Nakailang araw na rin ang nakalipas nang makita ni Delsin si Maám Selena. Simula noon ay hindi pa rin nagpapakita ito sa kanya. Mga tatlong araw na. Gusto niyang hindi na umasa pa pero gusto na rin niyang makausap ang babae na iyon para matapos na ang ka-iisip niya tungkol dito. Habang nagtitinda ay may mga batang lumapit sa kanya. Tatlo iyon. Mukhang bibili naman noong ice cream kaya pinagbentahan niya ang mga ito. ‘’Oh, anong sa flavor ang sa inyo?’’ nakangiting tanong ni Delsin doon sa mga bata. ‘’Mango po,’sabi noong isang bata, nasa edad walo ito. ‘’Ube naman sa akin, kuya,’’ sagot naman noong isa na nasa edad sampu. ‘’Cheese po sa akin, kuya,’’ sabi naman nppng isa na nasa edad labing-isa. Habang abala si Delsin sa kanyang ginagawa ay kinukuha nap ala ng mga bata ang kinita niy

