ERIELA Napakunot ang noo ng dalaga at nagising na lang siya nang maamoy niya ang mabangong pagkain at aroma ng kape na nanunuot sa ilong niya. Napatingin agad siya sa sliding window na nakahawi na ang maroon na kurtina kaya naaninag niya ang sobrang ganda ng sinag ng araw. Bumaba siya sa kanyang kama para makitang malapitan ang sinag na iyon. Pagkalabas pa lang niya sa kwarto ay agad na sumilay ang kanyang ngiti sa mga labi nang makita ang asul na langit. Napatingin siya sa magandang tanawin ng dagat at napatitig doon. Kung tutuusin gusto niya rito manirahan, subalit imposible ang gusto niya dahil once in a lifetime lang siyang nakatungtong dito. Lumipat ang tingin niya sa mga pagkain na nakalapag sa mga pagkain na nakalapag sa lamesa. Nilapitan niya ang mga iyon at umupo sa harap ng ha

