Agad na binalita ni Delsin na buntis si Jenny kay Nanay Ising. Pumunta siya sa kwarto nito at sobrang sayang ibinigay ang ultrasound sa kanyang ina. Gulat na gulat naman si Nanay Ising sa kanyang anak. ‘’Nay Ising, tingnan niyo po ito, o. Magkaka-apo na po kayo,’’ nakangiti si Delsin nang sabihin niya iyon. ‘’Oh, talaga? Patingin nga anak! Sabi ko na nga ba at buntis talaga si Jenny. Hindi ako nagkamali. Pansin na pansin ko kasi nitong mga nakaraang araw, e.’’ ‘’Hindi ko nga po akalain na buntis siya. Sinabi niya lang po sa akin noong birthday ko kaya ngayon po ay nagpa-check up kami,’’ sabi ni Delsin. ‘’Ah, oo. Bago pa ang birthday mo eh naramdaman ko na nga na buntis siya, anak. O, maging mabuti ka sanang tatay sa magiging anak mo ha. Tatandaan mo ang mga bagay na tinuro namin sa iyo

