Chapter 10

1064 Words
Paggising ni Oryang ay gulat na gulat siya dahil nakita niya si Delsin na nagliligpit ng higaan sa kwarto nila ni Boyong. Inis na inis na naman siya dahil akala niya ay wala na ang kanyang problema, pero bumalik pala. “Oh, bakit ka nakasimangot dyan ha?” tanong ni Alexis, hindi pa niya kasi nakikita si Delsin dahil kakabangon niya lang. “Iyan, nandyan na naman ang Delsin na iyan. Akala ko, maayos na ang araw ko, hindi pa rin pala. Tanungin mo nga ‘yan kung bakit bumalik eh umalis na siya!” sigaw ni Oryang sa kanyang asawa. Hindi na lang pinansin ni Alexis ang sinabi ng asawa niya. Sa halip ay pinuntahan niya sa loob ng kwarto si Delsin, tuwang-tuwa siya na bumalik ito agad sa bahay nila. “Delsin, ano? Buti ma,am at nagbago na ang isip mo. Pare, huwag ka na kasing umalis. Hayaan mo na ang aswa ko, ako na ang bahalang kumausap doon. Okay? Pwede naman kayong tumira ni Boyong rito kahit kalian niyo gusto eh. Payag naman ako,” sabi ni Alexis. “H-Hindi, pansamantala lang naman ako dito. Sabi ni Boyong kagabi, tutulungan naman daw niya ako na makahanap ng apartment kapag may trabaho na ako. Eh sakto, tumawag na daw ‘yong isa sa mga pinagpasahan ko ng resume, pupunta ako doon para kausapin sila. Baka ito na rin ang unang araw ko sa trabaho,” sabi ni Delsin. “A-Ah, ganoon ba? Ayos ‘yan, buti naman at tutulungan ka ni Boyong na maghanap ng lilipatan. Eh kung may maitutulong ako, sabihan mo lang ako ah? Masaya akong tutulong sa iyo,” nakangiting sagot ni Alexis. “Huwag na, salamat na lang sa tulong mo. Ayos na ako sa kung ano man ang napag-usapan naming dalawa ni Boyong kagabi,” nakangiting sabi ni Delsin. Wala nang nagawa pa si Alexis kundi ang ngunmiti na lang sa kanyang kaibigan at umalis na doon sa kwarto. Paglabas niya ay agad naman niyang nakita si Boyong kaya kinausap niya ito. “Pare, paano siya bumalik dito kagabi? Nagkusa ba siya?” tanong ni Alexis. “Naku pare, hindi. Hinanap ko iyan sa kalsada. Nag-aalala kasi ako. Isa pa, alam kong magagalit si Tiya Ising sa akin kung hindi ko hanapin ‘yan. Ayaw ko naman na magaya pa siya sa Ate Diana niya kaya hinanap ko kagabi,” sagot naman ni Boyong. “Eh buti naman at nahanap mo.” “Haynaku pare, ayaw pa nga sumama niyan sa akin kagabi. Pinilit ko lang talaga. Buti na lang rin at umulan nang malakas. Napilitan siyang sumama sa akin kasi wala naman siyang sinisilungan doon. Biruin mo, sa kalsada siya tutulog kagabi. Naglatag lang ng karton,” paliwanag pa ni Boyong, inis na inis siya sa naalala niyang nangyari sa kanila kagabi. “Eh, balita ko may trabaho na daw siya? Tumawag daw sa iyo?” tanong ulit ni Alexis. “Ah, oo. Wala kasing cellphone iyan kaya ‘yong sa akin ang binigay niyang number sa mga pinagpasahan niya ng resume. Sige pare, maghahanda na ako at aalis na kami ni Delsin maya-maya,” paalam ni Boyong kay Alexis. Aalis na sana siya pero naalala niya si Oryang, alam na niya sigurong nakita na nito si Delsin. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi magtanong kay Alexis kaya bumalik siya. “Oo nga pala, hindi ba nagalit si Oryang sa iyo? Alam ko, nakita na niya si Delsin kanina,” sabi ni Boyong. “Ah, oo. Alam mo naman iyon, pero hayaan mo na at kakausapin ko na lang siya. Ako na ang bahala sa asawa ko, pare.” “Salamat, pare.” Umalis na si Boyong para magbihis dahil aalis nga sila ni Delsin ngayong araw. Pagkatapos nilang mag-ayos na magpinsan ay nagpaalam na sila doon sa mag-asawa. Kahit ayaw ni Boyong kay Oryang ay nagawa pa rin niyang magpaalam bilang respeto doon sa babae. Habang nasa jeep ay nag-usap ang dalawa. Sobrang saya kasi ni Delsin ngayong araw dahil unang araw niya nga sa trabaho. Syempre dahil wala pa siyang alam ay panay tanong pa siya sa pinsan niyang si Boyong. “Sa tingin mo, kaya ko kaya iyon?” may pag-aalinlangan niyang tanong. “Oo naman, ikaw pa ba? Alam ko naman na pagdating naman sa kahit anong trabaho eh pwede ka. Ang sipag mo kaya na tao, lalo na noong nasa probinsya pa tayo. Kaya alam ko, kayang-kaya mo iyan. Kung kailangan mo ng tulong ko, sabihan mo lang ako. Hindi man tayo parehas ng trabaho, may maipapayo pa rin naman ako sa iyo kahit paano,” nakangiting sagot ni Boyong kay Delsin. Tumango-tango na lang si Delsin bilang tugon. Kahit paano naman ay napalakas ni Boyong ang loob ng kanyang pinsan. Naisip din nga ni Delsin na kakayanin niya ang lahat, basta may tiwala siya sa kanyang sarili at sa Diyos syempre. Nasa isip din niya na kahit anong mangyari sa trabaho niya ay hindi siya susuko para hindi siya matanggal dito. Tiyaga nga lang talaga, sabi nga ni Boyong sa kanya. Pagdating nila doon ay pinapasok naman agad sila ng tauhan. Sa isa itong spa center. Dahil may al;am naman siya sa pagmamasahe dahil iyon ang ginagawa niya sa kanyang Nanay Ising, eh doon niya unang naisipan na pumasok. Isa pa, hindi rin naman magaan o mabigat ang kamay niya. Sakto lang ito kaya sigurado naman siya na magiging maayos ang lahat sa papasukan niyang trabaho. “Oh, paano? Dadaanan na lang kita mamaya ha? Para sabay na lang tayo uuwi. Mag-ingat ka, Delsin ha? Good luck sab ago mong trabaho. Sana ayos ka dito. Kwentuhan mo na lang ako mamaya!” nakangiting sabi ni Boyong sa kanya. “Oo naman, salamat pinsan! Hihintayin na lang kita mamaya,” nakangiting sabi rin ni Delsin. Pagkalabas ni Boyong ay sinamahan na si Delsin ng isang nagmamasahe doon sa spa center. Masaya siyang sumunod. Pumasok sila sa opisina ng magiging boss ni Delsin. Wala pa ito kaya tahimik na umupo lang si Delsin doon. Nang dumating ang boss niya ay hindi siya makapaniwala. Sobrang ganda kasi nito. Sa tantya niya ay matanda ito kumpara sa kanya pero dahil sa sobrang ganda nito ay hindi na alintana kung ano ang edad niya. “Hello. I’m Beverly Rosales, nice to meet you Delsin Marquez,” bati nit okay Delsin. Sa sobrang ganda ni Beverly ay hindi na nakasagot pa si Delsin. Nakatayo lang siya doon, manghang-mangha sa iysura ni Beverly. Hindi niya akalain na dito niya makikilala ang taong babago ng buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD