili na gagawin niya ang lahat maayos lang ang kanyang sarili at ang papasukan niyang trabaho. “Oh, Delsin. Gusto mo na ba magtrabaho ngayon o bukas ka na magsisimula?” tanong ni Beverly. “Ngayon na po, Ma’am. Para mapag-aralan ko na rin po ang mga bagay-bagay dito,” masayang sagot ni Delsin. Tumango si Beverly bilang tugon. Sa totoo lang, kaya naman niya gustong magsimula na sa trabaho ay dahil kay Beverly. Simula kasi noong nasilayan niya ito kanina ay hindi na niya mapigilan ang sarili. Ang dami na niyang gustong malaman tungkol sa amo niya. “Oh paano Delsin, galingan mo ha? Dito ko rin naman malalaman kung maayos ka sa trabaho. Kaya ipagbuti mo ha?” nakangiting sabi ni Beverly kay Delsin. “Oo naman po, Ma’am. Gagalingan kop o oara sa inyo, este gagalingan kop o pala para talagang matanggap ako sa trabahong ito,” natatawang sabi pa ni Delsin, nahihiya siya sa kanyang sinabi. “A-Ah, okay. Sige, makakapagsimula ka na,” sabi ni Beverly, pagkatapos noon ay lumabas na si Delsin sa opisina ng kanyang amo. Dahil hindi pa nga niya alam kung saan magsisimula ay nagpatulong muna siya kay Tonyo, isang masahista din doon na medyo matagal na. Inutos ni Beverly na si Tonyo ang magbigay ng mga dapat gawin kay Delsin. Kahit na may yabang ang pakikipag-usap ni Tonyo kay Delsin ay nakangiti pa rin si Delsin kay Tonyo. Inisip na lang niya na pagod ito kaya ganoon na ang pakikipag-usap nito sa kanya. Kahit maaga pa kasi ay marami na ang taong nasa loob ng spa salon. “Delsin, tulungan mo si Ma’am na maka-upo doon. Bilis!” sabi ni Tonyo. “A-Ah, oo sige.” Nagmadali si Delsin na puntahan ang ginang at pina-upo niya ito sa bakanteng upuan. “Ma’am, saglit lang po. Maupo po muna kayo dyan, ihahanda ko lang po ‘yong mga gamit, ha?” malumanay na sabi ni Delsin. “Oo naman, sige. Salamat.” Nakangiting sabi naman ng ginang. Pagkatapos noon ay nagpatulong na si Delsin kay Tonyo. Inis pa si Tonyo noong una pero hindi na lang niya pinansin ito dahil naisip niya na bago nga lang pala si Delsin sa trabaho. Isa pa, baka makita din siya ni Beverly kaya hindi pwedeng magalit siya. Ayaw kas ni Beverly na may nag-aaway sa trabaho. Nang bumalik na si Delsin sa ginang ay nag-umpisa na siyang masahihin ang kamay at ang paa nito. “Aba, ang galing mo naman hijo,” sabi noong ginang sa kanya. “Ay, salamat naman po at nagustuhan niyo po ang serbisyo ko sa inyo. Sa totoo lang po, unang araw ko lang po ngayon sa trabaho at napakalaking bagay po sa akin na sinabi niyo iyan,” masayang sabi ni Delsin. “Ah, ganoon ba hijo? Buti ay maalam ka na agad. Hindi naman mukhang bago ka lang sa ganito. Maayos kang magmasahe,” masayang sabi noong ginang. “Ah, eh kasi po sa probinsya namin ay lagi ko pong minamasahe ang Nanay Ising ko kaya siguro po ay doon ako natuto magmasahe,” sagot naman ni Delsin sa ginang. Ilang kwentuhan pa ang naganap. Masaya si Delsin na kahit unang customer pa lang niya iyon ay nakapalagayang loob na niya ito. Gusto niya sana na laging ganoon ang mga customer niya pero alam naman niya na may mga customer pa rin na mayayabang at matataray. “Salamat hijo ha. Sana ay tumagal ka dito sa trabaho mo. Gusto ko sa susunod na punta ko dito, ikaw pa rin ang magmamasahe sa akin ah?” sabi ng ginang sa kanya. “Oo naman po, masaya po ako na nagustuhan niyo ang serbisyo ko. Hayaan niyo po, mas gagalingan ko sa mga susunod na pagkikita natin. Maraming salamat po!” masayang sagot ni Delsin. Tumayo na ang ginang at nagbayad na sa cashier. Si Delsin naman ay nakatingin pa rin sa ginang at hinihintay itong makalabas bilang pag-respeto sa matanda. Pagkatapos noon ay marami na siyang customer na dumating. Masaya siya dahil positibo ang sinasabi nilang lahat tungkol sa serbisyo niya. Kahit pa kita niyang inis si Tonyo dahil nakukuha nito ang mga customers ay hindi na lang niya iyon pinansin pa. Masaya ang mga customers ni Delsin dahil maayos si Delsin kausap. Ang dami ring customers na nagbigay ng tip sa kanya. “Delsin, balita ko ay magaling ka daw magmasahe sabi ng mga customers? Pinapahanga mo naman agad ako, unang araw mo pa lang ah,” masayang bati ni Beverly kay Delsin nang mapadaan siya sa harapan nito. “A-Ah, hindi naman po, Ma’am. Sadyang ganoon lang po kasi ang ginagawa ko sa Nanay Ising ko kaya iyon din po ang ginagawa ko sa mga napasok dito sa spa,” masayang sabi ni Delsin. Sa totoo lang ay kinilig si Delsin nang sinabi ni Beverly iyon. Syempre, dahil gusto niya nga si Beverly ay nagpakitang gilas talaga siya dito kahit paano. Naisip niya na kung laging magiging ganito ang trabaho niya, matutuwa sa kanya si Beverly lagi at kahit paano ay magiging close silang dalawa. Pag-uwi niya mula sa trabaho ay nakangiti pa rin siya dahil maganda ang naging unang araw niya. Gulat na gulat nga si Boyong dahil hindi niya alam kung bakit ganoon ang ngiti ni Delsin. “Uy, pinsan. Ayos ka lang ba ha? Parang ang saya-saya natin ah. Nanalo ka ba ng isang milyon nang hindi ko alam?” sabi ni Boyong nang sunduin niya si Delsin mula sa spa salon. “Baliw ka talaga pinsan, hindi ah. Masaya lang ako dahil masaya ang mga customers sa serbisyo ko kanina. Sana ay laging ganoon ang mangyari,” sabi ni Delsin. Ang totoo naman talaga ay masaya siya dahil sinabihan siya kanina ni Beverly na maayos siyang magmasahe. Magiging lakas na niya ang pagsilay kay Beverly araw-araw. Lalo pa siyang gaganahan mag-trabaho at tiyak niya na susundin niya lagi ang gusto ng customer niya. Lalo na ‘yong mga matataray o magagalitin dahil pagod sa kung ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD