Lagi nang nag-uusap sina Raquel at Delsin simula noong doon na ito nagta-trabaho. Gusto siyang layuan ni Delsin pero hindi niya ito magawa dahil ayaw naman niyang magkaroon siya ng problema sa isang ka-trabaho. Lalo na at bago pa si Raquel, baka maging problema pa niya kapag umalis ito. Wala nang kapalit si Jenny. ‘’Mahal ko, pagpasensyahan mo na si Raquel. Baka ganoon lang talaga siya, close sa akin. Alam mo na, ganoon naman kasi ang mga magkakasama sa trabaho, di ba?’’ sabi ni Delsin sa kanyang nobya. ‘’Delsin, babae ako. Alam ko kung may gusto sa iyo ang isang babae o wala. Alam ko ring alam mo iyon. Inis na inis ako kasi wala naman akong magawa para pigilan iyon. Kapag pinigilan ko ýon, mag-aaway naman kami ni Raquel tapos magagalit din si Maám Selena sa akin,’’ sabi ni Jenny. ‘’N

