Dahil hindi naman niya kilala ýong babae na iyon ay nanginginig ang buong katawan niya habang nakatingin doon sa babae. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dahil ang nasa isip ni Delsin ay baka masama itong tao. Kakasabi lang din ni Alexis sa kanya na mag-ingat siya sa mga tao sa paligid niya kaya hindi siya makasagot agad sa tanong nito. ‘’Naku, huwag na po. Ayos lang naman po sa akin na ganito ang trabaho ko. Sa katunayan po niyan, unang araw ko lang po ngayon sa trabaho ko eh,’’ pinilit ni Delsin na ngumiti kahiy na takot na takot na siya roon sa babae. Napansin noong babae na hindi kumportable si Delsin sa kanyang pwesto, kaya naman sinabihan niya ito para kumalma. ‘’A-Ah, kung iniisip mo na masamang trabaho ang ibibigay ko sa iyo eh nagkakamali ka. Hindi naman ako ganoong tao,’’

