ERIELA Hanggang sa natapos ang kompetisyon, lahat ay nagkakasiyahan dahil nakuha nila ang inaasam. Ang iba ay dismayado dahil hindi sila nakapasa sa kompetisyon, pero hindi naman hinahayaan ng sponsor na makaramdam ng lungkot ang mga kalahok dahil binigyang oportunidad na maka-tour sa International Culinary School. Kaya kahit paano ay naibsan ang lungkot ang mga estudyante. Nang makalabas sila ng grand hall ay agad na nagsipuntahan ang mga staff at estudyante at ibang kasama sa event para makakain na sa Restaurant dito sa loob ng cruise ship. "You need help?" Muntik na siyang atakihin at mabitawan ang bitbit niyang bag sa biglaang pagsalita sa likuran niya. Sinamaan niya ng tingin ang lalaking gumulat sa kanya. "You can leave it here, Acushla. I'll make a call to have someone bring

